Chapter 34

6K 312 88
                                        

           
AERIN'S POV:

"Sure ka ba na okay lang? Baka mamaya, ipahuli ako ng kapatid mo." Kinakabahang bulong ko kay Sofia habang papasok kami sa mansyon. Inihatid ako dito nila Klarisse dahil kailangan na daw naming simulan yung plano habang andito pa si Olivia sa Pilipinas. Kapag daw kasi nagpunta na sa s'ya sa states, mas mahihirapan daw ako. At kasama pa daw yung pangit na si Kevin kaya mas lalo nila akong napapayag. Sabi pa n'ya, feeling n'ya, medyo mas nahimasmasan na si Olivia sa galit n'ya. Baka daw nakapag-isip-isip na, kaya kailangan na naming gawin 'to.

At may ipinaalala pa si Klarisse bago ako bumaba at sunduin ni Sofia.

"Tandaan mo, Aerin Camila, wag na wag kang magpapahalata na apektado ka sa presensya n'ya, kay Cardo mo lang kunwari ituon yung atensyon mo, okay? Magaling kang artista diba? Gawin mo 'yon. Okay?"

Yan, yan yung sinabi n'ya. Pero hello, papa'no ko naman hindi papansinin yung presensya ni Olivia? Eh miss na miss ko na s'ya. Pero para sa aming dalawa, kaya mo yan, Aerin! GO!

"Trust me, baka mas matuwa pa 'yon na nandito ka. Tho, mag-iinarte s'ya, pero bisita kita kaya wala s'yang magagawa. And kung alam mo lang kung gaano ka na namimiss n'yan. Ayaw lang talagang umamin." mahinang sagot naman n'ya dahil baka bigla na lang naming makasalubong si Olivia.

Halos kakapasok pa lang namin nang bigla kaming may narinig na nagsalita.

"Ate Aerin!" masayang bati ni Nico sabay yakap sa akin.

Tuwang-tuwa din naming niyakap ko s'ya. Miss na miss ko na rin naman s'ya. Halos tatlong araw na rin kaming hindi nagkikita. Eh sanay ako na ako yung nag-aasikaso sa kanya araw-araw diba?

"Nico! Kumusta ka na? Yung pag-aaral mo?" nakangiting tanong ko sa kanya.

"As usual, first na naman ako ngayong grading period na 'to. Nothing new." kaswal na kaswal na sagot n'ya. Oh wells, tama nga naman, walang bago don. Para naman kasi talagang hindi na bata 'tong isang 'to kaya hindi nakakapagtaka na matalino naman talaga s'ya sa klase.

"Sabi ko nga eh. Sa talino mong yan." nakangiti lang si Sofia habang nakatingin sa aming dalawa ng kapatid n'ya.

"Right on time." napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya. "Ate Liv, si Ate Aerin o, binisita tayo." maninigas na sana ako sa kinatatayuan ko pero naalala ko yung sinabi ni Klarisse. Relax ka lang, Aerin, breathe in, breathe out, at pagkatapos, magsmile ka.

Kahit sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, mas pinili kong sundin yung sinabi ni Klarisse. Nakasmile na humarap ako likod ko para ipakita kay Olivia na hindi na ako naaapektuhan sa presensya n'ya.

"Hi." and pinagana ko yung pagiging best actress ko at nagsmile lang sa kanya.

Mas napangiti ako nung napansin kong nagulat s'ya sa ginawa ko.

"W-hh- I mean, what are you doing here?" mukhang tama nga silang lahat ah. Parang ngayon ko na lang ulit nakitang nagstutter si 'Elsa'. Aerin- 1 point.

"I invited her here. May kailangan kasi kaming pag-usapan about sa wedding nila ni Cardo. Pumayag kasi akong maging bridesmaid nila." si Sofia yung sumagot sa kanya and muntik na akong magsmirk nang mapansin kong nagbago yung itsura n'ya.

"Oh. I see." sabi pa n'ya. At para mas lalong madagdagan yung kung ano man yung nararamdaman ni Olivia ngayon, sumagot din ako.

"Yes. Sorry, biglaan kaya hindi rin kita nasabihan, LIV," yes, sinadya kong ganun yung itawag sa kanya. "Btw, sorry talaga sa mga nagawa ko ha, sana, mapatawad mo na ako don. Kasalanan ko naman talaga. And thank you kasi tama ka nga, hindi nga talaga siguro tayo yung para sa isa't- isa. Tulad ng sabi ko noon, wish ko na maging happy ka na rin tulad ko. Na may mahanap kang tulad ni Cardo na mamahalin ka din ng buong-buo. At kung nandito ka pa sa Pinas sa araw ng kasal naming dalawa, sana makapunta ka." nakangiting anyaya ko sa kanya. At kahit hindi ko nakikita si Sofia at Nico, alam kong lihim silang nakangiti dahil sa reaksyon ngayon ng Ate nila.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon