Chapter 39

675 20 0
                                        


AERIN'S POV:

"Hindi ko gets yung kapatid mo, Rence. After n'yang i-reject si Liv at sabihin na ikakasal na s'ya sa iba, matapos ibaba nung isa yung pride n'ya at tanungin s'ya kung pwede pa ba sila, and ngayon, s'ya yung umaarte dito na parang s'ya yung ni-reject." inis na tiningnan ko naman kung sino yung nagsalitang 'yon.

"Ang perfect mo kasi eh no, Alyana?" komento ko naman. Sa dinami-dami kasi nang pwedeng sabihin, yun pa talaga. Hindi ba n'ya alam kung gaano ko gustong kalimutan yung katangahan na yon? At kung pwede ko lang sanang i-rewind at baguhin yung nangyari nung gabing 'yon, walang pagdadalawang isip na gagawin ko.

Ano ba naman kasi talagang katangahan yung pumasok sa isip ko at yun yung sinabi ko sa kanya? Ayun na eh, kami na sana ulit. Pero waley. Pagkasabing-pagkasabi ko non, inutusan n'ya agad ako na lumabas ng sasakyan dahil aalis na sila. Ni hindi man lang ako pinagsalita.

Pero sabagay, kahit naman siguro binigyan n'ya ako ng chance, wala din akong masasabi. Ewan ko ba kung ano yung sumapi sa akin nung mga panahon na 'yon. Baka masyado lang akong kinabahan at na-excite sa sinabi n'ya.

"Aerin, alam mo naman na hindi ako umaagree sa kahit anong sinasabi ng pinsan kong yan diba? Pero sa pagkakataong 'to, mukhang may point s'ya. Akala namin, after mo s'yang sundan, magkakaayos na kayo. Kaya nagulat kaming lahat nung bumalik ka sa amin, tapos nakatulala. Kung hindi ka pa sinampal nitong si Alyana, di ka pa magsasalita. Di pa namin malalaman kung ano yung nangyari sa inyo." lalo namang sumama yung tingin ko kay Alyana nung marinig yung sinabi ni Maybelle. Naalala ko yung sampal na 'yon. Akala ba n'ya hindi masakit yon? Eh hanggang ngayon, medyo namumula pa yung pisngi ko.

"Oo nga eh. Masyadong ginalingan ni Alyana yung pagsampal n'ya sa akin. With feelings eh." sabi ko pa habang matalim pa rin na nakatingin sa bwisit na babae.

"Hindi naman kasi namin alam kung ano yung nangyari sa'yo. Hindi ka nagsasalita. Umiiyak ka habang nakatulala. Malay namin kung naengkanto ka na pala diba?" tatawa-tawang depensa naman nung isa.

"Pwede mo naman sigurong hinaan lang yung sampal diba?"

"Hep-hep. Stop. Hahaba pa yan. Eh hindi naman yan yung mismong problema mo, Aerin. Hayaan mo na lang yang si Alyana. Habang naiinis ka sa kanya, mas lalo mo s'yang pinapapanalo." awat sa amin ni Pining. "Ang isipin mo ngayon, eh kung papa'no mo mapapaliwanag kay Liv na hindi mo sinasadya yung sinabi mong 'yon. Na masyado ka lang nadala ng emosyon mo kaya yun yung lumabas sa bibig mo."

"Agad-agad? Baka naman lumabas na ang easy ko?"

"Easy? Agad? Eh ang tagal na n'yang 'breakup' n'yo na yan ah. Gusto mo bang mas pahabain? Trust me, Aerin, alam ko yung feeling n'yang mahabang hiwalayan na yan. Mahirap. Pareho lang kayong masasaktan. Kaya dapat, habang maaga, ayusin n'yo na yan. Habang hindi pa huli yung lahat." sabi pa nito. At pagtingin ko sa mga kasama namin, tumatango-tango lang sila na para bang sinasabi na makinig ako kay Pining.

I sighed. Mukhang wala din naman akong magagawa. At isa pa, tama naman sila. Ayoko na ring pahabain 'to. Miss na miss ko na rin naman si Olivia. Gusto ko na rin na bumalik yung ano mang meron kami sa dati.

"Fine. What do you suggest?" tanong ko na lang sa kanila. Malay natin, mas maganda yung idea nila.

Walang sagot. Nakita kong nagtitinginan lang sila. Tsk. Makasabi kanina, akala mo naman alam na alam na nila kung ano yung dapat kong gawin.

"Hindi kasi kami yung magaling sa ganito eh. Ako nga, sinabi lang ni Klarisse yung dapat kong gawin nung time na may problema kami ni JP." komento ni Charity.

"Kami rin!" sang-ayon din ng iba. Sabi ko nga eh, mukhang isang tao lang yung pwedeng makatulong sa akin.

"Speaking of Klarisse, nasaan ba yung asawa mo, JT?" narinig kong tanong ni Maybelle kaya napatingin ako sa paligid. Oo nga no, kaya naman pala hindi ko s'ya naririnig kanina, wala pala s'ya dito.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon