Chapter 37

3K 217 17
                                        

AERIN'S POV:

"Uy, boodle fight! Namiss ko 'to. At ang sasarap ng food. Yay!" kung hindi siguro sariwa pa rin sa isip ko yung nangyari sa manggahan kanina, malamang, pareho rin nung kay Pining yung excitement na nararamdaman ko.

Pero dahil nga iniisip ko pa rin yung pagiging marupok ko kanina, eto, nananahimik lang muna ako sa isang tabi. At ramdam ko na kanina pa may nakatingin sa akin, pero never kong sinalubong yung mga tingin n'ya. Nakakahiya kasi yung ginawa ko eh.

"Wag ka munang atat, Pining Garcia, maya-maya pa magsisimula yung kainan. Tho, parang busog ka na naman, kumain ka na yata ng pipino kanina!" tawang-tawa naman yung lahat sa sinabi ni Klarisse lalo na nung namula sila Pining at Charity. Lakas!

"H-hi-hi-hindi ah." grabe naman, hindi talaga obvious na totoo yung narinig namin. Hindi nauutal si Pining o. Iba din naman, pati dito sa Batangas, di pinalampas.

"Naiinggit ka naman, Klarisse? Eh sa napag-usapan namin na kapag may magtatravel kami, kailangan, may remembrance yung lugar na yon. If you know what I mean." at kumindat pa talaga si Charity kay Klarisse.

"Ew. Ang TMI mo na n'yan, Pipino. Wala kaming planong pakinggan yung kalaswaan n'yo ni Pining Garcia sa isa't-isa. Sarilinin n'yo na lang 'yan, ugh! At hindi ako maiinggit sa inyo, lalo pa ngayon na may sex video na kami ni Justine na pwede kong ibenta sa Quiapo. Yayaman na ako!" proud na proud naman na sabi nung isa na agad binatukan ng asawa n'ya. O nadali mo, kung anu-ano kasing pinagsasabi mo eh. 

Tawang-tawa naman kaming lahat.

Napatigil ako sa pagtawa nang biglang lumingon sa akin si Klarisse at nagsmirk. Uh-oh, shit. Wag sana n'yang banggitin dito yunh nangyari kanina. Ayoko munang malaman ng iba. Baka isipin nila, ang bilis kong bumigay.

Nakahinga ako nang maluwag nung ibalik n'ya yung usapan sa kanilang dalawa ni JT. Thank you Lord.

"Psst, AC." napalingon naman ako sa katabi ko.

"Whut?" nakataas ang kilay na tanong ko kay Cardo.

"May nangyari ba?" bigla namang nag-init na naman yung mukha ko dahil sa tanong na 'yon. Naalala ko yung kanina. Naalala ko na WALANG NANGYARI KANINA! At kasalanan yon ni Klarisse.

"H-ha? W-wala ha." ay wow. Pwede na siguro kaming magsama ni Pining. Hindi rin ako obvious eh.

"Ah. Simula kasi nung bumalik ka kanina, sobrang naging tahimik ka na, tapos, ang pula-pula lagi ng tenga mo. Umamin ka nga sa akin. Yung totoo ha." napalunok naman ako sa sinabi ni Cardo. Alam n'ya rin ba? Masyado na akong halata? Nakita n'ya ba kaming umalis ni Olivia kanina?

"A-ang?" kahit ako nagulat na may boses pang lumabas sa akin.

"Natatae ka ba? Kasi, ganyan yung senyales kapag natatae eh. Namumula, pinagpapawisan nang malagkit, tapos, nananahimik. Napatae ka ba sa salawal mo?" sukat don ay nakahinga ako nang maluwag. Hoo! Hindi naman pala n'ya alam. Akala ko pa mandin, may iba nang nakakaalam nung nangyari kanina.

Ang paranoid ko naman masyado. Saka wala namang nangyari diba? Ni hindi ko nga dumampi yung labi ko sa—Aerin, stop. Hindi nakakatulong yan.

Umiling lang ako, sabay kuha nung juice na nasa harap ko. Kailangang masayaran ng kahit na ano yung lalamunan ko para mawala yung kaba ko.

"Ay ay ay ay ay o pag-ibig, pag pumasok sa puso ay maligalig. Ay ay ay ay ay hanggang langit, ang pangako ng pusong umiibig. Kanina sa may manggahan, may isang manok at isang palay. Nung una'y aayaw-ayaw pa, yun pala'y magtutukaan din! Yay——-" bigla akong nasamid dahil sa narinig ko. Leche! Leche talaga!

Napatingin naman sila sa akin dahil sa sunud-sunod na pag-ubo ko. At tulad nang inaasahan, nakasmirk na naman si Klarisse. Ugh!

Hahagurin sana ni Cardo yung likod ko, pero biglang may nagsalita sa malapit sa amin.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon