Chapter 15

7.4K 400 43
                                        

AN: Here you go. And please, kung kakaupdate lang, wag maghingi agad ng kasunod na update. Matutong maghintay. May iba din naman kaming ginagawa, hindi lang pagwawattpad. Salamat.

======================================

AERIN'S POV:

"Tell me, Aerin, what is your motive?" okay, I'm screwed. Eto na yung part na malalaman ng lahat ng tao yung ginawa kong 'to. Lahat ng mga kasinungalingan ko. At eto na rin yung part na isusumpa ako ni Olivia at hindi ko alam kung bakit habang naiisip ko yon, may kung anong kirot sa puso akong naramdaman.

Ayoko na sanang sumagot at gusto ko na lang hintayin na ipahuli nya ako sa mga PSGs or body guards nila na nandito pero nakita kong iba yung pagkakatingin nya sa akin ngayon. Gusto nya talagang malaman kung bakit ko ginawa lahat ng mga nagawa ko.

So para matapos na lahat 'to, huminga muna ako ng malalim bago ikinuwento sa kanya lahat-lahat. Walang labis, walang kulang.

Ayoko na rin kasing madagdagan pa yung kasinungalingan ko. Alam kong hindi ko na mababago lahat pero at least, matitigilan ko na.

Blangko lang yung tingin nya sa akin habang nagkukwento ako. Wala akong makitang reaksyon sa mga mata nya. Well, ano pa bang ineexpect ko diba?

"So there. I know na hindi maganda yung ginawa ko pero I just had to do it." ngumiti ako ng malungkot sa kanya. "Naranasan mo na bang maramdaman na kahit anong gawin mo, kahit anong pakitang gilas mo, hanggang second best ka lang. Sa magulang mo, sa mga kamag-anak nyo, sa opisina nyo. I love my sister so much at hindi ko naman sya sinisisi kung bakit ganito yung nangyari pero for once kasi, gusto kong may mapatunayan. Kaya ginawa ko lahat yon. Alam kong mali pero hindi ko na mababago lahat ng yon." malungkot na sabi ko pa sa kanya.

"So you're pretending to be Nico's nanny para makapag-spy ka dito sa family to fish info and let the whole world know kung anong nangyayari sa buhay naming mga Ilustre, tama ba?" tumango ako.

"Your family doesn't know that you're doing this? Even your sister?" tanong pa nya.

"Kung alam nya, malamang, ipinatapon na nya ako sa ibang bansa para matigil yung kalokohan ko na 'to." sagot ko sa kanya.

Tumango-tango naman sya.

"I see. Hmmm. Okay. You're free to go." takang tumingin ako sa kanya nung sabihin nya yon. Ha? Matapos ng lahat ng sinabi ko? Wala syang gagawin?

"That's it? Sa lahat ng nalaman mo ngayon, wala kang planong sabihin sa Papa mo or sa kapatid mo? I've practically told you na nandito ako para ikalat sa lahat ng tao yung baho ng pamilya nyo. Hindi ka man lang ba natatakot na baka nasabi ko na pala sa boss ko yung nalaman ko tungkol sa'yo? About your sexuality? Your ex girlfriend's name?" takang tanong ko pa sa kanya.

Mas lalong napakunot yung noo ko nang bigla syang tumawa. Talaga bang walang matinong Ilustre? Nakakaloka sila ha.

"Aerin, Aerin, Aerin. Tingin mo ba papalampasin ko lahat 'to kung hindi ako sigurado na hindi mo naman gagawin yang mga sinabi mo?" ha? Ano daw?

Nang masigurado nya na hindi naman ako magsasalita, nagpatuloy na lang sya.

"First of all, hinahangaan kita sa ginawa mo. Ang tapang mo ha. Hindi mo man lang naisip na pwede kang ipakulong ni Papa or ng sino man dito sa amin once lumabas yang lihim mo na yan. Hindi ko sinasabing tama yung ginawa mo pero hindi ko maiisip na gawin yan so, na-impress ako don. Isa pa, don't give me that 'bullshit' reason na kaya ka nandito eh dahil dyan sa trabaho mo. Nung una siguro, oo, pero ngayon, I don't think so." nanlaki naman yung mga ko sa sinabi nya. Papa'nong--papa'no.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon