AN: Dahil busy pa po ang ating pinakakamahal na author na si drifter_01, POV po muna ulit ni Aerin 'to. Yung chapters 9 and 10, kanya po. So wait lang po sa POV ni Liv. Lablab :*
================================
AERIN'S POV:
"Where have you been?" napatigil naman ako sa pag-ti-tiptoe ko nang marinig yung boses na 'yon. Ano ba yan, lahat talaga ng kilos ko, bantay-sarado? Medyo natagalan kasi ako kila Cardo kanina dahil andami nyang gustong mangyari. Pero saka ko na ikukwento yon, wala ako sa mood. Unahin ko munang magpaliwanag dito sa AMO ko.
Sus ha. Matapos nya akong walk-outan kanina na hindi man lang nagpasalamat dun sa ginawa ko para sa kanya, bigla syang magtatanong ng ganyan.
Pero syempre, dahil Yaya lang naman ako dito, malamang, kailangan ko syang sagutin.
"All my life?" sabay ngiti ng painosente sa kanya.
At tulad ng lagi nyang ginagawa, tinaasan na naman nya ako ng kilay. Tsk, hindi na talaga pwedeng magbiro? Etong babaeng 'to, tatanda agad. Aba, bilang na bilang yung pagngiti nya eh. Puro simangot na lang at pagpopokerface.
"Do I look like I'm joking? I'm serious here, Ms. Harvey. I was looking for you after our little 'incident' a while ago, and lahat ng napagtanungan ko, hindi alam kung saang lupalop ka napadpad. I was freaking worried na baka---" bigla syang natigilan dahil nakita nyang napangiti ako ng bongga dahil sa sinabi nya.
"Tama ba yung narinig ko? Worried ka sa akin? As in si Olivia Skylar Ilustre, nag-aalala sa isang hamak na Yaya na tulad ko?" nakangiti pa rin na tanong ko sa kanya.
Minsan naman pala, may kabutihan 'tong babaeng 'to. In fairness sa kanya ha, nag-alala talaga sya. Halata kasi sa itsura nya.
"Don't flatter yourself, Miss. Worried lang ako dahil responsibilidad ka namin dito. Baka akalain nila, basta na lang kita binaon dyan sa may garden namin. And I was worried because gusto ka ni Nico. And I'm not really sure kung ano yung nagustuhan ng kapatid ko sa'yo." ayan na naman po si Miss Taray. Asus, alam ko na yung mga galawang ganyan.
"Oo na lang, MISS Olivia." sabi ko na lang at nagkibit-balikat. Hahaba pa kasi ang usapan kung makikipagtalo ako sa kanya. Gusto ko na kasing matulog dahil maaga na naman yung gising ko bukas.
"Whatever. So, pwede mo na bang sagutin yung tanong ko? Where have you been? At bakit umalis ka ng walang paalam?" sus, nag-crossed arms pa talaga si Ate ha.
"MISS Olivia, FYI lang po, alam po ni Manang Amelia kung saan ako nagpunta, so sana po, sa kanya kayo nagtanong at hindi yung kung kani-kanino lamang. And sa tanong nyo po, galing po ako sa mga kapatid ko, dinala ko yung pagkain nila para bukas." sagot ko sa kanya.
Tiningnan nya lang ako na para bang pinag-aaralan kung totoo lahat ng sinabi ko.
"Eh bakit nyo po ba kasi ako hinahanap? May iuutos po ba kayo?" tanong ko na lang sa kanya dahil feeling ko, wala na syang sasabihin.
At ayun na naman yung paglikot ng mga mata nya. Etong si Olivia, may problema ata talaga sa mata. Sayang yung kagandahan nya ha. Oh wells, sabi nga nila, wala namang taong perpekto, AKO LANG.
"Nothing." mahinang sagot nya kaya tiningnan ko lang sya. Weird.
"Ah, okay. Sige po, matutulog na ako. Kung may kailangan po kayo, bukas na lang. Inaantok na rin po kasi ako tapos maaga pa po kami ni Nico bukas." sabi ko at pagkatapos ay tumalikod na sa kanya.
"Miss Harvey?"
At ayun nga, nakakaisang hakbang pa lang ako nang bigla nya akong tawagin kaya lumingon ulit ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
