Chapter 29

6.7K 345 34
                                        

AN: Eto sinasabi ko sa inyo ha. Kailangan nyo munang basahin yung chapter 24 ng PSDLM bago nyo 'to basahin dahil may eksena don na dinugtungan nito. Yun lamang.

Dedicated ulit to sa chokaran ko sa EverWing. Ipinapanalangin kong makuha mo na yung gusto mong makuha. Hahaha. Tara, boss raid?

===============================================================================

AERIN'S POV:

"Ate Aerin!" doon ko lang inilabas yung paghingang kanina ko pa pinipigil. Hindi man lang ako ininform ni Sofia na nandito pala yung Mama nila diba? Eh di sana, mas pinaghandaan ko. Buti na lang talaga at mabait sya at hindi ako pinagtabuyan. Eh kaso mo, kakausapin pa daw ako mamaya. Tungkol saan naman kaya diba? Tapos, isa pa 'tong si Alyana, pinrovoke pa nya si Olivia kaya biglang ganun yung naging reaksyon nung isa. Napagbuntunan pa ako. Nasaktan ako sa sinabi nya kanina, pero tulad nga ng sabi ng Mama nya, galit lang yon. Pero medyo nawawalan na ako ng pag-asa na mahal pa rin nya ako. Hay, ang komplikado. Sobrang komplikado pala talaga pag nagmahal ka.

Ipiniling ko yung ulo ko nang may marinig na tawanan.

"There she goes again. Hindi na naman nya tayo pinapansin dahil nasa malayong lugar yung utak nya. Huy Ate Aerin!"

"Ay Ate Aerin!" mali-maling sabi ko na naman kaya mas lalong lumakas yung tawanan nila. Pagtingin ko sa harap ko, umiiling na tumatawa sila Nicolo at Sofia. Ay wow, talagang ang hilig lang nila akong paglaruan eh no? Palagay nila sa akin, clown nila? TSE!

"Nasaan na naman ba kasi yung utak mo, Aerin?" tanong pa ni Sofia at bago pa ako makasagot, naunahan na agad ako ni Nicolo.

"Ate Sofi, dapat ang tanong, na-kanino, hindi nasaan. Alam naman kasi natin kung SINO lang yung laging nasa isip ni Ate Aerin diba?" sabay nguso pa ni Nico sa may gilid ko kaya kahit ang bilis ng tibok ng puso ko, lumingon ako sa direksyon na itinuro nya. At ganun na lang yung panlulumo ko nang makitang katabi nya ngayon yung pangit na Kevin na yon.

Inalis ko na lang yung tingin sa kanila dahil hindi naman ako masokista. Ngumiti na lang ako kay Nico sabay abot ng cake. Pero napapikit na lang ako nang marinig kong tumawa si Olivia. Ako dapat yon eh. Ako dapat yung nagpapasaya sa kanya. Sana kasi, pakinggan naman nya yung paliwanag ko diba? Eh di sana, masaya pa kami. Tapos, after mga ilang years, ikakasal kami. Happily ever after sana diba?

"Congratulations and Best Wishes." sabi ko pa kay Nico pagkaabot na pagkaabot nya sa cake na kaya ayun, humagalpak na naman ng tawa yung dalawa.

"Ang epic!" tawang-tawang sabi pa ni Sofia kaya sinamaan ko sya ng tingin. Tingnan ko lang kung makatawa ka pa kapag nalaman mo kung sino yung kasama ko.

Apologetic na ngumiti naman ako kay Nicolo.

"Sorry, sorry, Nico. Happy birthday pala." sabi ko pa sa kanya. Tumango naman sya pero natatawa pa rin.

"Thanks for the CHOCOCAKE, Ate Aerin." sabi naman ni Nicolo bago tumalikod sa akin at iabot kay Manang yung cake. Kahit gustung-gusto ko syang samaan ng tingin, hindi ko na lang ginawa dahil birthday nya. Pero pagkatapos nitong gabing 'to, humanda ka talaga sa aking bata ka.

Ay shocks! Para kay Olivia nga pala yung cake na yon? Ano ba naman yan, Aerin, mali-mali lang? Lagot ka nyan kay Klarisse eh.

"Aw ang nice naman. CHOCOCAKE pala yung dala mo. Well, mukhang isang tao lang naman yung kakain nyan, dahil sya lang yung may paborito nyan." pagsali pa ni Sofia kaya nakakalokong ngumiti ako sa kanya.

"Actually, hindi ko naman idea yan. Idea yan nung ka-date ko ngayon." sabi ko pa sa kanya kaya kumunot yung noo nya.

"Date?" I nodded.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon