Chapter 17

6.8K 361 36
                                        

AERIN'S POV:

"What a pleasant surprise. My prodigal sister is back." nakangiting sabi sa akin ni Clar bago nya ako niyakap. I rolled my eyes pero gumanti rin ng yakap sa kanya. Kahit papa'no naman kasi, namiss ko 'tong isang 'to.

After kasi nung nakita ko kagabi, sinabi ko nga kay Sofia na magbabakasyon muna ako tulad nung sinuggest ni Nicolo. Hindi ko na hinintay na makasagot sya pero alam ko naman na payag sya. Sa tingin pa lang nya sa akin kagabi, alam kong concerned sya sa nararamdaman ko.

After a long time, I cried myself to sleep last night. Hindi ko alam or should I say, ayokong tanggapin yung dahilan kung bakit ako umiyak kagabi.

Paggising ko, nagpaalam agad ako kay Manang Amelia at pumayag naman sya dahil binack-up-an ako ni Sofia. Grateful na ngumiti ako sa kanya.

Nagpaalam din ako kay Nico bago ako umalis. Alam ko kasing hahanapin nya ako if ever na hindi ako magpaalam sa kanya. Niyakap nya ako at sinabing mamimiss nya ako. Sinabi nya din na magpagaling daw ako at wag daw akong mag-alala dahil babantayan daw nya si Olivia para sa akin.

Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya. Pagkatapos kong magpaalam sa kanya, nagmamadali na akong lumabas. Ayoko din kasing maabutan ako ni Olivia. Ayoko muna syang makita at makausap sa ngayon. Sa kung ano mang dahilan, hindi ko rin alam.

"Whatever Clar. I know naman na you missed me." sabi ko naman sa kanya.

"Of course. You're my favorite sister eh." nakangiting sabi naman nya.

"I AM YOUR ONLY SISTER." malamang ako lang yung magiging paborito nya diba?

"Yeah. Unfortunately." playful na sabi pa nya kaya sinimangutan ko na lang sya. Parang ewan talaga 'to kahit kailan.

"So, how's the engagement party going?" pagbabago ko sa topic.

Bigla namang nagliwanag yung mukha nya habang nagkukwento. Masyadong halata na in love sya. It's nauseating. Pero at least, maswerte sya. Mahal sya ng taong mahal nya. At masaya sya, masaya silang dalawa.

Eh yung iba? Hanggang asa na lang. Hindi nila mararanasan ng mahalin ng taong mahal nila.

Napakunot ako ng noo dahil parang may itinanong sa akin si Clar pero dahil ayokong malaman nya na nag-zone out ako, tumango na lang ako sa kanya.

"Good. We'll go there later and then we'll stay there for 5 days with Ate Cassy and Pam. In preparation for the engagement party this Friday." wait, ano daw?

"Ha?" takang tanong ko.

She shook her head and then crossed her arms.

"I knew it. You weren't listening, tsk. Ang sabi ko, we'll be staying sa hacienda para makapagrelax and makatulungan natin sila Ate Cassy, Pam, and Joey na mag-organize nung engagement party." sabi pa nya kaya napatango ako.

"You agreed na din so, walang bawian." nakataas ang kilay na sabi pa nya.

"I didn't say na babawiin ko yung sagot ko. And isa pa, okay lang sa akin na dun muna magstay. Mukhang kailangan ko talagang magrelax sa ngayon. Kailangang mawala muna--." natigilan ako nang maalala kong andito nga pala si Clar at wala syang alam. Bakit naman kasi biglang pumasok sa isip ko yung taong yon eh. Umalis nga muna ako sa Malacanang para wag muna syang isipin diba?

"Something wrong?" nag-aalalang tanong nya sa akin.

Umiling naman ako. Ayoko namang masira yung araw at yung happiness ni Clar kapag nagkwento ako sa kanya tungkol sa magulo kong love life. Ay, wala nga pala ako non, tse!

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon