Chapter 16

6.3K 353 37
                                        

OLIVIA'S POV:

Sa buong buhay ko, iisang tao lang ang nagustuhan ko romantically, that was Kevin, pero Kevin and I grew up together at palagi kaming magkasama noon bago ako nag-aral sa ibang bansa kaya hindi naman nakakapagtaka na nagustuhan ko siya. This time tough, hindi ko maipaliwanag kung papaanong nagka-gusto ako kay Aerin sa maikling panahon na nakilala ko siya. Hell, mas madalas pa nga kaming mag-away kaysa mag-usap ng maayos. Yeah, I finally grudgingly admitted that to myself that I like her. Kagabi, while I was in the arms of someone ay tinangggap ko ang realization na may nararamdaman ako sa taong 'yon.

Agad na humiwalay ako kay Nate when I had that realization. Ang nakakainis, pakiramdam ko ay nagtaksil ako kay Aerin kahit wala naman namamagitan sa amin. I sighed.

"Ate Liv, are you alright? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Nicolo habang nagb-breakfast kami. I looked at his worried face and smiled slightly.

"I'm fine, buddy," pilit na pinasigla ko ang boses ko.

"Pero you're spacing out, kanina ka pa tinatanong ni Papa pero hindi ka sumasagot," sabi pa nito.

I looked at our father. He's looking expectantly at me. "What is it, Pa?"

"He was asking kung kamusta raw ang date mo kagabi, Liv. Did you enjoy yourself?" Sofia asked in a teasing tone.

I shrugged. "It was fine," walang ganang sagot ko.

"Fine lang? Pero we saw you in last night. The guy's tongue was down your throat," amused na nakangiti sa akin si Sofia.

I glared at her, "shut up." I hissed, pagkatapos ay tiningnan ko si Nicolo na busy na ulit sa pagkain. Papaano kung nasa amin ang pansin nito? Hindi pa ito dapat nakakarinig ng mga ganoon dahil bata pa ito. "Kalian ka pa naging tsismosa, Sofia?"

Sofia held up her hands pagkatapos ay tumawa. "Kasalanan ko ba na nakabukas ang pintuan at doon ninyo napiling maghalikan? We we're scandalized, Liv. Didn't know you had it in you pero next time ayoko na sanang makakita ulit ng ganoon na ikaw ang involve. I didn't need to see you playing tonsil hockey with your date."

I felt myself blushing, I looked at my father who's pointedly ignoring us, nakatuon na ang atensiyon nito ngayon sa binabasang newspaper pero kanina ay tanong naman ng tanong tungkol sa date ko, dumaldal lang si Sofia ng details eh parang wala ng narinig.

My eyes widen nang maalala ang huling sinabi ni Sofia, tiningnan ko siyang muli. She's smiling fondly at me.

"We?" Kinakabahang tanong ko. Mali naman sana ako ng iniisip.

"Yep." Sofia nodded. "Aerin and I saw you last night," she beamed.

Napapikit ako, cursing internally. Ugh, kalian pa naging complicated ang buhay ko?

Nagmulat ako ng mga mata at iginala ang paningin ko sa paligid, hinanap ng mga mata ko si Aerin. "Nicolo, where's your nanny?" Late na naman ba siya? Usually ay nandito na 'yon kapag ganitong oras.

"She won't be here, nagbakasyon siya sa kanila, Liv," sagot ni Nicolo.

"Bakit hindi siya nagpaalam sa'kin?" Inis na tanong ko. May balak palang umalis pero hindi nagsasabi.

"Bakit naman siya magpapaalam sa'yo?" Balik tanong ni Sofia. "Hindi naman ikaw ang supervisor niya, Liv."

"Kasi---" I stopped myself.

"Yes?" Sofia was looking at me with curiosity.

Umiling ako. "Wala. Forget I asked; I don't care." I wiped my mouth with napkin at tumayo na.

"Hindi ka kumain," Sofia pointed at my untouched food.

"I'm not hungry, babalik na ako sa kwarto ko. I have to answer some emails regarding work," sabi ko na lang.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon