Chapter 14

5.7K 306 24
                                    

AN: Ops. Change of POV muna. Yung cliffhanger dun sa last chapter, kailangan nyo din hintayin sa chapter ni Aerin. Haha. Hintay-hintay lang. ✌️

====================================

OLIVIA'S POV:

"I don't understand you," I pinched the bridge of my nose in frustration. "Bakit hindi ka nauubusan ng kumpadre? Didn't I say na puro disasters lang naman ang mga dates na pinapunta mo sa'kin?"

My father sighed. Nandito kami sa opisina niya, papaano ay may gusto na naman siyang 'meeting' na puntahan ko, a.k.a blind date. Puro mga pompous assholes lang naman ang mga anak na 'yon ng mga kumpadre niya. Ano 'yon, requirement sa kanila ang pagiging self-centered?

"Because you're not giving them a chance, Liv," frustrated na din ang tatay ko.

"How can I? Ni hindi nga ako makasingit dahil puro pagyayabang lang naman ang lumalabas sa mga bibig nila. Jerks."

"Watch your words, Olivia," he warned.

I glared at him. Sinalubong naman niya ang tingin ko, our staring contest was broken nang may sumipa sa binti ko. I directed my glare at Sofia na nakaupo sa katapat na visitor's chair ko. She's biting her lip anxiously; she doesn't like it when my father and I are arguing. Palagi siyang nagsisilbing mediator sa aming dalawa.

"This will be the last one," agaw ni Papa sa atensiyon ko.

"Oh, you mean naubusan ka na rin ng kumpadre sa wakas?" Sarcastic na tanong ko.

"Olivia, stop it," my sister snapped na para bang siya ang mas matanda sa aming dalawa. I looked at her again, her lips pursed in irritation. Ganyan iyan kapag naiinis na sa'kin, binubuo yung pangalan ko. Isang tao lang naman ang matigas ang ulo na tumatawag sa'kin ng Olivia nang walang mintis.

Si Aerin.

Lalong uminit yung ulo ko nang maalala na naman ang nanny ni Nicolo, inis na inis na talaga ako dahil hanggang ngayon ay magulo pa din ang isip ko dahil sa kanya. Kailan pa ako naging hung-up sa isang tao? Kahit anong pilit ko ay hindi siya mawala sa isip ko kaya naman palaging mainit ang ulo ko.

I stood up, "hindi ako pupunta sa date na 'yan, Pa. Your kumpadres' sons can go to hell for all I care."
Hindi ko na ito hinitay na makasagot at lumabas na ako ng opisina niya.

"Liv, wait up!" habol ni Sofia.

Naglakad ako papunta sa kwarto ko, mabuti na lang din at walang gaanong tao sa hallway ng palasyo dahi baka matakot pa sa akin. Hinawakan ni Sofia ang kamay ko, not saying anything. Ganito niya ako kino-comfort minsan, she will just hold my hand at hihintayin na ako mismo ang mag-o-open up sa kanya.
Malapit na kami sa kwarto ko nang may nakita ako na nagpakunot ng noo ko. It was Aerin, na buhat buhat ng isang pangit na lalake.

"Ibaba mo ako, Cardo! Hoy!" Cardo? What kind of name is that? Pangit na nga siya, pati pangalan niya pangit din, anang nagta-tantrums na isang bahagi ng utak ko.

"Bakit ba? Eh sa masaya ako ngayon. At gusto kong gawin 'to!"

Naningkit ang mga mata ko. Sa hallway talaga? At sa harap ko pa? Kahit na ba hindi pa nila kami napapansin ni Sofia because they are busy flirting.

"Ibababa mo ba ako o---"

"What's going on here?" Tanong ko. Pinisil ni Sofia ang kamay ko, as if saying calm down. Hindi ko siya pinansin.

"Good afternoon po, Ma'am," nakangiting bati nung lalaking may pangit na pangalan. At bakit nakatalikod at hindi nagsasalita si Aerin?

"Who are you?" I asked in a cold voice. I don't like him...pero lalong hindi ko gusto ang nararamdaman kong pagsikip ng dibdib ko nang makitang buhat – buhat niya si Aerin.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon