AN: O, dahil busy pa yung partner ko dito, ako muna ulit. Wait lang sa POV ni Liv ha. Hintayin lang natin sya. Wag kayong atat. Baka konyatan ko kayo. O sya, magbasa na!
=====================================
AERIN'S POV:
"Why me? I've done my part. Tinulungan ko na sya kanina. Hindi ako magaling sa pag-comfort-comfort na yan. Bakit hindi na lang si Maybelle? Eh di ba sya yung future sister-in-law? At isa pa, kailangan ko pang bumalik don dahil kailangan kong kausapin yung parents ni Kat ko. Kailangan kong magpaalam sa kanila na liligawan ko na ulit yung anak nya, so yeah, alis muna ako. Balitaan ko kayo mamaya." I sighed. Kanina pa sila ganyan. Uyu-uyuhan kung sino yung papasok dito sa kwarto ko. As if naman hindi ko sila naririnig diba? E ang lalakas kaya ng boses nila.
Andito pa rin kami sa rest house namin sa Tagaytay, tinanong nila ako kanina kung gusto ko nang umuwi, pero sabi ko nga, kailangan ko munang mag-isip-isip dito. And yun nga, sasamahan na lang daw nila ako.
At lahat sila ha. Kanina nga, paglabas ko dun sa study room, sinalubong agad nila ako. Nagulat ako nang kuyugin nila ako at yakapin. Alam mo yon, sobrang down na down na ako kanina, pero parang gumaan lahat nung naramdaman ko yung mga yakap nila. Yung alam ko na kahit ganon yung nangyari, may mga tao pa rin na nag-aalala at laging nandyan para sa akin. Minsan, kailangan mo lang talaga ng mga kaibigan or taong dadamay sa'yo para makaya mo yung sakit na nararamdaman mo.
So ayan nga, pagdating namin dito sa rest house namin, dumecho ako dito sa kwarto dahil gusto ko munang magpahinga. Pero yan, ganyan yung kanina ko pa naririnig. Hay nako, papa'no ka ba naman makakapag-isip at matatahimik kung sila yung mga kasama mo?
"Luh. Hindi ko rin alam yung sasabihin ko. Baka nakakalimutan nyo, ako yung naging dahilan kung bakit nalaman ni Liv yung tungkol kay Aerin. Minsan kase, hindi ko rin alam yung lumalabas sa bibig ko eh." napailing naman ako sa sinabing yon ni Maybelle. Wala naman syang kasalanan don. Kung di ako naglihim kay Olivia, hindi naman mangyayari 'to.
"Bakit hindi na lang si Klarisse? Tutal sya naman lahat yung may pakana nito diba? Sya naman yung magaling pagdating sa ganitong bagay diba?" narinig ko pang sabi ng hindi ko sure kung sino. Ang dami naman kasi nila. Di ko pa kilala yung boses ng iba.
"Ay wow Julingerzi, hindi ko alam kung cinompliment mo ako don or pinangalandakan mo na kasalanan ko lahat. Siguraduhin mo na compliment yon dahil kung hindi, nakakahon ka na uuwi sa inyo." Well, alam nyo na naman siguro kung sino yon.
"Eto naman si Klang. Syempre naman, ikaw yung pinakamagaling sa lahat. Never kita sisisihin. Kahit may kasalanan ka, aakuin ko." kahit sino naman siguro, matatakot sa bantang yon ni Klarisse.
"Pero Babe, I think, ikaw talaga yung kailangang kumausap kay Aerin dahil you have this power na parang kapag naging seryoso ka na, makikinig na lang sa'yo yung mga tao."
"Naks naman, Justine. Mang-uuto ka lang, nambola ka pa. Pektusan kita eh. O sya sige na, baka nagpatiwakal na yang si Aerin Camila sa kwarto nya. Mamaya nyan, kailangan ko pang ipaliwanag sa Ate nya yung lahat, eh inglisera, wag na oy!" at bago pa nya buksan yung pintuan, tumayo na lang ako at lumabas. Ayoko rin naman na magmukmok lang din dito. Mas lalo kong maaalala yung nangyari.
"Hindi ako suicidal. At wala akong planong magpakamatay dahil lang sa nangyari." natahimik naman sila at tumingin lang sa akin.
"At hindi rin naman kami papayag na gawin mo yon no! Pwede naman naming kidnapin na lang si Elsa tapos ipapadala ko kayong dalawa sa San Sinukob para makadaupang palad ang mga bagani at makapag-usap ng maayos." okay, hindi pala sila tahimik lahat. May isa palang di naman marunong tumahimik.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
