AN: Yay! Another update. Sinipag lang. Haha. Hindi ko alam kung kelan ulit sisipagin.
Enjoy!
Langga, I love you so much.
======================================
AERIN'S POV:
"Nakakatawa yang jowa mo. Bakit kasama s'ya dito sa pakikipag-usap natin sa 'wedding coordinator'? Iba din naman yung pagbabakod n'ya eh no? At papa'no n'ya nalaman na nandito tayo sa Batangas ngayon? Tapos may kasama pang asungot." actually, hindi naman kasama sa plano talaga 'tong pagpunta namin sa Batangas. Pero ewan ko dito kay Klarisse, sabi n'ya, pagpanggapin ko daw si Ate Cassy na maging wedding coordinator ko, tapos puntahan daw namin para kapani-paniwala.
Pero ang hindi ko gets, eh kung bakit andito din 'tong sila Olivia, Sofia, at yung malanding si Kevin? Bakit nila alam na nandito kami? Sino namang makati yung dila na magsasabi sa mga 'to about dito sa Batangas.
Pero bago ako makasagot kay Cardo, may biglang humila sa akin at inilayo ako sa mga kasama ko.
"What the hell, AC? Anong ginagawa n'yo dito? Kakasabi ko lang sa inyo ni Clar na hindi ako pwede ngayon diba? Anniversary ng Lolo at Lola ni Michelle at nandito kami sa Batangas para i-celebrate yon. Diba sabi ko, next week na 'to?" napangiwi ako sa kasungitan ni Ate Cassy. Well, sanay na naman ako pero nakakatakot talaga kapag nagtataray s'ya.
Napakamot ako sa ulo habang apologetic na tumingin sa kanya.
"Sorry na. Eh kasi naman, minadali ako nung mga kasama ko. So, tinanong namin kay Ate Pam kung nasaan ka ngayon. Pwede ko namang sabihin sa kanila na busy ka ngayon, and next week na lang kami. Maiintindihan naman siguro nila." hinging paumanhin ko pa.
"Okay good. Buti nga at pumayag na ako dyan sa kalokohan n'yo na gawin akong wedding coordinator. Matchmaker ako, hindi wedding coordinator no! Magkaiba yon." Luh, ayan na naman yung pagtaas ng mga kilay n'ya. Pag ganito si Ate Cassy, wala silang pinagkaiba ni Klarisse.
"Wag ka nang magalit." pagpapacute ko sa kanya. "Love mo naman ako diba?" napangiti ako nang makita kong ibinaba na n'ya yung kilay n'ya at ngumiti sa akin.
"Pasalamat ka talaga, mahal kita. Kung hindi, nako, asa kang papayag ako sa gusto mo. O s'ya, umuwi na kayo at marami pa kaming gagawin ni Michelle dito. Alam mo naman kapag sa probinsya yung handaan, buong baranggay, imbitado." sabi pa n'ya na hindi halata na itinataboy kami.
Paglingon naming dalawa sa mga kasama ko, sabay nanlaki yung mga mata namin ni Ate Cassy. OMG! Lagot na.
Tumingin kami sa mga kasama namin pero nagkibit balikat lang sila habang nakatingin din sa tinitingnan namin.
"Oo nga po, Lala, excited nga po akong maexperience yung handaan sa probinsya. Kami po kasi nitong pinsan ko, sa Maynila lang po talaga lagi. At eto naman pong nakasimangot na pangit kong kapatid, sa States naman po. So first time po talaga namin 'to." narinig naming sabi ni Klarisse habang kausap yung Lola ni Michelle.
"Talaga? Tamang-tama pala yung pagbisita n'yo dito kay Michelle at kay Cassandra." tuwang-tuwa na sabi naman ng Lola ni Michelle.
"Buti na lang po at nataon sa 25th anniversary n'yo ni Lolo yung punta namin dito." natawa naman ng mahina si Ate Cassy sa sinabi ni Klarisse.
"Ibang klase din naman yang pinsan ni Maybelle no? Iba din mambola eh." naiiling na natatawang sabi n'ya.
"Ikaw talagang bata ka puro ka biro. 50th anniversary namin 'to. Hindi 25th." pagtatama ni Lola pero ngiting-ngiti naman sa komento ni Klarisse.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
ComédieSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
