AN: O after nito, hingi ulit kami ng 1 week na pahinga ha. Para lang makapagsulat pa kami ng maayos sa ibang chapters. Keri? Thanks. 😘
===================================
AERIN'S POV:
"Are you sure about this?" nakangiting tumango naman ako. Paggising ko kaninang umaga, eto agad yung unang pumasok sa isip ko na kailangan kong gawin ngayong araw na 'to. Dahil mamaya, sasabihin ko na kay Olivia lahat-lahat. I'm not sure kung papakinggan nya ako or mapapatawad pero ito kasi yung tamang gawin.
Kahapon nga, medyo kinabahan pa ako nung bigla akong tanungin ni Olivia tungkol sa pamilya ko. Gusto na yata nyang makilala yung mga 'kapatid' ko, kaya bago magkabistuhan, aaminin ko na sa kanya yung lahat ng ginawa ko.
So, eto nga, inuna ko muna 'tong pagreresign ko sa work. Mas okay na 'to. May mga bagay na mas importante na sa akin ngayon.
"But I thought that you really wanted this job." komento pa nung boss ko habang nakatingin pa rin sa resignation letter ko.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Minsan kasi boss, meron kang isang bagay na mas gugustuhin mo kesa sa dati mong pangarap. At sa ngayon, sya yung pinipili ko." nakangiting sabi ko pa.
Nagulat ako nang ngumiti sya sa akin.
"I really like your guts, Harvey. It's just sad that I have to let you go. But yeah, follow your heart. Be happy, and if ever gusto mo pang bumalik, I'll be happy to hire you again." sabi pa nya sabay tap sa balikat ko.
"Thank you, Sir." yun lang at lumabas na ako sa opisina nya.
Dere-derecho na rin akong lumabas ng station dahil iba yung tingin sa akin nung mga dati kong kasamahan sa trabaho. Ayoko na kasing makipag-usap sa kanila dahil alam kong tatanungin nila ako ng bongga at wala ako sa mood na sumagot sa kanila ngayon.
Nakangiti naman akong sinalubong ni Cardo sa labas. Sya nga pala yung driver ni Nico ngayon kaya wala akong choice na sya yung hilahin ko kanina. Bahala na lang akong magpaliwanag mamaya kay Olivia kapag nakita nya kami nitong lalaking 'to.
"Anong ginawa mo sa loob, AC?" tanong pa nya habang nasa byahe kami pabalik sa palasyo. Napakatsismoso talaga ng lalaking 'to.
"Nagresign." nagulat ako nang bigla syang pumreno. Bwisit 'to! Pasalamat sya naka-seatbelt ako dahil kung nagkataon na hindi, malamang nauntog na ako. "What the hell, Cardo?!" inis na tanong ko sa kanya nang makabawi ako.
"S-sorry, AC. Nagulat lang ako. Bakit ka nagresign? Akala ko, sabi mo noon, gustung-gusto mo yang trabaho na yan? Masyado ka na bang nag-enjoy sa pagiging yaya ni Nicolo at mas pinili mo yon?" sunud-sunod na tanong pa nya bago nagpatuloy sa pagdadrive.
Hindi ko muna sinagot yung tanong nya dahil kanina pa tumatawag sa akin si Olivia pero hindi ko nga masagot-sagot yung tawag nya dahil hindi ko pa alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya.
"Nandito na tayo." narinig ko na lang na sabi ni Cardo at akmang bababa na sana ako pero hinawakan nya ako sa kamay.
"AC, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko." sabi pa nya nung takang tumingin ako sa kanya.
"Tsismoso much?" nakataas ng kilay na tanong ko sa kanya kaya napakamot naman sa ulo ang damuho.
"Hindi naman, gusto ko lang kasi talagang malaman. Kasi diba, nung pinuntahan mo ako para magdala ka ng pagkain sa amin, sinabi mo na gagawin mo yung lahat para mapatunayan mo lang sa boss mo na kakayanin mo yung pinagagawa nya. Tapos ngayon, sasabihin mo sa akin na ayaw mo na? Na hindi mo na itutuloy yung assignment mo." naramdaman ko naman na sincere sya sa sinasabi nya na gusto lang nya talagang malaman yung dahilan ko kaya huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
فكاهةSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
