AN: Enjoy girls. Pero hindi namin mapapangako na tuloy-tuloy yung update dito dahil busy si drifter_01 at tulad ng alam nyo, sa kanya yung POV ni Olivia. So there, hintayin na lang natin na sipagin ulit sya dahil sa kanya ulit yung susunod na update.
===================================
AERIN'S POV:
"Excuse me, Ms. Harvey, ano na? Tatayo ka na lang dyan? Hindi ka papasok sa kotse? Or baka naman hinihintay mo na may makahuli sa atin?" noon lang naman ako natauhan nung biglang magsalita si Olivia.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng kotse pagkarinig ko sa sinabi nyang yon. Wala sa loob na ipiniling ko na lang yung ulo ko dahil baka kung ano pang isipin ng magkapatid na 'to.
Nung hinawakan nya kasi kanina yung kamay ko nung papalabas kami, I felt something. Something na hindi ko maexplain kung ano. And nung nakalabas na kami at nasa harap na ng sasakyan nya, agad nyang binitawan yung kamay ko and I immediately missed the contact. Ang weird, sobrang weird.
Mas weird pa sa mga tingin na ibinibigay sa akin ng kapatid nya. Alam mo ba yung feeling na parang pinag-aaralan ka? Mukha tuloy mas kailangan kong magmadali at mag-ingat ngayon dahil at least kasi si Olivia, alam kong walang pakialam sa mga ginagawa ko. Pero kasi etong si Ms. Sofia, iba eh, may iba sa kanya.
Yes, she's sweet and nice kesa sa kapatid nya pero there's something about her na parang nagsasabi sa akin na wag akong masyadong magpakampante sa kanya dahil there's a huge possibility na sya yung makadiscover ng kung misyon ko dito sa buhay nila.
"Hey Aerin, are you okay?" napatingin naman ako kay Sofia when I heard her voice.
And kahit medyo kinakabahan ako sa presensya nya, napasmile din ako nang makita kong nakasmile sya sa akin.
I was about to answer her pero napatingin ako sa rearview mirror and nakita ko na nakatingin din sa akin si Olivia kaya bigla akong na-conscious. Really, Aerin? Kelan ka pa na-conscious dahil sa babae? At sa masungit na yan pa talaga ha.
"I-Okay lang naman po ako. May iniisip lang." sabay ngiti ko ulit kay Sofia.
Tumango naman sya at itinuon ulit yung tingin sa daan.
Paglingon ko ulit sa rearview, hindi na rin sa akin nakatingin si Olivia. Oh well, ano nga bang ineexpect ko diba? Alangan namang sa akin lang sya nakatingin habang nagddrive sya.
"Sofia, after nating masundo si Nico, where are we going?" basag ni Olivia sa katahimikan.
"Why don't you just let me drive? Kanina, binigay mo sa akin yung susi and you told me that I can drive this car. Tapos biglang nung nasa labas na tayo, nagbago yung isip mo." sagot naman sa kanya ni Sofia.
Oo nga naman, wala talagang isang salita 'tong Olivia na 'to. Paasa.
"Dahil kanina, I thought na tayong dalawa lang yung aalis. Pero kasi--" natigilan sya at para bang nag-iisip kaya mas lalong humarap sa kanya yung kapatid nya at ayun na naman yung kakaibang kinang ng mga mata nito.
"What?" She asked her sister playfully. At sa nakikita ko, mukhang nag-eenjoy si Sofia sa reaksyon ng kapatid nya.
"Si Nico. Tama. Si Nico. Makakasama kasi natin si Nico kaya hindi ko kayang ipagkatiwala sa'yo yung pagdadrive." at tumango-tango pa si Olivia na para bang kinukumbinsi din nya yung sarili nya sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
UmorismoSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...