AN: Okay, eto na. Nagsend na sa akin ng update si Author drifter_01 at mukhang magtutuloy-tuloy na. Haha. Yung PSDLM, after pa siguro ng chapter 28 nitong story na 'to ko sya mapopost. 😪
O sya, enjoy. 😪
================================
OLIVIA'S POV:
"Olivia! Wait!" Aerin held my hand para pigilan ako sa paglalakad papasok sa palasyo.
"Do not touch me!" Humarap ako sa kanya. "I-I can't even look at you right now," my voice cracked when I saw the hurt in her eyes. Agad na binawi ko ang tingin ko.
Hindi ko alam kung anong unang dapat kong maramdaman. Ang bilis ng tibok ng puso ko, siguro dahil sa galit at sakit. Hindi pa rin halos nagsi-sink in sa akin ang ipinagtapat niya. I was happy. I was happy an hour ago. Isang oras lang ang kinailangan para mapalitan ang sayang nararamdaman ko.
"Please, let me explain," she pleaded.
"Explain?" I chuckled humorlessly. "Para ano?! Para makapagsinungaling ka na naman? How does it feel, Aerin? Na may naloloko kang tao para lang makuha mo 'yung gusto mo? Masaya ba? Malaki ba ang kapalit kapag may nakuha kang scoop dito?" Sunod-sunod na tanong ko.
Nakayuko lang ito, I know she's crying dahil naririnig ko ang paghikibi niya at lalo akong nakaramdam ng galit, lalo na sa sarili ko dahil gusto ko siyang lapitan at yakapin.
"Was it worth it? Hm? Anong scoop ang kailangan mo?" Napaisip ako saka binilang ang mga nakaraang buwan ng pagpasok ni Aerin dito. "You wanted to know why my mother left," it wasn't a question.
Nagpahid ito ng luha bago tumango. "Oo. Pero sa una lang 'yon, wala akong plano na ilabas 'yon sa media."
"She left because of you!" Aerin flinched at that. "Dahil sa inyo. Dahil hindi ninyo maibigay ang konting katahimikan na gusto sana niya para sa pamilya namin. We're people too, you know? Hindi kami mga bagay lang na pinagka-kabuhayan ninyo."
"Alam ko, maniwala ka sa'kin. Wala naman akong balak na saktan ka at ang pamilya mo," pakiusap pa nito.
"Pero nagawa mo pa rin!" My voice rose again. I wiped a tear angrily. Hindi ko napansin na tumulo na pala. "Nagawa mo pa rin akong saktan." My shoulders slumped in defeat. "At nagawa na rin kitang mahalin."
There were fresh tears clouding her eyes. Sinubukan niya akong hawakan ulit pero mabilis na umiwas ako.
"Olivia, please. Makinig ka naman muna!" Tumaas na rin ang boses niya, you can hear the desperation on her voice and eyes.
"What is happening here?"
Sabay kaming napalingon ni Aerin sa nagsalita. It was my father. Kasama niya si Manang Amelia at Sofia na nag-aalalang nakatingin sa amin, pati na rin si Nicolo at ang ibang mga staff ng palasyo. Malamang napasugod ang mga ito nang marinig kami ni Aerin.
"Go to your room, Nicolo," utos ko.
"Why?" He asked, worried. "Why are you fighting with Ate Aerin, Liv?"
"Nothing," I forced a smile. "May pinag-uusapan lang kami. I'll talk to you later, okay?"
He doesn't look convinced. "You're shouting, you don't shout, Ate Liv. What happened?"
"Later, Nico," nagtitimping sagot ko. "Pumasok ka na muna sa kwarto mo. Now!"
I cursed internally. Nicolo's eyes widen. Ngayon ko lang kasi siya napagtaasan ng boses.
I looked pointedly at Manang Amelia. Nakuha naman nito ang gusto kong sabihin, tumingin siya sa isa sa mga staff doon at inutusan na dalhin si Nicolo sa kwarto niya. Tumingin muna ulit si Nicolo sa akin. I nodded at him, he sighed pagkatapos ay napipilitang sumunod.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Disaster
HumorSiya si Aerin Camila, isang baguhang reporter na sa sobrang ambisyosa, gagawin ang lahat para lang makakuha ng scoop tungkol sa buhay ng Presidente ng Pilipinas at sa pamilya nito. At kahit pwedeng-pwede naman syang humingi ng tulong sa Ate Clarence...
