Chapter 5

8.3K 329 28
                                        

AERIN'S POV:

"Ang kapal ng mukha! Akala mo kung sino na kung makaasta! Makapagsalita sya na gawin ko yung trabaho ko ng maayos ha! As if naman sya yung nagpapasweldo sa'kin diba? Saka sino ba sya? Masyadong matapobre. Sus!" ayan na naman po ako sa monologue ko. Pero sa ngayon, hindi ko lang sya sa isip sinasabi. Kailangan kong ilabas 'tong inis ko sa babaeng yon.

"Oo na! Na-late na ako kanina! Pero wala syang karapatan na pagsalitaan ako ng ganon no! Kasalanan ko ba na tumambay ako sa twitter kagabi para ipagtanggol si Camila sa mga haters nya? Mga fans daw pero kung i-bash naman si Camila dahil sa akala nila na umalis sya sa fifth harmony. Sus!"

Hindi na talaga ako natutuwa sa kanya. Kahapon pa sya. Sayang, nastar-struck pa mandin ako nung unang beses ko syang nakita.

Pero maganda nga sya, ang pangit-pangit naman ng ugali. Sus. Eh di wala din! Ugh!

"Aerin!" muntik na akong mapatalon nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Ay Aerin!" leche, naging mali-mali tuloy ako dahil sa babaeng yon.

Fudge! Si Manang Amelia. Sana hindi nya narinig yung ni-ra-rant ko kanina. Pag nagkataon, buking agad ako. Sino ba naman kasing mahirap pa sa daga yung uunahan pa yung twitter at yung pagsagot sa bashers kesa magtrabaho diba?

And sana, hindi naman nya ako pagalitan ng sobra-sobra dahil quota na ako kay Yuki on'na.

"Aerin, anak, may problema ka ba?" Aww. Ang bait ng tono nya. Ibang-iba sa sinasabi ng iba na sobra daw sya kung magsungit.

Malungkot na ngumiti lang ako sa kanya. Hay, eto na naman ako sa kadramahan ko. Minsan hindi ko alam kung saan ba nanggagaling lahat ng kasinungalingang lumalabas sa bibig ko.

"Gusto ko lang pong magsorry dahil po late ako kanina. Alam ko naman po na unang araw ng training ko po at dapat po, pumasok po ako sa tamang oras. Kaya lang po, kinailangan ko po kasing maghanap ng aalmusalin po ng mga kapatid ko kaya tumanggap po muna ako ng labada bago po ako pumasok. Pasensya na po talaga. Hayaan nyo po, hinding-hindi na po talaga ito mauulit." malungkot na sabi ko pa sa kanya habang nakatungo at nagkukunwaring nagpapahid ng luha.

Nagulat ako nang bigla nya akong yakapin.

"Wag mo nang isipin yon, Aerin. Naiintindihan ko yang pinagdadaanan mo. Alam kong nagpapakahirap ka para sa mga kapatid mo. Kaya para hindi ka na mahirapan sa mga susunod na araw, bago ka umuwi, bibigyan kita ng mga pagkain na pwede mong iuwi sa mga kapatid mo, okay ba yon? Tapos, pagbigay mo sa kanila, bumalik ka na agad dito." shocks! Parang gusto ko na talagang umiyak ng totoo.

Bakit ganito kabait si Manang Amelia? Bakit nya nasabi na naiintindihan nya yung pinagdadaanan ko? At higit sa lahat, kanino ko ibibigay yung mga pagkain na ipapadala nya sa akin? Luh, wa-poise kayang magdala ng mga ganon. Ugh.

"Salamat po Manang Amelia. Napakalaking tulong po nyan sa aming magkakapatid." sabi ko naman na gumanti ng yakap.

"O sya, masyado na tayong madrama dito, pinuntahan lang naman kita dahil tapos na si Nico sa pagbabasa nya so kailangan mo na syang linisan at palitan ng damit." she said smiling after nya kumalas sa pagkakayakap nya.

Ngumiti din naman ako sa kanya.

"Sige po, puntahan ko po muna si Nico." I told her bago tuluyang tumalikod sa kanya.

I was about to enter Nico's room nang biglang may magsalita sa likod ko.

"So, you're still here? Sayang. Akala ko, kaya ka hinanap ni Manang Amelia kanina ay dahil sasabihin nya na hindi mo na kailangang magtrabaho dito." I sighed bago humarap sa kung kanino man galing yung super cold na boses na yon.

A Beautiful DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon