AN: Eto na nga. Tulad ng sinabi ko noong nakaraang araw, mayroon kaming istorya na ilalathala ng aking kapwa manunulat na si drifter_01. Bigla lang naming naisip ang balangkas ng kwentong ito. Nawa'y inyong magustuhan.
Amin sana itong ilalathala ng eksaktong alas dose ng madaling araw para gawing regalo sa inyo, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon ng aberya kung kaya ngayon ko lang ito mailalathala.
Maligayang Pasko sa inyo lahat. Sana ay magustuhan nyo ang mumunti naming handog.
Ang istoryang ito ay inaalay namin kay @msgreatmind sa kadahilanang pumayag sya na gamitin namin ang kanyang pangalan at sa pag-aaksaya ng panahon sa paggawa ng pabalat ng aklat.
Eto muna ang mumunting deskripsyon ng istoryang ito.
================================
Siya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence nya, hindi nya ginawa dahil sa pride nyang mas mataas pa sa Mount Everest.
Nang malaman nya na nangangailangan ng bagong Yaya ang bunsong anak ng Presidente, gumawa siya ng paraan para matanggap sa posisyon na 'yon at mapalapit kay Mr. President at sa pamilya nito.
Okay na sana lahat pero nagbago ang plano nya nang makilala si Olivia Skylar Ilustre, ang panganay na anak ng Presidente. Sa hindi inaasahang pagkakataon, mahuhulog ang loob nya sa masungit, snob, maldita, pero ubod ng ganda at talented na nilalang.
Hay, bakit nga ba naging ganito ka-complicated yung buhay nya at buhay pag-ibig nya.
==============================
And tulad ng sinabi ko, dalawa kami ni drifter_01 na magsusulat dito sa story na 'to. Sa akin yung pananaw ni Aerin and sa kanya lahat ang kay Olivia.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...