AN: Magbunyi tayong lahat! Nakapag-update na naman sya. Pasalamat tayo dahil sinipag ang paborito nating author. Haha.
Thanks drifter_01 .
Girls, meet Sofia. Hihi.
================================
OLIVIA'S POV:
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko nang tumama ang sinag ng araw mula sa mga bukas na bintana. I groaned, I remember closing those curtains last night.
"Rise and shine, Miss Olivia!"
Ugh. Of Course. Aerin. Siya ang insensitive at malakas ang loob na nilalang na nagbubukas sa mga kurtina dito sa kwarto ko.
Tumalikod ako mula sa bintana at tinakpan ng unan ang mukha ko, "get out. Miss Harvey." I sleepily grumbled, not caring kung naintindahan niya ang sinabi ko. Pero siyempre hindi siya sumunod because she likes pushing my buttons.
Hinila – hila niya ang kumot na gamit ko, "tumayo na daw po kayo, Miss Olivia. Kakausapin daw po kayo ng Papa ninyo."
I glared at her sabay hila sa kumot. Her eyes are dancing. Gustong - gusto talaga akong iniinis ng babaeng 'to.
"Wala ka bang trabaho? Ang aga-aga pa sinisira mo na agad ang araw ko," pupungas-pungas na tumayo ako to stretch.
I put my hair in a messy bun pagkatapos ay isinuot ang black-rimmed glasses na nasa bedside table ko. Tumingin ako kay Aerin na hindi na nagsasalita. She's staring at me. Bigla naman ay na-concious ako kaya naman kumuha ako ng unan sa kama ko at ibinato sa kanya, nasalo naman niya ito.
She cleared her throat, looking flustered. Ano na naman ba?
"Sumunod na lang po kayo, Miss Olivia," nagmamadali na itong lumabas ng kwarto ko.
Weird.
I was about to check my phone nang may marinig akong commotion sa labas ng kwarto ko. Lalabas na sana ako nang mapansin na naka oversized shirt lang ako. Kumuha muna ako ng sweatpants sa closet bago binuksan ang pinto at tumingin sa labas. Nakita ko si Aerin na kausap ang isang babae. A very familiar one...and she's on Aerin's personal space. My eyes narrowed.
"You should watch where you're going! Who are you anyway and what are you doing here?" The girl asked.
Kung ibang tao lang siguro ay malamang tumiklop na sa takot but to Aerin's credit ay she held herself though parang medyo starstruck siya sa kaharap niya. Hindi ba sanay ang babaeng 'to na makakita ng mga taong mas maganda sa kanya?
"Sofia Katrina!" I snapped.
Magsasalita na kasi siya ulit at baka kung anong sabihin niya kay Aerin. Medyo kawawa naman si Nicolo kapag nawalan ng nanny dahil pinagsalitaan ng hindi maganda ng kapatid ko. Nakakunot – noong lumapit ako sa kanila.
Did my sister wake up on the wrong side of the bed...or plane? Saan ba galing 'to?
Nang makalapit ako sa kanila ay hinawakan ko ang braso ni Sofia, gently ay inilayo ko siya kay Aerin, parang natauhan naman ito bago nanlaki ang mga mata.
"What the hell do you think you're doing, Sof?" I demanded.
Namula ito nang bahagya bago pumunta sa likod ko, for sure na-realize na niya ang ginawa niya kaya ayan, nahiya bigla.
"Fuck. I'm sorry," she mumbled.
I rolled my eyes, "Miss Harvey, this is my sister, Sofia," hinila ko si Sofia sa tabi ko. "This is Nico's nanny, Aerin." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
