OLIVIA'S POV:
"O-olivia." I smiled. I missed that. I miss her calling me that. She's the only one who can call me Olivia. Well, except for that stupid Klarisse.
And if you're wondering what the hell happened and kung bakit biglang nandito kaming buong pamilya kila Aerin, here it is:
--FLASHBACK--
"Tutuloy ka sa flight mo pa-New York." nabitawan ko naman yung tinidor na hawak ko dahil sa sinabi n'ya.
"WHAT?!" was she serious with what she just said? Gusto n'ya akong tumuloy sa New York? Malalayo kay Aerin? Papa'no naman yon makakatulong para malutas yung problema ko? Nababaliw na ba yung babaeng 'to?
"O, OA ng reaksyon. Try mo kaya muna akong patapusin. Kala mo naman matatakot ako sa pandidilat ng mata mo. TSE! Wag nga ako, Olivia." ugh! That name again. Nakakapagod na rin s'yang sawayin na tawagin ako non. "Ang ibig kong sabihin, palalabasin natin kay Aerin na tumuloy ka sa New York. Tapos, hahayaan nating habulin ka n'ya sa airport--"
"Airport drama? Nah, not my kind of thing. At ang daming press don. Ayokong maging talk of the town yung lovelife ko. Mas gusto ko na private lang s'ya." kontra ko. Tama naman ako, sino ba namang gugustuhing isapubliko yung relasyon. At isa pa, dyan sa mga balitang yan nagsimula lahat.
Ayan na naman yung pamewang n'ya habang papalapit sa akin. Hindi naman ako takot sa kanya. As if.
Napaawang yung bibig ko nang makaramdam ng pitik sa noo.
"What the f--"
"Bibig mo. Subukan mong ituloy yan, Skylar, malilintikan ka sa akin." at papa'nong hindi ko naramdaman na nandito na pala yung mga magulang namin? Ano din yung ginagawa nila dito? Akala ko nasa ibang bansa sila dahil may kailangang ayusin si Papa?
"Masyado ka kasing epal, Olivia. Patapusin mo kasi ako. Ikaw ba gusto mong maayos kayo ni Aerin, o mas gusto mo s'yang mapapunta na lang talaga dun sa pulis pangkalawakan?" malay ko ba naman kasing hindi pa s'ya tapos.
Since mukhang talo na naman ako dahil nandito na naman yung buong pamilya ko na hindi ko alam kung bakit botong-boto kay Aerin, walang ganang umupo na lang ulit ako. "Fine. What's your plan? Promise, I will not interrupt anymore!" and the worst part? My family's been laughing and agreeing with this girl. Hey parents, I'm your daughter! Ugh.
"Mabuti naman at makikinig ka na." and there's her infamous smirk na naman. "Ay hello po pala, Mr and Mrs President. Mabuti naman po at nakarating kayo sa pagpupulong na 'to." what an actress. How can they believe that this girl is nice? Can't they see her true colors?
And my parents, ayun, ngiting-ngiti sa kanya.
"As I was saying, Olivia, hahayaan natin na humabol si Aerin sa airport para may time ka na ipakilala yung sarili mo at yung parents mo sa parents ni Aerin." huh? Will Aerin's parents be at the airport too? That'd be awkward.
I was ready to protest, but she beat me to it.
"Ang ibig kong sabihin, hindi ka pupunta sa airport. Si Sofia lang para paniwalain si Aerin na umalis ka na talaga habang ikaw, pupunta ka sa kanila kasama yung parents mo, para hingin yung kamay ni Aerin."
Why would I ask for her hand? I'm kind of confused right now. "Kamay lang?"
I could hear that my family's laughing at what I just said but I ignored them. Yes fam, let me be your clown, ugh!
"Nasstress ako sa'yo, Olivia, promise. Anong palagay mo kay Aerin, baboy? Ichochop-chop ganon? Jusmiyo. Ang ibig kong sabihin non, magpapaalam ka sa kanila na pakasalan yung anak nila. Na yun naman yung gusto mo diba? Masyado nang matagal yung arte n'yong dalawa kaya tapusin n'yo na at ituloy sa kasalan." oh. That's what that phrase means. I nodded.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
ЮморSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
