AN: Ayan, wala pa kasi akong maisip sa SIY, so eto muna, hihi. Pasensya na kung natagalan, medyo busy lang talaga. O sya, enjoy. :*
=============================
AERIN'S POV:
"What did she do?" bigla naman akong napatigil sa pagkuha ng libro ni Nico sa bag nya.
"Ha?" takang tanong ko sa kanya. Pinagsasabi ng batang 'to.
"Liv." walang ganang sabi nya. "What did she do to you?" ulit pa nya sa tanong nya habang nagsusulat ng kung ano sa notebook nya.
"Anong klaseng tanong naman yan, Nicolo?" balik-tanong ko sa kanya. Jusko, papa'no nalaman ng batang 'to na may kabwisitang ginawa yung pangit nyang Ate sa akin? Nakakabasa ba sya ng isip? Hala, ibig sabihin, alam na nya yung mga plano ko? Pero kung totoo yon, bakit hindi pa nya ako sinusuplong?
Napailing na lang ako sa parang tangang iniisip ko. Sino ba naman kasing nasa katinuan ang mag-iisip na may isang batang lalaki na nakakabasa ng isip ng tao? Bukod tanging ako lang, diba? Ugh!
"Ate Aerin! Huy!" saka lang ulit bumalik sa kabihasnan yung isip ko. Kung maka-huy kasi at makawagayway ng kamay 'tong si Nicolo, akala mo may balak tusukin yung cornea ko.
"S-sorry, you were saying?" tanong ko sa kanya.
"Hay nako. Not paying attention. Kung saan-saan naman lumilipad yung isip mo eh. I asked you kung bakit nagsorry sa'yo si Ate Liv. It's been years mula nung marinig kong nagsorry sya sa isang tao. She must have done something wrong this time kasi masyadong mataas yung pride nyan at hindi marunong magsorry." sabi pa nya while shrugging.
Pero ano daw? Nagsorry si babaeng yelo? Kelan? Bakit hindi ko alam na nagsorry sya? Ano yon, pinasabi pa nya kay Nico para lang iparating sa akin? Wala ba syang balls para sya mismo yung magsabi non? Sus. Ang weak pala ng babaeng 'yon eh.
"Kung hindi naman nya kayang magsorry ng harap-harapan sa akin, para saan pa yung paghingi nya ng tawad?" seryosong sabi ko naman kay Nico. Mas maganda kung ipaparating nya sa matapobre nyang kapatid yung gusto kong ipasabi.
At ayan na naman yung mahiwagang tawa ni Nicolo. Minsan napapaisip ako kung may lahing baliw 'tong mga Ilustre na 'to. Siguro etong sakit nilang 'to yung dahilan kung bakit umalis si First Lady.
"Why do you have to be this cute, Ate Aerin?" naiiling na natatawang tanong nya.
Hindi na naman nya kailangang ipangalandakan yon. Ano konek ng ka-cute-an ko sa pagtawa nya? Iba na 'to. Natatakot na talaga sa magkapatid na 'to.
"Nagsorry na s'ya sa'yo, Ate Aerin. Remember, sa music room? She said, she's sorry." natatawa pa ring sabi nya nung hindi ako nagsalita.
Nanlaki naman yung mga mata ko at napaawang yung bibig ko sa sinabi nya. Ang babaeng yelo, nagsorry? Sa akin? Weh? Pinagtitripan yata ako ng batang 'to eh.
"You always do that. And it's really funny." sabi pa nya habang derechong nakatingin sa akin. "Oh, and you're cutest when you're doing that." nagulat na lang ako nang bigla nyang pisilin yung pisngi ko.
Aray ha. Makapisil naman 'tong batang 'to.
Mas lalo syang natawa nung sumimangot ako.
"Pero nagsorry ba talaga sya?" tanong ko na lang sa kanya.
Tumango-tango naman sya.
"Eh papa'no mo narinig? Diba mas nauna ka sa akong lumabas don?" baka naman kasi tinitrip lang ako ng batang 'to. Or gusto lang nyang magkaayos kami ng Ate nya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
