Chapter 33

4K 243 12
                                        


AN: Guys, pakibasa muna ng chapters 28 and 29 ng PSDLM bago n'yo 'to basahin, okay? Para makasunod kayo. And wala pa ring POV ni Liv dahil di pa nagsusulat yung partner ko dito. So, pagtyagaan n'yo muna si Aerin.

Enjoy.

===================================

AERIN'S POV:

"Let me ask you again, why are you getting married, Mila? And why didn't you tell us ahead of time?" fuggity-fck! Hindi pa nga tapos yung problema ko kay Olivia, may panibago na naman? Ano ba naman 'to? So, papa'no ko sasabihin kay Clar lahat? And papa'no kung bigla akong ipatapon nito sa malayong lugar?

Hoo! Kapag nga naman sinuswerte ka. Naniniwala na talaga ako na digital yung karma. At hindi lang s'ya isang beses ha.

"Labs! Welcome home. Bakit napaaga ka? Diba dapat sa isang araw pa yung uwi mo?" thank God for Maybelle talaga. Sana, malansi n'ya si Clar para makalimutan yung tinatanong n'ya.

Makakahinga na sana ako ng maluwag when Clarence hugged Maybelle and sinagot yung tanong nito.

"I'll tell you later. I just need to talk to my little sister, first." sabi ko nga eh, bawal umasa.

At pagkatapos ay bumaling ulit s'ya sa akin.

"Mila?" tanong n'ya ulit.

Isa-isa kong tiningnan yung mga kasama namin at pilit na humihingi ng tulong. Nakatungo lang yung iba at yung iba naman, di tumitingin sa akin.

"Alam mo, may masarap na bilihan ng halo-halo sa labas, tara, mas lalo nating palamigin yung sarili natin dito sa Tagaytay, tulad ng panlalamig sa akin nung ka-fling ko." Si Anastasia. Agad namang sumunod dito sila Josephine and Julia.

"Huy teka, sama kami!" narinig kong habol nila Maybelle and Charity.

Tumingin naman ako sa mga natitira. Sana naman may mabait na tumulong sa akin na magpaliwanag kay Clarence diba?

Nakita kong tumingin sa akin si Klarisse kaya medyo nabuhayan ako ng loob. YES! Savior.

"Yung maghahalo-halo, may tinda din atang kwek kwek at isaw. Tara, dun na muna tayo." at hinila n'ya lahat pwera sa aming dalawa ng Ate ko.

There goes my friends.

"Bakit di mo tinulungan si Aerin, Klarisse?" tanong ni Alyana bago pa sila makalabas.

"Adik ka ba? Inglisera yang si Clarence, ayokong maubos dugo ko dyan. Di pa ako inaaccept ni Rosa Rosal sa FB. At isa pa, wala tayong karapatan na manghimasok dyan. Sa kanilang magkapatid yan, labas tayo dyan." sagot naman ni Klarisse kaya napabuntong-hininga ako.

She's right. Ako lang yung dapat magpaliwanag kay Clar ng lahat. And sana, maintindihan n'ya kung bakit ko ginawa yon at kung bakit nangyari lahat 'to.

"Fine. Take a seat. I'll tell you everything." agad namang sumunod si Clarence at umupo sa tapat ko.

"Clar, remember when I told you that I had a special assignment in Davao?" tumango naman s'ya. "I lied. Yes, I had a special assignment but it wasn't in Davao."

"Figured. That's why you couldn't tell me the exact location." sabi nya sabay kibit ng balikat.

"My boss wanted someone from our team to spy the first family. To know everything about them. The reason why the First Lady went to the states without the President." nakatingin lang s'ya sa akin at naghihintay ng susunod kong sasabihin.

"You knew that I wanted you to be proud of me, right?" again, a nod.

"And we are. You've managed to get what you wanted without anyone's help. You are one of the best in your field." umiling naman ako sa kanya.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon