Chapter 27

5.7K 351 47
                                        


AERIN'S POV:

"I know you're there, Ate Aerin. You can come in. It's just me." at kahit sobrang sakit ngayon yung nararamdaman ko, hindi ko pa rin mapigilan na hindi mapangiti sa batang 'to. Iba talaga yung pakiramdam nya.

Pinunasan ko muna yung luha ko at huminga ng malalim bago pilit ang mga ngiting pumasok sa loob ng kwarto. Nung makita ko syang malungkot na nakatingin sa akin, pigil na pigil ko yung pagpatak ng mga luha ko. Mamimiss ko sya, sobrang mamimiss ko si Nico.

Papa'no ko sasabihin sa kanya na kailangan kong umalis? Na hindi na ako yung magiging yaya nya pagkatapos ng araw na 'to?

Malungkot na nag-sigh sya nang mapansin nyang hindi ako nagsasalita at nakatitig lang sa kanya.

"You're here to say goodbye. At hindi lang sya basta bakasyon or something. That'll be goodbye for good. Am I correct?" malungkot na tanong pa nya kaya hindi ko na napigilan yung mga luha ko. Umiiyak na tumango ako sa kanya.

"Can I hug you? I think, kailangan mo yon ngayon." at hindi na sya nagdalawang salita dahil mahigpit ko syang niyakap matapos nyang sabihin yon.

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry." sunud-sunod na bulong ko sa kanya at naramdaman ko naman yung marahang pagtapik nya sa likod ko.

"Shhh, kung ano man yan, okay lang, Ate Aerin. Alam mong kaya kitang patawarin sa kahit anong ginawa mo. Alam mo kung bakit?" sabi nya sabay kalas sa akin at pahid ng mga luha ko. "Dahil alam ko na kung ano man yan, hindi mo talaga ginusto yan at wala kang gagawin na makakasakit sa amin." sabi pa nya kaya malungkot akong umiling sa kanya.

I know na sinabi ni Olivia na wag kong sabihin kay Nico yung totoo. Pero pagod na akong magsinungaling. Ayoko nang may susunod pang masaktan dahil sa pagsisinungaling ko kaya pahapyaw kong ikinuwento kay Nicolo lahat-lahat. May karapatan din naman syang malaman yon.

Nakatingin lang sya ng seryoso sa akin matapos kong magkwento sa kanya. Tiningnan ko rin sya para basahin kung ano yung reaksyon nya. Kung galit din ba sya tulad ng Ate Liv nya, or kung naiintindihan nya ako tulad ng Ate Sofia nya.

Nanlumo ako nang makita ko yung disappointment sa mga mata nya. Well, ano pa nga bang ineexpect ko diba? Ginamit ko sya para lang makakuha ng---

"Liv said that? Na hindi ka na nya gustong makita ever again?" tumawa sya ng sarcastic. "As if kaya nya. Minsan talaga, hindi ko maintindihan yung pride nya. Yeah, I know na nagkamali ka pero hindi mo naman tinuloy diba? So, anong problema nya don? Ang hirap talaga kapag mataas yung ego ng isang tao no?" napanganga naman ako sa sinabi nya. Teka nga, bata ba talaga 'to? Nung bata ba ako, ganito ako? Tatanungin ko nga sila mommy.

At tulad ng lagi nyang ginagawa, natatawa nyang ginulo yung buhok ko at ti-nap yung ulo ko.

"Cute-cute mo talaga kapag ganyan yung reaction mo. I'll miss that. Though, alam ko naman na ilang araw ko lang mamimiss yan." kibit-balikat pa nya kaya napatanga na naman ako sa kanya. Diba nga, magpapaalam na ako? Pinagsasasabi pa nya?

"What? Totoo naman eh. Mga ilang araw lang, babalik ka din dito at hindi ako magugulat kung si Liv yung gagawa non. My sister really loves you, Aerin at hindi ka nya matitiis." sabi pa nya kaya malungkot akong ngumiti sa kanya.

"Hindi na siguro. Hindi na nya ako mahal. Sobrang galit sya eh." mahinang sabi ko pa.

"At ganun talaga kababaw yung tingin mo sa pagmamahal sa'yo ng kapatid ko? Ate Aerin, ngayon mo lang yata ako nadisappoint." sabay tsk tsk pa nya kaya natigilan ako. "She loves you so much. I've never seen her na sobrang happy sa nakarelasyon nya, sa'yo lang. And please, don't ever doubt that love. Sa nangyari ngayon, naniniwala akong kailangan nyong magpahinga, pero wag na wag nyong susukuan yung isa't-isa." sabay ngiti nya sa akin kaya hindi ko na naman mapigilan na hindi mapaiyak. Ano ba naman 'tong batang 'to. Bakit ganyan sya mag-isip at magsalita? At bakit laging tama yung mga sinasabi nya?

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon