AERIN'S POV:
"I'm sorry. I panicked. Sa dinami-dami naman kasi ng pwede kong makita ulit, si Alyana Lopez pa talaga. And why didn't you tell me that she's gonna be there? Ni hindi man lang ako nakapag-ayos. What if ang pangit ng itsura ko don? What if isipin nya na ang haggard ko dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakamove-on sa nangyari sa aming dalawa?" sympathetic na tumingin naman ako kay Sofia. Nakakaloka naman kasi talaga yung nangyari sa kanya kagabi eh. Halatang apektado pa rin sya dahil ginamit pa talaga ako ng bruha para pagselosin yung ex nya.
Magkasabay kasi kaming nagpunta sa bridal shower nila Maybelle and Clar last night. Pero syempre, kailangan naming magpanggap na hindi kami magkakilala. Ibinaba nya ako dun sa isang kanto bago yung bahay namin. Pero bago yon, muntik pa kaming mahuli ni Olivia. Eto kasing si Sofia, hindi nag-iingat. Sabihin ba naman na pupunta kaming dalawa sa bridal shower. Buti na lang at mabilis syang mag-isip ng palusot kaya sinabi na lang nya na hindi pa ako nakakaattend ng isang bridal shower at naipangako nya sa akin na isasama nya ako.
Halos pareho din kaming nakahinga ng maluwag nung hindi na nagpilit sumama si Olivia sa amin dahil may pinapaasikaso daw sa kanya si President Ilustre. Mabuti naman kung ganon dahil lagot ako kapag nagkataon.
So ayun na nga, pagdating na pagdating namin ni Sofia, umarte kaming hindi magkakilala. Mas pinauna nya akong pumasok at sabi nya, susunod na lang sya. Pagpasok nya, napansin ko agad na parang nagbago yung itsura nya nung nakita nya yung isang babae na hindi ko kilala kung sino.
At napag-alaman ko na nga lang na si Alyana Lopez yon na ex-girlfriend nya at pareho naming hindi inaasahan na makikita namin sya kagabi. At ang babaeng 'to, sa sobrang kaba ata nung 'ipinakilala' sila sa isa't-isa, sinabi ba naman na girlfriend nya ako. Kaloka diba? Mabuti na lang at nagpaka-busy si Clar kaya hindi nya ako natanong pero nakita kong iba yung tingin na ibinibigay sa akin nila Maybelle at Klarisse. Ugh!
Ayoko naman kasi dapat pumayag sa gusto ni Sofia pero jusko, ginamitan pa nya ako ng linyang 'You owe me one, remember? So eto yung favor na hihingin ko sa'yo.' O diba? Papa'no pa ako makakatanggi sa ganon? So, kahit nabigla naman talaga ako ng bongga sa pinagsasabi at pinaggagawa nyang kasweetan kagabi habang 'lihim' kaming pinagmamasdan ni Alyana, pinabayaan ko na lang si Sofia. Sumakay na lang ako sa trip nya. Para makabawi na rin sa ginawa nya para sa akin.
At pagkatapos na pagkatapos nung bridal shower, hila-hila na agad ako ni Sofia sa kotse nya. Ni hindi na nga ako nagpaalam kay Clar. Medyo kinakabahan din ako nung nagdadrive sya dahil nakatulala lang sya at wala sa sarili. Walang usap-usap non, tahimik lang sya at halatang ayaw munang makipag-usap kaya hinayaan ko na lang sya. Buti na lang talaga at nakarating kami ng buo pa rin. Eto kasing si Sofia eh, iba pala talaga yung epekto sa kanya nung Alyana Lopez na yon.
Mula kasi nung dumating sya, kagabi ko lang nakita yung side nya na ganon. Nakablangko lang talaga yung mata nya at yung itsura nya buong time na yon. Tapos pagpasok na pagpasok namin sa loob ng bahay, naramdaman ko na noon lang sya nakahinga ng maluwag. Hay, ano nga kayang ginawa ni Alyana kay Sofia?
"It's okay, Sofia. Naiintindihan naman kita. Kung ako rin siguro yung nasa kalagayan mo non, hindi ko rin alam kung ano yung gagawin ko." nakangiting sabi ko sa kanya. "At sa obserbasyon ko kagabi, hindi lang naman ikaw yung na-tense sa biglaan nyong pagkikita." pagpapatuloy ko pa at napansin kong medyo namula sya nung sinabi ko yon. O, confirmed, di pa talaga sya nakaka-move on hanggang ngayon at may kilig pa rin syang nararamdaman dun sa Alyana Lopez na yon.
"Speaking of that 'biglaang pagkikita', why didn't you tell me that she's your future sister in law's cousin? If umattend ka nung engagement party nila, diba dapat alam mong aattend din si Alyana ng bridal shower." tiningnan nya ako ng may halong pambibintang. Ay o. "Don't tell me, sinet-up mo ako?" sinasabi ko na nga ba. Jusme. Bwisit 'to!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
UmorismoSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
