Axl Xellion's Pov
Kay saya nilang tignan, isang buong pamilya. Mukhang nakakaistorbo lang ako sa kanila kaya umalis na ako.
Ang lakas pala ng lason na natamo kay Zeke, paano niya kaya nakayanan ito? Buti nalang at nakaabot ako sa kagubatan, may maliit na bahay ako dito. Ginawa ko talaga ito, malayo sa lugar na maraming tao. Mas payapa at maganda ang tanawin dito. Nandito rin ang taguan ko pag may naghahanap sakin.
Wala naman akong mahalagang rason kung bakit ako nag-aral sa Majonian Academy. Pero siguro, gusto kong magbagong buhay o sa kapaligiran ko.
Baka nagtataka kayo kung bakit immortal ako? Nasa pamilya na talaga ito samin. Pasa pasa sa bawat henerasyon. Mawawala lang ang pagka-imortal ko kung may nai-ibigan ako, ang saklap ano? Napakacorny.
Sabagay, ganon rin ang nangyare sa mga magulang ko. Naalala ko tuloy si Z, siya yung naging unang kaibigan ko nung bata pa ako. Kamusta na kaya siya? Minsan kasi pumupunta ako sa mundo ng mga tao para makapag-isa, masyadong busy ang mga magulang ko. Ang saya ko noon na nakilala ko si Z, siya narin ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng oras yung magulang sakin.
Flashback.....
Wala na naman sina Inay. Pumunta nalng ako sa mundo ng tao. May nakita akong batang babae, ang ganda niya. Kasama niya ang kanyang mga magulang, nakakaingit tuloy. Di ko gaano makita ang mukha ng mga magulang niya dahil nakatlikod ang mga ito.
Maya maya ay umalis na yung mga magulang ng batang babae at yung yaya nlang ang nagbantay sa kanya.
Nakita ng batang babae na nakatitig ako sakanya, ngumiti lang ito at tsaka ngumiti habang kumakaway pa. Ako ba ang ningitian niya?
"Hi sayo bata!" Masigang bati niya sakin. Hindi ko na lang siya pinansin at akmang aalis.
"Nako bata! Ang snob mo" hindi ko siya maintindihan. Hinawakan niya ang braso ko.
"Dali na bata, wala kasi akong makakalaro."
"Ayaw ko, ang kulit mo"
"Sige na please"
"Haysh, sige na. Pero sandali lang"
"Yeheyy! Salamat bata hehe" napangiti nalang ako. Ang kulit kulit niya. "Ano nga pangalan mo?" Tanong niya.
"Tawagin mo nalang akong A" sabi ko.
"Haha A! Ako rin si Z!" Masiglang tawa niya.
End of Flashback....
Simula non ay naglalaro na kami, binibigyan niya ako ng advices tungkol sa pamilya ko. Pagmay problema ako nandiyan siya palagi. Pero natigil ang lahat nung namatay yung mga magulang ko hindi ko alam ang dahilan, pagkatapos niyan ay inampon na ako ng mga taga Dark City kahit labag sa aking kalooban.
Wala na akong balita tungkol kay Z pagkatapos non.
Napakasayang alaala ngunit malungkot parin. Matutulog nalang ako para bukas.
Zekeile Bandete's Pov
Nandito na ako sa kaharian nina Mama, ang ganda dito. Maagang pumasok sina Yealle at naiwan ako. Sabi kasi ni Mama na bukas nalang daw ako papasok. At ihahatid nalang ako nina Mama sa dorm mamayang hapon.
May handaan sina Mama, marami siyang bisita. Para daw sa pagsasama namin, nakakahiya. Hindi naman niya akong totoong anak, pinagbubulongan na nga nila ako. Kaya heto ako nag-iisa sa isang malaking mesa. Sina Mama ay kinakausap yung iba.
"Sana nandito si Yealle para naman may makausap ako" bulong ko. Mukhang nakalimutan na rin siguro nila ang gala na sinasabi nila. Tsk
"Zeke! Zeke!" May naririnig akong salita sa may likuran ko. Pero puro halaman lang ito.
"Hi! Sayo Zeke" ang mga halaman nga ang nagsasalita.
Pati ba naman mga halaman nakakausap ko narin? Anong buhay to Omyghad!?
Pero nakakatuwa sila, atleast may nakakausap ako rito. Ang saya sa mundong ito. Nakakasama ko yung pamilya at kaibigan ko sa kakaibang mundo na to. Pero ramdam ko na may dadating, hindi ko alam kung bakit. Pero masama ito.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...