OLIVIA'S POV:
"I thought you two are okay na. Eh bakit after nung trip natin sa Batangas bigla kang tumahimik na lang? Tapos, nagkulong ka na dito sa kwarto mo. At ngayon, para kang batang inagawan ng laruan na nagmumukmok d'yan sa isang tabi? Don't tell me dahil yon sa sinabi ni Cardo. Affected much?" I wanted a 'me time' kaya hindi ako lumalabas ng kwarto after naming umuwi galing sa Batangas. Akala ko, walang manggagambala sa akin. I forgot about my nosy sister.
Without looking at her, I said, "Go away, Sofia. Leave me alone."
Akala ko, lalabas na s'ya dahil naramdaman kong tumayo s'ya mula sa pagkakaupo sa kama ko. Pero nagulat ako nang bigla s'yang pumwesto sa harap ko habang nakabalot sa kanya yung kumot ko.
At mas lalong kumunot yung noo ko nang biglang kumanta at sumayaw yung bruha sa harap ko. What the hell?
"Elsa, do you wanna build a snowman? Come on, let's go and play. I never see you anymore, come out the door, It's like you've gone away. We used to be best buddies, and now we're not, I wish you would tell me why. Do you wanna build a snowman, It doesn't have to be a snowman." I couldn't help but laugh at what she's doing. I wonder if Alyana knows how geeky her ex-girlfriend is.
She just stopped when I smirked and said, "Lopez, what are you doing here?" and tulad nang inaasahan ko, agad-agad tinanggal ni Sofia yung kumot sa katawan n'ya at tumingin sa likod n'ya.
Sinamaan n'ya ako ng tingin nang makitang wala naman talagang tao dito kundi kaming dalawa lang.
"Seriously, Liv? Si Alyana talaga yung ginamit mo para tigilan ko yung ginagawa ko?" inis na tanong pa n'ya.
Mas lalo naman akong napasmirk dahil sa sinabi n'ya.
"I thought I saw Klarisse. Wala naman akong sinabing si Alyana diba? Nag-assume ka lang. Ganun ka ba kapatay na patay sa babaerang 'yon at bigla kang tumigil sa kabaliwan mo talaga?" mas lalong tumalim yung tingin n'ya sa akin.
"Whatever. Wag mong baguhin yung usapan, Liv. We're talking about You and Aerin. Bakit nadamay si Alyana?"
I shrugged.
"I wasn't talking about Aerin. Ikaw lang. Nananahimik ako dito sa lungga ko, pero bigla kang pumasok. At wala akong planong pag-usapan s'ya kaya umalis ka na. Hayaan mo na muna akong mag-isa dito." pagtataboy ko pa sa kanya. Bakit ba napakakulit nitong si Sofia. Ayoko nga munang pag-usapan si Aerin. Nasasaktan lang ako.
"C'mon, Liv. Hindi ko pinangarap na pagbukas ko dito sa kwarto mo sa mga susunod na araw, makikita kong nakahandusay ka na d'yan dahil hindi mo nailabas sa mga tao yung nararamdaman mo. Kaya nga nandito ako para may makausap ka." naiiling na tumingin ako sa kanya.
"Wala akong planong magpatiwakal dahil lamang sa isang babae. Baka nakakalimutan mong naranasan ko na rin ang ganito noon." depensa ko sa sarili ko.
Sarkastikong tumawa naman s'ya.
"Really, Liv? Sino bang gusto mong paniwalain sa sinabi mong yan? Naniniwala ka talaga na pareho lang yung naramdaman mo noon para kay Kevin at yung nararamdaman mo ngayon kay Aerin?" I smiled bitterly.
"Just let it go, Sofia." napansin kong kuminang yung mga mata n'ya matapos marinig yung sinabi ko kaya agad ko s'yang pinigilan sa plano n'yang gawin.
"Huwag kang kumanta o sumayaw kung ayaw mong i-video ko 'yan at ipapapanood sa Alyana mo." ayoko mang banggitin ang pangalan na 'yon, pero wala akong magagawa dahil iyon lamang ang makakatulong para sugpuin ang kabaliwan ni Sofia sa pelikulang 'Frozen'.
Inis na bumalik naman s'ya sa pagkakaupo. Thank God.
"I just like to lighten the mood pero napaka-KJ mo ever. Hindi ko talaga alam kung ano yung nakita sa'yo ni Aerin. Eh magkaibang-magkaiba naman yung ugali n'yo. Masyado s'yang masayahin at ikaw naman ay masyadong seryoso. Mas bagay talaga sila ni--" natigilan s'ya sa pagsasalita nang makita n'yang nanlilisik ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Subukan lang n'yang ituloy yung sasabihin n'ya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
