Chapter 24

6.1K 320 32
                                    

OLIVIA'S POV:

"Oi, chococake," Sofia called.

Naka-irap na tiningnan ko siya bago itinaas ang isang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita. Umupo naman ito sa isa sa mga couch na naroroon. May kausap kasi akong isang investor ngayon through video call. Nandito ako sa isang opisina rito sa palasyo.

"Yes, you can fax all the documents on our main office in L.A. I won't be able to attend the contract signing but some of the board members will be there...okay. It was nice doing business with you." Agad na pinutol ko ang tawag at inalis ang headphones na suot ko. I leaned against my seat and glared at Sofia.

"Ano na naman?" Inosenteng tanong niya.

"Sinong may sabi sa'yo na pwede mo akong tawagin niyan?" Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na napapayag ako ni Aerin sa gusto niyang tawagan namin. Chococake. I cringed internally pero nang maalala ang mukha niya nang tumanggi ako sa gusto niya ay napapa-buntong hininga na lang ako. The things I do for her.

"Si Aerin lang ba ang pwedeng tumawag sa'yo ng gano'n," tanong pa niya.

"Obviously," I deadpanned. "Subukan mong tawagin ako uli ng gano'n at ipapatapon talaga kita pabalik ng America," Pagbabanta ko.

"Bakit si Aerin?" She pouted.

"Si Aerin ka ba? No? Then shut up." Tumayo ako at umupo sa tabi niya, I hugged one of the throw pillows there against may chest.

"Pero Liv, you should've seen your face when she first called you that, it was priceless. Parang nawalan ng kulay 'yang mukha mo." Sinamahan pa niya iyon ng malakas na tawa.

I sighed. Anong magagawa ko? Mukhang kahit anong hingin sa'kin ng babaeng 'yon ay ibibigay ko, kahit na ang payagan siyang tawagin ako ng gano'n. Worth it naman dahil sa nakita kong magandang ngiti niya nang tawagin ko rin siya no'n but it doesn't still make the endearment pleasant.

"Mabuti naman at napapaligaya kita sa paghihirap ko, Sof," sarcastic na sabi ko sa kanya.

"Yeah, you and Aerin are amusing. A breath of fresh air, kunwari she annoys you pero may maraming hearts naman 'yung mga mata mo kapag kausap mo siya." She nudge my shoulder.

"I'm fond of her," I sighed.

Sofia tilted her head, "I'm pretty sure she's fond of you too. Chococake."

Tiningnan ko na naman siya ng masama, "I told you 'wag mo akong tatawagin niyan. Pangit."

Tumayo na ako at iniwan si Sofia na natatawa pa rin. Nababaliw na 'yung kapatid ko.

***

I have a small smile playing on my lips as I watch Aerin sing and dance while holding a broom. Feel na feel pa talaga niya ang pagkanta, her eyes were closed kaya hindi niya napapansin na kanina ko pa sya pinapanood. I was leaning against my door with my arms crossed. I cleared my throat, bigla naman siyang napatigil sa ginagawa niya at dahang-dahang nagmulat ng mga mata.

"Why, hello there, pretty. Don't mind me," I gestured my hand forward. "By all means, continue your concert."

She put her hand on her hip, "kanina ka pa diyan?"

"Long enough to know na pangarap mo palang maging concert queen. You should have told me, I have connections, you know?" Biro ko.

Namula naman ito bago ako pinandilatan. "Tse! At sinong may sabi sa'yo na pwede mo akong panoorin? Ano bang ginagawa mo rito?"

Lumapit ako sa kanya, encircling my arms around her waist. "Last time I checked, Miss Harvey, this is my room. Ikaw, anong ginagawa mo rito?"

"Naglilinis. Duh," pamimilosopo nito pagkatapos ay ipinalupot ang mga braso sa leeg ko.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon