Chapter 9

6.4K 339 24
                                        

AN: At nagsend na po si drifter_01 ng update nya. Yay. Nakakaiyak naman talaga. Paggising ko, yung email nya agad for this update yung nabasa ko. Ayan, ganyan nga, Beb.

O, yung next pa ha. Haha. Sa chapter 11 pa ulit ako eh. Haha.

Enjoy, girls!

=================================

OLIVIA'S POV:

"Papa!" patakbong sinalubong ni Nicolo ng yakap ang Tatay namin na kadarating lang galing sa kanyang out of the country trip.

"Hey, son," masayang bati ni Papa kay Nicolo, kissing his forehead.

Nakangiting pinapanood ko sila. Kagabi ko pa alam na ngayong umaga dadating si Papa pero hindi ko sinabi kay Nicolo kaya naman nagulat siya nang madatnan sa dining room si Papa at hinihintay kami.

Napatingin ako kay Aerin na nakatayo sa tabi ko at medyo nakabukas pa ang bibig.

"Hoy," tawag ko sa kanya, para namang natauhan siya at tumingin sa akin. I tilted my head slightly. "Close your mouth, ngayon ka lang nakakita ng tao?"

Medyo namula naman ito before rolling her eyes. "Sorry po, Miss Olivia, na-star struck lang kasi ako sa Presidente ng Pilipinas."

"Wala akong paki. Isara mo 'yang bibig mo, nasa tabi pa naman kita, baka akala ng mga tao kilala kita," pang-iinis ko sa kanya. Sasagot pa sana ito pero naglakad na ako papunta kina Nicolo.

"Hey, Pa." Bati ko.

"Olivia," my father opened his arms to hug me, tinanggap ko naman iyon. Kagaya ni Nicolo ay hinalikan din niya ang noo ko.

Tiningnan ko si Nicolo masayang kumakain na ng almusal niya at hindi na kami pinapansin. Nasa tabi na din niya si Aerin. Umupo na din kaming dalawa ni Papa.

"You must be Miss Harvey," inilahad ni Papa ang kamay kay Aerin at parang nahihiyang tinanggap naman iyon ni Aerin ng nakangiti.

"Hello po, sir. Nice to meet you po. Ibinoto ko po kayo noong election."

My father laughed, "thank you, young lady. Alagaan mong mabuti ang bunso ko, okay?"

"Siyempre naman, sir." Bakit kapag ibang tao napakabait makipag-usap nitong batang hamog na 'to?

I snorted, tiningnan naman ako ni Aerin at pinagtaasan ng kilay. See? Amo din naman niya ako pero walang galang sa'kin.

"Olivia," tawag sa akin ni Papa, I frowned before looking at him.

"Yeah?"

"Are you busy?" tanong nito.

Nagdududang tiningnan ko siya. Well, I'm not busy dahil nga nasa ibang bansa ang trabaho ko at nasa bakasyon ako ngayon dahil kay Nico.

"It depends," I answered slowly, baka kasi may masamang balak na itong tatay ko eh, mahirap na.

"Let's have dinner later; I have to talk to you about something, ipapasundo kita sa driver mamaya after my meeting."

"No need, ako na lang po ang pupunta, just text me the address of the place." Ako na ang magd-drive para kapag hindi ko nagustuhan ang discussion namin ay makakaalis ako agad.

He nodded, satisfied.

Napatingin ako kay Aerin na curious na nakatingin sa amin ni Papa.

Inirapan ko siya. Ano na naman kaya ang iniisip ng babaeng 'to?

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon