Chapter 4

7.4K 308 8
                                        

AN: After naynhanredterti years, eto na po ulit kami. Patawad po kung natagalan. Naglamyerda pa po kasi at nanchix yung kaibigan kong si drifter_01 .

Enjoy :)

================================

OLIVIA'S POV:

"Liv!" Niyakap ako ng mahigpit ni Nicolo nang pumasok ako sa kwarto niya, hindi ko na kasi siya napuntahan kahapon because of the stupid date that I had to go to, pagkauwi ko naman sa palasyo ay natutulog na daw siya.

I ruffled his hair, "Hey, brother." I said fondly.

"Is Mama with you, Liv?" He asked.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinaupo siya sa tabi ko. I put my shoulders around him, "No, pero habang wala pa si Mama, ako muna ang kasama mo dito. Is that okay?'

He shrugged, "I guess so, I like you."

Napangiti ako sa pagka-inosente ni Nico. My brother is brilliant. Patient, kind, empathetic, sensitive. Perhaps a little too sensitive for his own good. He knows everything, but he's humble. God knows where he got that from. Hindi kasama sa ugali namin ang pagiging humble.

"Lucky me," I teased. "Di bale we're gonna have fun together." I whispered conspiratorially.

"Can we go to the zoo?" He turned a hopeful gaze at me.

"Oo naman, ipapasyal kita doon if you want and sa mga museum at parks na gusto mong puntahan."

"Thanks, Liv!" Hinalikan niya ako sa pisngi saka tumayo. Napansin ko naman na hindi pa maayos ang uniform na suot niya.

Napakunot ang noo ko. "Nico, where's Ate Julieta? Bakit wala kang kasama sa pagbi-bihis." Ako na ang nag-ayos ng necktie niya dahil baka bukas pa siya matapos kung hindi ko siya tutulungan.

Tiningnan niya ako ng masama, pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

"I'm a big boy, Liv, I don't need anyone's help," mayabang na sabi nito.

"Sure, brother," pakikisakay ko na lang.

"Ay, Miss Liv, nandito pala kayo," pumasok si Ate Julieta na stressed ang itsura.

"Saan ka galing, Ate? Kanina pa nagbibihis mag-isa si Nico."

"Pasensiya na po, hinihintay ko kasing dumating yung kapalit ko. Ngayon na kasi magsisimula ang training niya dapat kaya lang ay wala pa siya hanggang ngayon," pagpapaliwanag nito.

"Who?" takang tanong ko.

"Yung bagong yaya po ni Nico na papalit sa akin, Miss."

Oh. Naalala ko na. Yung babaeng chismosa sa umistorbo sa pagtugtog ko kahapon.

"Fire her," I said in an icy tone.

Tumayo na ako at inayos ang collar ni Nicolo. Ang lakas naman ng loob ng babaeng 'yon na ma-late ng dating at paghintayin ang kapatid ko. Sa unang araw pa man din ng trabaho niya. Hindi ba niya alam na may pasok sa school ngayon at ayaw ni Nicolo ng nale-late?

"Pero, Miss Liv, siya na po kasi ang napili ni Manang Amelia para maging bagong yaya ni Nicolo."

"I don't care, Ate Julieta. Nicolo's needs comes first," sagot ko sa matigas na tinig.

Hinila ni Nicolo ang kamay ko,"It's okay, Liv, maybe my new nanny has a good reason why she's late."

"She better have," bulong ko. "For sure ay wala pa din breakfast si Nico since ite-train mo din siya supposedly sa bagay na 'yon?"

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon