AN: I'll be posting my chapter din dahil after nito, hihingi ulit kami ng one week na pahinga. Keri naman no? Para mapag-isipan lalo namin yung mga susunod na eksena. Btw, sinulat ko lamang 'to habang ako'y nagmumuni-muni sa train kaya pagpasensyahan nyo na ang aking munting nakayanan. ❤️✌️
Enjoy!
At maligayang araw ng mga Tatay sa inyong mga Ama.
PS: Ayokong nakasmile kayo habang binabasa 'to. Gusto ko malungkot kayong lahat. Ang magcomment na nakangiti sila, papatayin ko. Ge yun lang.
==================================
AERIN'S POV:
"Oh my God!" narinig kong sabi ni Sofia kaya bigla akong napatingin sa palad ko at sa pisngi ni Olivia.
Pagtingin ko sa babaeng kaharap ko, pinaghalong, hurt, shock, and longing yung nakikita kong emosyon sa mga mata nya. So totoo nga, totoo yung mga nangyari ngayon-ngayon lang?
Olivia kissed me. She kissed me after nyang makipagdate sa pangit na lalaki and I slapped her. I slapped her sa harap ng mga kapatid nya. Sa harap ni Nicolo. Ano na lang yung sasabihin sa akin ng alaga ko?
At bago pa may makapagreact sa kanila, nagmamadali akong tumakbo papasok sa kwarto ko.
Napaupo ako sa may sahig habang nakahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas-lakas kasi ng kabog hanggang ngayon. Nanginginig pa rin at nanlalambot yung mga tuhod ko hanggang ngayon.
Ano ba naman kasi yang si Olivia, pabigla-bigla, ni walang pasabi, basta-basta na lang nanghahalik. Mabuti na lang talaga at bagong toothbrush ako. Kung nagkataon, nakakahiya naman sa kanya, ugh!
Bigla naman akong napahawak sa labi ko. Hinalikan nya talaga ako. Ramdam ko pa hanggang ngayon yung labi nya.
Magpapakaplastik ako kung sasabihin kong hindi ako kinilig pero kasi dapat, hindi nya ako binigla. First kiss kasi yon, first kiss ko tapos ganon lang? Sa tamang tao nga pero sa maling lugar at maling pagkakataon. Hello, sa harap talaga ng mga kapatid nya tapos mabilisan pa? Hindi yun yung inimagine ko no.
Bigla na naman bumilis yung tibok ng puso ko nang may marinig akong mahinang katok sa pinto.
Ano ba naman yan Bro, bakit agad-agad? Kakasampal ko lang sa kanya tapos biglang pinasunod mo na sya agad sa akin? May galit po ba talaga kayo sa akin? Eto ba yung unang karma ko sa mga kasinungaling pinagsasabi ko? Anong sasabihin ko sa kanya? O baka naman sasabihin nila sa akin na wala na akong trabaho dahil sinampal ko yung anak ng Presidente.
Magtulug-tulugan na lang kaya ako? Pero hello, hindi naman yung shunga para isipin na kakapasok ko lang dito tapos tulog na ako. Tumakas kaya ako? Dun ako sa bintana dadaan? Eh kaso masyadong mataas, kapag nalaglag ako, bali-bali yung buto ko. Ang pangit ko non.
"Aerin, ako 'to, don't worry, wala si Liv. Dinala sya ni Nico sa kwarto nya. Can we talk?" narinig kong sabi nung kanina pa katok ng katok.
Nakahinga naman ako ng maluwag. At least hindi si Olivia diba?
At kahit wala muna akong gustong kausapin ngayon, wala akong magawa kundi buksan na lang yung pinto at papasukin si Sofia. Unang-una, anak sya ng amo ko, at pangalawa, may alam sya tungkol sa sikreto ko.
"Are you okay?" tanong agad nya pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
Tinaasan ko lang sya ng kilay. Yun talaga yung tanong nya after nya mawitness yung nangyari sa aming dalawa ng Ate nya kanina?
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
UmorismoSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
