Chapter 6

7.2K 337 21
                                        

AN: Okay, nakalimutan kong ipost kanina. Sorry na, Beb. Haha. Dapat nga pala 12mn no? Eh din 12mn na lang dito? Haha.

Eto po ulit yung chapter ni drifter_01 . Enjoy girls. Lablab :*

=============================

OLIVIA'S POV:

Kahit nasa paaralan, hindi pa din talaga kami makatakas sa mapanuring mga mata ng mga tao. Pagpasok pa lang ng sasakyan sa parking lot ng school ni Nicolo ay nakatingin na sa amin ang maraming ignoranteng alien na nakalalat doon. Tinitingnan ko naman sila ng masama pabalik while holding Nicolo's hand. Naglalakad naman sa likod namin si Aerin at Kevin.

"Stop it, Ate Liv, your eyes might stay like that permanently if you don't stop looking at people that way," Nicolo chuckled slightly. "Nagsisimula na yatang matakot ang mga tao."

"Mabuti naman, matakot sila," inis na tiningnan ko ang isang lalaking lalapit sana sa amin ni Nicolo. Nang makita niya ang masamang tingin ko sa kanya ay hindi na nito itinuloy ang paglapit at sa kabilang direksiyon na lamang pumunta.

"Palagi bang ganito dito, Nico?"

"Not really, baka people wanted to see you kaya nandito sila," nagkibit balikat ito.

"Puwes, ayoko silang makita," sagot ko. Pagdating namin sa classroom ni Nicolo ay medyo nag-improve na ang mood ko dahil mga students na lamang din ang nandito.

Humarap ako kay Aerin, "Ms. Harvey, bantayan mo si Nico and don't leave his side, umuwi na kayo kaagad after his class."

Yes, sinabihan ko sila na dapat bantayan talaga ni dwarfy 'tong kapatid ko dito sa school. Ayaw nung una ni Nico pero wala na syang nagawa nung nakita nya yung tingin ko sa kanya kanina.

Aerin made a face, I raised an eyebrow.

"Alam ko na po, Miss Olivia, kanina mo pa inuulit 'yang bilin mo," napaka lakas talaga ng loob ng batang hamog na 'to na sagutin ako. At ayaw din niyang sumunod sa sinabi ko na Liv ang itawag sa'kin.

"Well, inuulit ko dahil it doesn't look like na nakukuha mo yung sinasabi ko. Do I have to write it as well?"

Tumingin ito ng masama sa akin. As if what I said insulted her.

Huminga ito ng malalim na parang kinakalma ang sarili. Nicolo snickered beside me. I looked at him, his eyes are full of amusement.

"I'm sure Ate Aerin understood your instructions, Liv. Huwag mo na siyang sungitan."

"Opo, Miss Olivia, gets ko na po," sarcastic na nginitian naman ako ni Aerin.

Umirap ako. "Fine. Have a good day, brother," I kissed his cheek bago naglakad palayo. Not sparing a glance at his annoying nanny.

***

"Naiinis ka sa bagong nanny ni Nico? What's new, Liv? Naiinis ka naman talaga sa lahat ng tao." Natatawang sabi sa akin ni Maddison nang puntahan ko ito sa shop niya.

Isa itong kilalang fashion designer, best friend ko rin ito at kababata namin ni Kevin.

"Napaka disrespectful ng babaeng 'yon, Mads, sinasago-sagot niya ako. Ang lakas ng loob."

Natawa naman ito lalo. I scowled at her.

She smirked. "Found a match, eh? Give it a rest, Liv, you're just not used to people standing up to you. Masasanay ka rin."

"I'll just fire her annoying face," I muttered coldly.

Umiling si Maddison while smiling softly. "Even you is not that mean, Liv. Kahit masama ang ugali mo, hindi mo tatanggalan ng trabaho yung tao dahil lang ayaw mo sa kanya. May konting kabaitan ka din naman, hindi lang halata."

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon