Chapter 30

9.8K 437 102
                                        

AN: Uulitin ko. Dapat, binasa nyo yung chapter 25 ng PSDLM, bago basahin 'to. Yun lamang po. Seryoso ako, basahin nyo yon. Haha.

Btw, sa mga nakakita po dyan kung nasaan si P, pakisabi hinahanap ko sya, charot! Oy @drifter_01 nasaan ka na? Kailangan kita ngayon, oy! Hahaha.

Oh, and dedicated pa rin 'to kay J. Ganun talaga, pakner ko yan sa everwing eh. Tara, tropa, boss raid. Hahaha.

Enjoy and Goodnight, everyone. Lablab :*

===================================

AERIN'S POV:

"Siguraduhin mong importante yang sasabihin mo sa akin, Aerin." kung wala siguro ako sa nakakastress na sitwasyon na 'to, tinawanan ko na talaga yung itsura ni Alyana eh. Papa'no ba naman kasi, hinatak ko na lang sya bigla habang nag-uusap sila ni Sofia. At mukhang importante pa naman yung pinag-uusapan nilang dalawa dahil parehong seryoso yung itsura nila. Pero kasi, kailangan ko talaga sya ngayon. At maiintindihan din naman siguro ni Sofia kung bakit ko ginawa yon. Papaliwanagan ko na lang sya mamaya.

Tiningnan ko muna sya ng seryoso bago ako nagsalita.

"Aalis na si Olivia. Babalik na sya sa states." nakita ko naman na biglang nagliwanag yung mukha at napangiti kaya pinadilatan ko sya ng mata at pinagpamewangan. Seryoso? Eto nga't namomroblema ako dito, tapos sya, mukhang ang saya-saya pa?

Pinaseryoso naman nya yung mukha nya nung nakita nya yung itsura ko, pero halata ko pa rin yung saya sa mga mata nya. Mukhang mali yung taong nilapitan ko. Mukhang hindi nya ako tutulungan na pigilan si Olivia. Mukhang excited pa nga sya na aalis na yung isa o.

"That's sad. Bakit daw?" psh! Hindi sya magaling umarte. As if!

"Tigilan mo ako ng kaplastikan mo. Halata naman na gusto mo yung mangyayari." inis na sabi ko pa sa kanya.

She shrugged.

"I tried." nakangiting sabi pa nya kaya mas lalo ko syang sinimangutan. "Yun lang ba yung sasabihin mo? I really need to talk to Sofia bago sya maagaw nung ugly creature na laging nakabakod sa kanya." akmang aalis na sya pero agad ko syang hinawakan sa braso.

"I need your help." kumunot naman yung noo nya. Tiningnan pa nya yung nakahawak kong kamay sa braso nya kaya agad ko itong tinanggal. Suplada. Eh sya nga, kanina pa chansing ng chansing sa akin no!

"With what?" tanong pa nya.

"Ayokong umalis si Olivia." sagot ko naman sa kanya.

"Mali ka ng taong nilapitan. Gusto kong umalis sya." bored na sabi pa nya. Nahulaan ko nang yun yung sasabihin nya kaya wala na akong choice kundi gamitin yung huling bala ko.

Tumungo muna ako para ihanda yung sarili ko bago teary-eyed na nag-angat ng paningin.

"I really need your help, Alyana. Hindi ko kayang mawala sa akin si Olivia. Isipin mo na lang kung nagkapalit tayo ng sitwasyon. Papa'no kung si Sofia yung mawawala sa'yo kapag hindi ka gumawa ng paraan? Papa'no kung sya yung makakasama yung ex nya sa isang lugar na pwede silang magkalapit ulit?" sabay hopeful na tumingin sa kanya.

"Well, gugustuhin ko yon dahil ako naman yung ex ni Sofia eh. At least diba, may time na para maitama ko yung mga mali ko." sabi pa nya kaya napa-facepalm ako sa isip ko. Oo nga naman, Aerin, ang shunga mo din eh no?

Pero no, hindi ako dapat mawalan ng pag-asa. Sa panahon ngayon, si Alyana na lang talaga yung makakatulong sa akin. Kailangan kong kumapit sa patalim.

Mas lalo kong ginalingan yung pag-arte ko. Pilit kong pinatulo yung luha ko para mas magmukhang kapani-paniwala.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon