TNC 63

45 2 2
                                    


Zella/Zeke's POV.

"Goleems at Leeme, kayo na bahala sa aking anak. Siguraduhin niyong hindi makatakas yan" utos ni Haring Revo sa mga alagad nito.

"Wag kang mag-alala Keile, ako bahala sayo" mahinang sabi ni Axl. Kaya ko naman sarili ko.

Umatake na ang mga Goleem at Leeme. Magkahawak kamay kami ni Axl habang lumalaban, hindi niya talaga ako binibitawan. Tanging ginawa ko lang ay sumasambit ng spells at gumagawa ng bolang apoy para ipatama ito sa kanila.

"Malapit na ang oras" sambit ni Haring Revo. "Dalian niyong paghiwalayin sila" utos niya.

Ano na naman ba ang pinaplano nito?

Dahil sa malalim kung pag-iisip ay hindi ko namalayan ang pag-atake ng isang Leeme. Agad umapoy ang ang dalawa kong kamay upang ipatama ang apoy sa Leeme. Sa kadahilanang iyon ay napabitaw si Axl at napaso ito.

"Porte intus" malakas na sigaw ni Haring Revo. Agad akong nakalutang at pinapalibutan ng bilog na harang.

"Keile!!" Sigaw ni Axl.

Gusto kung magsalita ngunit walang tinig na lalabas sa aking bibig. Di ko mailabas ang kapangyarihan ko. At kahit anong sipa at suntok, hindi ito nababasag.

Tumawa si Haring Revo na parang nagtagumpay ito.

"Ama!! Tigilin mo ito!!" Hindi nakinig si Haring Revo kundi tumingin ito ng matalim at nagsambit ng kung ano. Di ko gaano narinig pero masama ang pakiramdam ko para kay Axl. Hindi....anak niya ito.

"Aahhhhhhhhhh!!!" Sigaw ni Axl habang nakaluhod ito. Sumusuka ito ng dugo. Napakasama niya!! Anak niya si Axl! Wala siyang sinasanto. Sigaw lang ng sigaw si Axl hanggang sa nawalan ito ng malay, puno ito ng sariling dugo.

"Alam niyo na kung saan ito dadalhin" walang emosyong sabi niya.

Humarap naman ito kaagad sakin. Nakangisi "Magagawa ko na rin ito, matagal akong naghintay. Sa wakas, mapapasakin na rin ang kapangyarihan" parang baliw na sabi niya.

"Wag mong alalahanin ang anak ko. Parusa yan dahil sa pagsuway niya. Palagi naman siyang nakatikim ng ganong parusa, pero hindi parin nagtanda. Sakit talaga sa ulo yon! Walang pinagkaiba ng kanyang walang kwentang Ina!" Galit na sabi niya.

Axl.......axl.....hindi ko alam, na ika'y lubusang nahihirapan.

"Ahhhhhhh!!!!!!!" Ang sakit ng puso ko. Kumikirot at parang sinaksak ng ilang beses.

Anong nagyayare?

Bakit ganito?

"Ahhhhhhhhhh!!! Tigil ....." Mahina kong sabi ngunit hindi ito nakinig. Patuloy lang ito sa kanyang ginagawa.

~~ Ang dilim, ayaw ko sa madilim. Palakad lakad ako sa walang kawalan. Walang pinto o bintana man lang, walang ni kahit anong bagay. Mapakatulin lang ito, lungkot ang aking nadarama. Nag-iisa, asan na yung iba?

Umupo nalang ako, wala naman itong patutunguhan. Pagod na akong lumakad. Wala akong ibang na-iisip, sino ba ang aking hinahanap? Nangungulila itong puso ko, hindi ko ito maipaliwanag.

Sino nga ba itong hinahanap ko? ~~





Third Person POV.

Samantalang nina Reyna Zanne.......

Delikado ang sitwasyon nila ngayon dahil unti nalang ang lumalaban at parami rami ang mga taga Dark World. Ramdam rin nito ang pagod na ang mga kawal.

Alalang alala parin si Zanne dahil hindi pa bumalik ang kanyang kapatid. Baka may nangyare?

"Ack!" sabi ni Zanne habang sumasakit ang kanyang puso. May nangyayari sa kanyang kakambal. "Ahhhhhhhh" sigaw nito, nataranta ang lahat dahil sa pagsigaw ng Reyna.

May biglang pasabog na naganap sa di kalayuan. Napakalakas nito, marami ang nasawi. Napaalerto ang lahat, yung mga Hari at Reyna ay nalilito, hindi nila inaasahan ang pangyayare.

Nandito na sila....

Marami pa ang dumating at kakaunti nalang kami. Pero mas naka-agaw pansin ang isang kasama ni Haring Revo. Bumibilis ang tibok ng aking puso sa kaba. Bigla tumulo ang aking luha ng napatanto ko kung sino ito.

Kambal ko......




VOTE~~~  VOTE~~~~
SARANGHAE MINNA-SAN~~

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon