AN: Hindi ko alam kung magugustuhan ng partner ko 'tong ginawa ko, dahil chapter nya dapat 'to, pero kasi, medyo matagal na 'tong walang update, so yeah. At kailangan ko kasi 'to para sa next chapter ng PSDLM. drifter_01 sorry, yung susunod, sa'yo na talaga.
Uulitin ko lang po ha, konting pasensya lang dahil busy yung partner ko at hindi naman kasi sa wattpad lang umiikot yung mundo nya. Yun lang po.
So, enjoy.
========================================
AERIN'S POV:
"So?" agad ko namang sinamaan ng tingin si Yana nang makasalubong ko sya after ko makalabas ng kwarto. Bwisit talaga sya! Kung hindi dahil sa kanya, hindi mangyayari 'to. At isa pa, ano na lang yung sasabihin sa akin ni Parekoy kapag nalaman nya pinlano NAMIN lahat 'to? Na pinagkaisahan namin yung panganay nyang anak?
"Wag mo akong ma-so-so dyan, Alyana Lopez! Kasalanan mong lahat 'to!" sumbat ko sa kanya. Pero instead na magsorry at makonsensya, ang hinayupak, nagsmirk pa talaga.
"Masarap ba? Naging makatotohanan ba yung plano natin? Totoong nakuha na ba ni Liv yung, alam mo na, hehehe." at kung hindi ko siguro napigilan yung sarili ko, nasapak ko ng bongga 'tong babaeng 'to para lang mawala yung nakakabwisit na smirk sa pagmumukha nya.
"Lopez, hindi lahat ng tao, kasing manyak mo, okay? At kapag kung ano yung nangyari sa usapan namin sa loob mamaya, at maging dahilan pa yon ng mas malaking galit sa akin ni Olivia, humanda ka talaga sa akin. At hindi lang sa akin, isusumbong din kita sa Ate mo!" mahina pero may diin yung pagkakasabi ko. Baka kasi may ibang makaalam, mas lalo pa akong mapahamak.
At para mas lalo ata akong mabwisit, inilapit ni Yana yung mukha nya sa akin.
"Sus, as if naman hindi mo nagustuhan yung nangyari kagabi. And pupusta ako sa'yo, paglabas mo dyan sa study room, engaged ka na." mas lalong lumapad yung nakakalokong ngiti nya habang sinasabi yon. May nakita pa akong kakaibang kinang sa mga mata nya habang nakatingin sa may bandang likod ko kaya agad akong napatingin sa tinitingnan nya. At ganun na lang yung bilis ng tibok ng puso ko nang makita kong nakatayo si Olivia sa may pintuan ng study room habang blangkong nakatingin sa aming dalawa ni Yana. Shit! Kapag sinuswerte ka nga naman diba? UGH!
At tulad ng inaasahan, malamig din yung boses nya nang magsalita sya.
"Sa susunod na maglandian kayo, yung hindi naman sana dito sa bahay namin, nakakahiya naman din kasi amin ng kapatid ko diba? Or baka wala naman talaga kayong hiya? At isa pa, Miss Harvey, kung makikipaglandian ka sa iba, siguraduhin mong hindi yung sa harap nung taong naka-sex mo lang kagabi." Ouch. Naka-sex lang? Kahit hindi naman talaga nangyari, sana man lang, lovemaking yung ginamit nyang term diba? Tutal, mahal naman namin yung isa't-isa. "At kung hindi naman nakakaabala sa landian nyo, baka pwedeng pumasok ka na dito sa study room dahil kanina ka pa hinihintay ng mga magulang ko."
Sasagot sana ako at hihingi ng sorry kahit wala naman akong ginagawang masama, pero naunahan na naman ako ng lecheng babae sa tabi ko.
"Okay lang, Liv. Pahiram ko muna sa'yo 'tong vanilla cake ko." the f*ck? Vanilla cake naman ngayon? Ano naman kaya sa susunod no? Leche talaga!
Nakita kong sinamaan muna ng tingin ni Olivia si Yana bago nagdadabog na pumasok ulit sa study room.
Inis na hinarap ko na lang ulit si Alyana.
"Hindi pa tayo tapos." inis na sabi ko sa kanya bago tuluyang sumunod kay Olivia.
Pero agad din namang bumalik yung kaba ko nung nasa may labas na ako ng study room. Wag na lang kaya akong tumuloy? Parang kinakabahan ako sa pwedeng mangyari eh? Or aminin ko na lang kaya na plano namin ni Alyana 'yon? Para hindi na lumala pa diba? Baka kasi kung saan pa mapunta yung usapan eh. Siguradong malalagot ako. Hindi lang kay Olivia, pati sa pamilya ko at lalong-lalo na kay Clarence.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...