Zekeile Bandete's Pov
Pagdating ng guro ay nagulat ako kung sino yon. Siya yung nag-examine nung nagtake ako ng scholarship dito. Guro pala siya sa special section?
"Oh! Binibining Bandete, magpakilala ka sa harapan" nung nakita niya ako. Ayaw ko talaga ng Introduction. Kahit naman magpakilala ka ay hindi naman nila maalala yung pangalan mo. Tsk. Wala na akong choice kundi gawin, ayaw ko namang maging bastos at isa pa, kaibigan ko ang mga prinsipe at prinsesa.
"Magandang Umaga Sainyo, ako si Zekeile Bandete. 17 yrs of age. Just an ordinary mere mortal that have healing powers borrowed by my Inay" hindi ko na kaya talaga magsalita ng malalim. Mukhang naintindihan naman siguro nila ito. Dahil wala naman itong reaksyon. Yung guro lang yung may nakakatawang mukha.
"Uupo na po ako" inunahan ko na yung guro at bumalik sa upuan, sa mukha palang kasi niya ay parang hindi niya ito naiintindihan.
"Ahh Binibining Bandete, na uunawaan ko ang iyong sinasabi" ngumiti ito sakin. Paano? Nakasira ang aking isipan ah.
"Yealle, basahin mo nga yung iniisip ko"
Ang ganda ko talaga - isip ko
"Hindi ko mabasa,bessy. Ngunit nakasara ang iyong isipan" sabi niya.
Paano nangyare yon? Napatingin ako sa guro. Ngumiti lang ito sakin. Baka naman isa sa ability niya. Haysh baka nga
Nagdiscuss na yung guro at hindi ko alam ang pangalan niya. Nang may biglang dumating, yung principal.
"Class, may balita ako sa inyo. Sa makalawang araw ng huwebes ay Legend na, I'll remind all of you na magpraktice. Yon lang" sabi ng principal. "Miss France, paumanhin sa abala. Maaari mo nang ipagpatuloy" dagdag niya.
France pala ang pangalan niya? Ang ganda.
"Walang anuman yon" pagkatapos ng kanilang usapan ay sinabihan lang kami ni Miss. France na maaari na kaming umuwi sa ngayon para makapag-praktice.
Ito na yung kinatatakutan ko, paano na yan? Healing lang ang mayron ko.
"Bessy, paano na yan?" Tarantang sabi ko.
"Pwede ko namang sabihin ni Mom na ipagpaliban ka"
"Nako! Yan ang wag mong gagawin" biglang sabi ko sa kanya.
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.
"Dahil pagnagkataon na mangyari yan, maraming magtataka at mas lalong maraming magagalit sakin. Alam nila na ampon lang ako bessy, kaya hindi maaari yan" turan ko.
"Pwede naman siguro, ang physical attack? Yung may sandata akong dala? " suggest ko.
"Maaari, ngunit bessy. Hindi ka naman maalam non at sa makalawang araw na ang Legend, kakaunti nalang oras mo sa pagpractice." sabi niya "Pero! Pwede kang magpaturo kay Zack! Mas maalam siya sa ganong bagay" dagdag niya.
Zack? Mas malaking problema yan. Sa supladong yon baka nga sunugin na naman ako non. Ayaw ko rin naman kay Axl kasi....hmmm...hindi ko feel hehe.
Kay Daniel kaya? Oo nga! Siya nalang. Hinahanap ko sa buong campus kung nasaan si Daniel at nakita ko silang magkasama ni Yealle.
Baka naman maistorbo ko ang pagliligawan nila. - Isip ko.
Kailangan ko talaga ng magtuturo sakin. Wala na bang ibang choice kundi si Zack lamang? Haysh.
Wag mo nang paganahin yung pride at takot Zeke - kausap ko na naman sarili ko.
Bakit nga ba nag-aaral pa ako dito? Eh nandito naman sina Mama at Yealle, ang dahilan ko para umuwi. Pero sa loob ko parang may iba akong gustong malaman. Hindi ko alam kung ano yon, ngunit ramdam kong parte sa pagkatao ko at alam yon ni Mama.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...