AN: Tayo'y magbunyi pagkat ginaganahang magsulat si drifter_01 yay! Haha.
===============================
OLIVIA'S POV:
"Liv, wala na bang mas ibabagal yung takbo ng kotse mo?" Playful na tanong ni Sofia na nakataas pa ang mga paa sa dashboard ng sasakyan ko. Nakalagay sa likod ng ulo niya ang mga kamay at relax na relax habang nasa biyahe.
"I told you kasi we could use the helicopter pero mas gusto mong pagurin ako. Magtiis ka," inis na sagot ko sa kanya.
I mean, I didn't want to agree in the first place but I was caught off-guard kaya nang sabihin ni Sofia na pupunta kami ng Tagaytay ay wala sa loob na napatango na lang ako. Hanggang nang mga oras na 'yon kasi ay iniisip ko pa ang sinabi ni Sofia tungkol sa ex-girlfriend niya. Ex-girlfriend! Kailan pa na involve si Sofia sa babae? Don't get me wrong, I was serious when I said hindi ako homophobic, nabigla lang talaga ako nang sabihin niya 'yon lalo na ngayon na may hindi ako maipaliwanag na nararamdaman dito sa nanny ni Nicolo na talagang nakakagulo sa isipan ko.
At ako pa talaga ang inutusan ni Sofia na magpaalam sa tatay namin na wala naman nagawa kung hindi pumayag dahil nga may kasalanan pa siya sa akin dahil doon sa huling disaster na date na sinet-up niya.
"Ate Liv, makakarating kaya tayo ngayon sa Tagaytay?" Inosenteng tanong ni Nicolo.
Kasama namin si Nicolo at Aerin kaya mas maingat ako sa pagmamaneho, bahala na yung mga kanina pa bumubusina sa likod.
Tumingin ako sa rearview mirror kay Nicolo na hindi inaangat ang tingin sa Ipad na nilalaro niya, si Aerin naman ay mukhang kanina pa hindi mapakali sa upuan niya.
"Patience, Nicolo," I answered gently.
Dumiretso muna ako sa isang hotel malapit sa rest house namin para makapag-lunch sa isa sa mga restaurants doon, nagrereklamo na kasi si Nicolo na gutom na daw siya.
"Are you alright? Why are you so fidgety?" Tanong ko kay Aerin nang makaupo na kami at hinihintay ang mga in-order namin, hindi kasi siya mapakali kanina pa.
"Ah. Wala naman, Miss Olivia. Okay lang ako," sagot niya sabay ngiti na halata naman na fake.
"Are you bothered, Liv?" Singit ni Sofia, nandoon na naman yung glint sa mga mata niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata, may palagay kasi ako na may kapilyahan na naman na naisip ang batang 'to.
"Ikaw ba ang kausap ko, Sofia?"
She was about to answer nang biglang suminghap si Aerin. Napatingin kami nina Sofia at Nicolo sa kanya.
"Uh, excuse me, pupunta lang ako sa washroom," nagmamdaling paalam ni Aerin na hindi na hinintay na makasagot kami.
I looked at Sofia questioningly but she only shrugged her shoulders. Hanggang sa makarating ang mga pagkain namin ay hindi pa din bumabalik si Aerin. Halos thirty minutes na siya sa washroom at hindi pa siya kumakain.
"What's taking her so long?" I looked impatiently at my watch again.
"You're worried?" Sofia asked.
"Of course not," I scowled at hindi na nagsalita pa.
Hindi talaga bumalik si Aerin hanggang sa matapos kaming kumain, nasaan ba ang babaeng 'yon?
"Ano na naman ba, Sof?" Hindi makatiis na tanong ko. Hindi ko na-miss ang kakulitan ni Sofia at hindi ko din gusto ang tingin na ibinibigay niya sa akin kanina pa. Tingin na parang may alam siyang sikreto na hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
