Zekeile Bandete's Pov
Dalawang araw nalang at Legend na. Palagi naman kami nagprapractice ni Zack. Naging maayos na rin ang paggamit ko sa apoy, sa mga sandata? Yung sword lang ang nagagamit ko. Hindi ko nga alam na maalam pala ako don. Tuwing hapon kami magprapractice ni Zack, kasi pag-umaga? Sa kanyang oras na yon. Bago kami magprapractice ay napapansin kong parang namamaga ang kamay ni Zack. Parang paso ng apoy? Hindi ko naman ito pinansin baka kasi malikmata ko lang yon.
Kung itatanong niyo kung asan si Axl? Ewan ko kung nasaan siya. Palagi niyang kasama ang childhood friend niya kuno. Tsk. Nagtransfer lang ito nung makalawang araw. Nagpapakilala siya bilang Zarnia a.k.a Z kuno at galing ito sa mundo ng tao. Ito naman si Axl ay O.A! Bigla ba namang sumigaw. Magkakilala daw sila A at Z pa ang tawagan, ang panget!. Hindi na namin siya nakakasama, hindi ko na nga siya nakakausap. Palagi siyang nakatawa at ngumingiti pag kausap ni si Zarnia, ayaw ko siyang tawing Z dahil palayaw sakin ni Mama nung bata pa ako.
Nung pinakilala ni Axl si Zarnia namin ay hindi ko agad ito nagustuhan. May kung ano sa parte ko na ayaw sa kanya. Sina Yealle at Relyn ay maligayang nakipag-usap sa Zarnia na yon. Ako naman ay nag-iisa dito, walang kasama. Sina Zack at Daniel kasi natulog na pagkatapos magpakilala ni Zarnia. Nakatingin lang ako sa kanila na masayang nakikipag-usap. Inaya nga ako ni Yealle pero umayaw ako, ayaw ko ng atmospera don. Parang may kakaiba. Si Axl naman ay hindi na ako pinapansin at kay Zarnia lang ang palaging tingin niya. Minsan nga nahuhuli ko si Zarnia na tumitingin sakin at nakangiti ito, kinalibutan agad ako. Parang double meaning eh.
Di ko na kinaya, ako dapat yon eh. Pumasok nalang ako sa aking silid. Nahagilap ng aking mata ang ngiting mapang-asar ni Zarnia. Huh?Ano yon? Baka naman nagmamalikmata ako o dahil sa antok lang ito.
Napag-isip isip ako sa kwarto. Baka naman insecure lang ako kay Zarnia at kung ano-anu na ang aking iniisip. Pinikit ko na ang aking mata upang matulog.
Para mag-hensayo sa madaling umaga.......................................................
Napabalikwas ako ng gising. Napanaginipan ko si Zarnia, ibang-iba siya. Hindi siya yung Zarnia na mahinhin at palatawa na nakikita ko. Ngunit isa itong hayop, parang isang baboy ramo. Napaka-itim at malaki ito. Hinahabol niya ako at tumatawa pa ito na parang baliw. Balak niya akong patayin.
Lumabas ako sa kwarto para uminom ng tubig. Pero nakita kung papalabas si Zarnia galing sa kwarto ni Axl. Bakit nandito siya? Manipis at maikli ang kanyang tela na sinuot, at kitang kita rin na wala itong panty at bra na suot. Anong ginagawa nila? Parang may kung anong tumusok sa aking dibdib, na hindi ko maipaliwanag.
Napansin niya ako, masigla itong bumati sakin. Marami siyang sinasabi pero wala akong naiintindihan. Sa tono palang ng pananalita niya ay ayaw ko nang pakinggan.
Zarnia ano ka ba talaga?
Kaibigan o kaaway?
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...