TNC 3

108 8 0
                                    

Nasa classroom ako ngayon. Umidlip lang sandali,pagod na pagod ako sa pinapagawa nila sakin.


Flashback...

"Zeke! Yung sapatos ko, ang dumi dumi nito! Linisin mo dali!" Si Suzette habang nagcocomputer games.

"Pakihanda nga yung coat ko!, kanina ko pa yan inuutos sayo!" Terry na may kausap sa phone.

Seriously? Iisa lang ako, hinay hinay lang naman - reklamo sa isipan ko

Si Relyn naman may inaasikaso sa kusina. Kaya mag-isa lang ako.

"Ano pa ba ang tinutunganga mo diyan!? Bilis! Para kang pagong, ang kupad mo!" Suzette.

End of Flashback...


"Relyn, gisingin mo ako pag nandiyan si Maam"

Kaklase ko si Relyn, actually RK (richkid) talaga tong si Relyn. Hati-hati sina Yealle sa tuition ko dito sa school. Di ako binigyan ng pera ni Auntie para sa Tuition ko,pinagdamot nila sakin yung kayamaman ni papa na dapat sakin. Ewan ko lang ba,kung bakit nagtitiis pa yan sa Auntie ko eh. Lumayas daw yan si Relyn sa bahay nila kasi pinalayas siya sa kanila. At wala na kaming nalalaman kundi yan lang. Misteryosang babae tsk. tsk.

"Oki doki, mamaya nga pala Zeke magshoshoping ako. Sasama ka?"

"Nope, death anniversary ng parents ko ngayon. Pupunta ako ng cementeryo kasama si Yealle"

"Sige, susunod nalang rin ako sainyo."

Tumango nalang ako at bumalik sa pag-idlip.

...........

Nagising nalang ako nang narinig ko ang bell. Nako! Hindi ako ginising ng gaga!
Lunch break na, gutom na rin ako. Di pa ako nakakain ng umagahan. Bwesit!

Nasaan na ba sina Yealle at Relyn? kanina ko pa sina hinahanap. Wala sila sa Canteen or sa Garden na lagi naming pinagkakainang tatlo. Habang naglalakad ako di ko namalayan na napunta ako sa old building.

"Yealle! Tama na to! Nasasaktan ka na!" Relyn "Alam kong naawa ka kay Zeke, pero Yealle maawa ka naman sa sarili mo"

Kilala ko ang boses na yon. Si Relyn yon, bakit ba nila ako pinag-uusapan? Naawa? Sakin? Masyado na siguro ako naging pabigat sakanila. Sana sinabi nalang nila sakin yon.

Lalapit na sana ako sa kanila para awatin.

"I'm sorry Relyn, mas mahalaga sakin na suportahan si Zeke. Kahit ang masakit isipin na di ko nakasama sina Mom and Dad nong namatay sila. Wala akong nagawa!,kahit si Zeke ang palaging nakakasama nina Mom and Dad!" Umiiyak si Yealle.

Anong ibig niya sabihin?

"Sinakripisyo nila Mom and Dad ang buhay nila para kay Zeke! Tinupad nila ang katungkulan nila. Oo, galit ako kay Zeke! Nang dahil sakanya wala na yung magulang ko! Nang dahil sakanya di ko na makikita yung magulang kong pinagkait sakin!. Kahit na sana ay pinakilala nila ako bilang totoong anak. Yun lang ang gusto ko." Yealle. Niyakap siya ni Relyn para patahanin.

Anong ibig sabihin nito?

Hindi ako yung totoong anak?

Bakit?

"Pero alam mo ba? Kahit galit ako sakanya, hindi ko matitiis si Zeke. Mahal ko rin si Zeke, siya yung little sister ko. Kaya tinitiis ko ang lahat ng bagay na ito" nakangiti siya habang sinabi ang katagang iyon.

Hindi ko mapigilang umiyak. Ano bang buhay ito? Ba't ang malas ko naman. Nang dahil sakin naghirap si Yealle na ka-iisa kung bestfriend. Na siya pala ang totoong anak ng kinakalakihan ko. Anong secreto ang hindi ko pa nalalaman? Mas matindi pa ba nito? Or malala?

Umalis na ako sa kinatayuan ko. Pupunta ako sa lugar na tahimik kung nasaan sila nakahimlay.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon