AN: After ng update nito, ipopost ko din yung update ko sa PSDLM, at kailangang bago nyo basahin yung next chapter nito, basahin nyo muna yon. Promise, kailangan talaga. Haha. Yun lang. Enjoy.
==================================
OLIVIA'S POV:
"Kung may malalaglag siguro na karayom sa sahig ay maririnig namin dahil sa sobrang katahimikan na bumabalot sa paligid. We were having breakfast at the dining room, Sofia literally dragged me here kanina at abala ako sa pagtingin ng masama sa kanya kaya naman hindi ko na napansin na nakarating na kami sa dining room. Nicolo was eyeing us with worry kaya naman umupo na lang ako, much to my sister's amusement. Ayoko kasi na nakikita ni Nicolo na nag-aaway kaming pamilya harap niya.
Nakayuko lang ako at nilalaro ang pagkain sa plato ko. Wala naman akong ganang kumain. Ni wala sa plano ko na lumabas ng kwarto.
"Are you sick, Liv?" Nicolo asked.
Napaangat ang tingin ko. Inayos ko muna ang eyeglasses ko bago sumagot. "I'm not sick. Why?"
"Your eyes are bloodshot tapos ay suot mo pa ang pyjamas mo, and your hair is messy," he observed.
Nice observation, brother. "I didn't sleep well," sagot ko na lang.
"Because of Ate Aerin?" He looked at me expectantly.
Parang nagpantig naman ang tainga ko nang marinig ang pangalan ni Aerin. It's been two days pero wala pa rin akong ibang naiisip kundi siya at ang ginawa niya. At nagagalit pa rin ako pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwasan na isipin kung nasa mabuti ba siyang kalagayan, and I hated myself for that.
"Finish your food, Nico," seryosong tingin ang ibinigay ko sa kanya. My expression telling him to drop the subject.
May gusto pa sana itong sabihin pero nang masiguro na seryoso ako ay ngumuso na lang ito at nagbalik sa pagkain.
My father cleared his throat, "birthday na ni Nicolo sa isang araw. Sa Highlands natin gagawin so make sure you're both free that day." Tumingin si Papa sa aming dalawa ni Sofia.
Saan naman kaya ako pupunta? Sarcastic na tanong ko sa sarili ko.
"I don't know, Pa. Mukhang mas gusto ni Olivia na magmukmok sa kwarto niya, baka maistorbo lang siya." Sofia raised an eyebrow at me. Challenging me to answer.
She's really provoking me. Mas gusto niya raw kasi na sumigaw ako o magalit kaysa sa ginagawa kong pagkukulong at pagtahimik nitong nakaraang dalawang araw.
I sighed pero hindi na sumagot, I finished my coffee and wiped my mouth with the napkin, patayo na ako nang biglang magsalita si Nicolo.
"I invited Ate Aerin," Nicolo said in a hurry. Carefully watching for my reaction.
Napaupo ako ulit. Hindi makapaniwala sa narinig, I tilted my head slightly. "Excuse me?"
"You're excused, Liv," nakakalokong singit ni Sofia.
I glared at her, "Fuck off, Sofia Katrina."
I saw my father grimaced on my peripheral vision because of my language.
Nicolo smiled sheepishly, "she's my friend. And Papa said I can invite whomever I want."
My face hardened. "Hindi siya pupunta," matigas na sabi ko.
Agad namang lumungkot ang mukha ni Nicolo, I leaned forward para sana hawakan siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Not this time.
"Hindi mo kaarawan 'yon, Olivia, your brother can invite kahit sino pa ang gusto niya, wala naman sigurong masama roon," my father said diplomatically.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
