Chapter 13

6.9K 323 44
                                    

AN: Cardo 😂

==============================

AERIN'S POV:

"Huy Ate Aerin!" ay Ate Aerin!Bigla naman akong napalingon kay Nico na nasa harap ko na pala.

"O?" tanong ko naman sa kanya.

"Are you sure you're okay? Kahapon ka pa ganyan. Gusto mo bang ipatawag ko yung doctor ko para ma-check ka?" nag-aalalang tanong pa nya.

Nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto nya. Halos kakauwi lang namin galing Tagaytay pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakahinga ng maluwag. Kamusta naman kasi na nung papunta ako ng restroom, bigla kong nakasalubong si Clarence. Mabuti na lang talaga, hindi nya ako napansin dahil busy sya sa pagtetext or kung ano man yung ginagawa nya sa cellphone nya. Kung nagkataon kasi, wala na, buking na agad ako. Lagot na ako sa boss ko, lagot pa ako sa mga Ilustre, at lalong lagot ako sa pamilya ko. O ano na Aerin, itutuloy mo pa rin ba yan?

Aba, maswerte ka na nga lang at hindi na nagtanong sa'yo yung magkakapatid kahapon kung bakit halos isang oras ka sa restroom at halos magkulong ka sa kwarto mo nung nandun na kayo sa rest house nila. Ganyan kasi talaga kapag may tinataguan. Tandaan mo Aerin, walang lihim na hindi nabubunyag. Kaya kung ako sa'yo, mas mag-iingat na ako ngayon.

"Hala na, nag-zone out na naman sya. Ate Aerin, do you want me to call my sister?" natigilan naman ako dahil sa sinabi ni Nico. Isa pa yan. Isa pa yang kapatid nyang si Olivia. Ginugulo nya yung isip ko. Minsan ang sungit-sungit pero kadalasan, sweet naman. Parang kahapon. Yung hoodie nya, tapos yung pagkain. Diba, bakit ganun sya? Bakit pinaparamdam nya sa akin na special ako? Ang gulo nya, ang gulo-gulo nya!

"I don't think I can handle you, Ate Aerin. Tatawagin ko na talaga si Ate--"

Agad ko naman syang sinamaan ng tingin. Tatawagin pa nya, eh di mas lalo akong naguluhan? Eto nga't hindi ko na alam yung gagawin ko eh.

"Wag na wag mong tatawagin yung Ate Olivia mo dahil hindi ko sya kailangang makita ngayon. Masyado na nyang nagugulo yung isip ko. Pati nga ata puso ko---"at nanlalaki yung mga matang tinakpan ko yung bibig ko dahil sa nasabi ko. Sa harap pa talaga ng kapatid nya, Aerin? Seryoso ka?

At ayan na naman yung mahiwagang smirk ng bata na matanda kung mag-isip na si Nico. Bakit ba hindi na lang sya tumulad sa ibang bata dyan?

"Well, first of all, Ate Aerin, I'm not talking about Liv. Si Sofi dapat yung tatawagin ko pero mukhang hindi naman sya yung kailangan mo, so, I think, tawagin ko na yung taong nagpapagulo sa isip at puso mo?" tulad kanina, sinamaan ko lang sya ulit ng tingin.

"Don't you dare, Nico. At kalimutan mo na yung sinabi ko dahil kung hindi--"

"What will you do? Hindi mo naman siguro sasaktan yung super cute na bata na tulad ko diba?" sabay smile pa nya sa akin ng inosente.

"Whatever. Bahala ka na dyan. Maghanap ka ng kausap mo. Tapusin mo yang homework mo, kakausapin ko na lang muna si Manang Amelia!" inis na sabi ko sa kanya sabay walkout. Bahala nga sya. Bahala silang lahat sa buhay nila.

Magulo na nga yung sitwasyon ko, mas lalo pa nilang pinapagulo!

At habang pababa ako, biglang nagring yung phone ko kaya inis na sinagot ko ito. Sino naman kaya 'to? Istorbo!

"O ano?!" inis na sagot ko pa.

"Grabe, ang ganda naman ng pagbati sa akin ng prinsesa ko. Halatang namiss mo yung boses ko no?" mas lalo namang naningkit yung mga mata ko dahil sa narinig ko.

"Hoy Cardo! Tigilan mo ako ng kakornihan mo dahil wala ako sa mood no! Baka gusto mong hindi kita tulungan dyan!" sabi ko pa sa kanya.

"Ikaw naman, Prinsesa AC, hindi ka na mabiro. Tumawag lang ako para sabihin sa'yo na nandito na ako sa may labas. Diba pinapapunta mo ako?" oo nga pala.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon