AN: If ever na may time kayo, basahin nyo rin yung story ko na PSDLM kasi halos konektado 'tong ABD sa story na yon. Yun lamang naman.
================================
OLIVIA'S POV:
Nakakunot-noo akong nakatitig sa MacBook ko habang nagse-search ng mga profiles sa Facebook. Sinusubukan ko kasing hanapin ang profile ni Aerin doon pero nailagay ko na yata sa search bar ang lahat ng posible kong ilagay pero wala pa rin akong nahahanap na profile niya. Kanina sa cell phone ko ay sinubukan ko ring hanapin siya sa Instagram pero kagaya sa Facebook ay wala rin siyang account doon. Naka-irap na sinubukan ko ulit maghanap.
"What are you doing?"
I jumped slightly nang may magsalita sa likod ko. I turned around and sent daggers at Sofia na naka – peace sign sa akin at nakangiti.
"What are you doing here? Bakit hindi ka kumakatok?" Nandito pa kasi ako sa kwarto ko, hindi pa ako lumalabas mula rito ngayong araw.
"I did, hindi ka kasi sumabay sa amin mag-breakfast kaya pinuntahan na kita." sagot ni Sofia saka lumapit sa'kin, tiningnan muna niya kung ano ang ginagawa ko bago umupo sa harap ko. She looked at her watch. "Apparently ay abala ka sa pagiging stalker kaya hindi mo napansin ang pagkatok at pagpasok ko. Malapit na rin mag-lunch, Liv, hindi mo yata napansin ang oras dahil sa ginagawa mo. Hindi ko alam na may stalker tendencies ka pala." Tukso niya.
My glare turned murderous but she only smirked at me. "I'm not stalking."
"Really?" She tsked. "May ibang tawag na pala sa ginagawa mo? Bakit hindi yata ako nasabihan?"
"Will you shut up? I told you I'm not stalking... I was just browsing." I bit my lip. "Pero, Sofi, bakit walang Facebook at Instagram account si Aerin? Siya lang ang kilala kong walang ganoon." I said in frustration.
Sofia chuckled. "Oh my God, Olivia, ngayon lang kita nakitang ganyan ka frustrated. Usually ay nakikita lang kitang ganyan kapag may pumapalpak sa paligid mo o may mga bagay-bagay na hindi pumapabor sa'yo. I will really congratulate Aerin pagbalik niya."
"Get out of here, you're not helping," I said in a cold voice saka muling ibinalik ang attention ko sa MacBook ko.
"And missed out on this cute side of you? Nope, sorry, not happening," she grinned, eyes shining happily. Malamang dahil sa paghihirap ko.
"I would've kicked your annoying face already kung hindi lang kita kapatid."
"Aw. I love you too, Liv," she cooed.
I only looked blankly at her.
***
"Manang Amelia, titingnan ko lang naman po ang information ni Aerin. I'll just check kung tama ang mga information na pinaglalagay niya sa bio data niya. Baka mamaya we employed a criminal," nakatayo ako sa harap ng mesa ni Manang Amelia ngayon dito sa opisina niya. Hinihiram ko rin ang bio data ni Aerin Harvey dahil hindi ko talaga nahanap ang profile niya.
Manang Amelia was only staring at me. Unfazed. "Hindi ba't masyado nang huli, Olivia, para hingin mo pa ngayon 'yan? Aba'y ilang buwan na ring nagta-trabaho sa atin ang batang 'yon ah. May ginawa ba siya na hindi mo nagustuhan? Maayos naman ang feedback na natatanggap ko sa performance niya."
"Ang dami mo naman pong tanong, Manang Amelia," pinagtaasan lang ako nito ng kilay. "I'll return it agad, Manang, may titingnan lang po ako."
Manang Amelia merely leaned on her seat. I huffed and crossed my arms. Kaya si Manang Amelia ang head ng mga staff namin ay dahil hindi tumtalab ang ugali ko sa kanya, pati na rin ang kapilyahan ni Sofia. Para siyang isang masungit na principal.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
ГуморSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
