Chapter 3

7.9K 313 21
                                    

AN: So eto na nga yung POV ni Liv na isinulat ni Beb drifter_01 :) Nawa'y magustuhan nyo.

Happy happy New Year Everyone. Maraming salamat sa pagsuporta. Mahal namin kayo.

PS: Si Liv pala yung nasa pic, hihi.

=============================

OLIVIA'S POV:

Nakapikit ako habang tinutugtog ang hawak kong biyulin nang may maramdaman akong presensiya sa likuran ko. Dahang - dahang iminulat ko ang aking mga mata at ibinaba ang instrumentong hawak ko. Sino na naman kaya ang istorbong ito?

"Snooping is rude," I said, bago humarap sa pintuan.

Doon ay nakatayo ang isang babae na tila ba hindi pa makapaniwala na nahuli siya sa pang-iistorbong ginagawa niya.

Tinatamad na sinuri ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sino ka at anong kailangan mo?"

Parang kinakabahan naman na sumagot ito, "A-ako po ang bagong yaya ni Nicolo."

Napataas ang kilay ko.

Nico's new nanny? What happened to the old one? The girl in front of me, yes girl, since petite siya (at parang mas matangkad pa si Nico sa kanya kapag pinagtabi sila) ay maputi at may magandang kutis at mukhang hindi marunong sa house hold chores. Nanny ba talaga ito? Reluctantly ay inaamin kong may itsura din rin naman siya though she doesn't need to know that. At mas maganda pa rin ako.

"Nico's new nanny, huh? Sigurado ka ba? Mukha kang batang hamog eh," bahagyang nanlaki ang mga mata ng babae sa sinabi ko. I smirked.

Lumakad ako papunta sa pintuan dala ang violin ko, I stopped in front of her. Yumuko pa ako nang bahagya at inilapit ang mukha sa kanya. "Nicolo doesn't need a new nanny, but make sure you do your job right para naman hindi masayang ang ibabayad sa'yo. Bantayan mo siyang mabuti." I gestured to the side, "tumabi ka, and next time don't go wandering around restricted rooms, especially this music room. Nakakaistorbo ka sa'kin."

Iniwan ko na siya roon bago pa man siya makabawi sa pagkabigla at makasagot.

Naglakad ako sa pasilyo ng palasyo papunta sa office ng Presidente. I hate this, ever since my father got elected as President of this coutry three years ago ay hindi na naging normal ang buhay ko at pamilya namin. Kahit saan ako tumingin at pumunta ay may mga kasama akong security, lahat ng galaw ko pinapansin, lalo ng media people na trabaho yata ang manira ng araw at pamilya. I know it's their job pero magkakasakit ba sila kung aalamin muna nila ang totoo bago maglabas ng kung ano-anong balita? Parang mga hindi professionals.

Pumasok ako sa opisina ng Presidente at lumapit sa secretary doon, may mga ilang security personnel na nakatayo sa opisina at nagbabantay, "I need to talk to my father," bored na sabi ko sa secretary niya.

The secretary flinched slightly. "Eh, Miss Olivia, nasa meeting pa po si Mr. President."

I looked blankly at her, "So? Tell him It's urgent."

"Pero Ma'am---"

"Siya ang may gustong mag-usap kami ngayon so tell him I'm already here kung hindi ay babalik na ako ngayon din mismo sa America." Pananakot ko dito.

Napakamot na lang ito ng ulo at pumasok sa nakasaradong pintuan. Maya-maya lang ay lumabas na ito kasama ang mga ka-meeting ng Presidente. Cabinet members ang ilan sa mga ito, ang iba naman ay mga staff niya.

"Pwede na daw po kayong pumasok, Miss Olivia," magalang na sabi nito.

Nakaupo ang Presidente sa kanyang upuan with an exasperation look on his face. "Olivia Skylar, akala ko mamaya ka pa darating."

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon