Zekeile Bandete's Pov
Mga ilang oras nalang ay magsisimula na yung laban. Tahimik lang kami ni Zack at walang kibuan. May napakalaking bilog sa gitna, doon maglaban laban. Pinalibutan ito ng barrier para kahit anong kapangyarihan na gawin mo ay hindi ito lalabas sa bilog at nasa ayos ang mga manonood.
1
...
2
.....
3
.......
Go
.........."Maligayang pagbati sa inyong lahat, ako si Mrs. Leviour. Ang principal ng paaralang ito. Sisimulan natin ang Legend. May iisang rule na dapat tayong sundin " BAWAL ANG PUMATAY " maaari mo gamitin ang kahit anong kapangyarihan mo. Basta wag mo patayin ang iyong kaaway. Ang unang mawalan ng malay ay siyang talo. Pagpalain kayo" sabi ng principal. Nako! Mahigpit ang labanan. Hindi ko alam ito. Anong gagawin ko? Mawalan ng malay talaga? Pwede bang matumba nalang.
"Unang lalaban ay si Blake Convious at Donald Son" announce ng MC.
Blake Convious? Siya yung President ng klase namin. Alam kong magaling ito. Elemental ang kanyang kapangyarihan.
Matalim ang tinginan ng dalawa. Si Donald ang nagsimulang umatake. Galing sa Hara Kingdom si Donald kaya apoy ang kanyang kapangyarihan. Inulanan ni Donald si Blake ng Fireballs. Sinangga naman kaagad ni Blake gamit ng lupa at tubig. Galing naman si Blake sa Centria kaya multi- powers ito. Inataki ng patalikod ni Blake si Donald gamit ng hangin, ginawa niyang invisible ang arrows para hindi ito mapansin. Napa'aray' si Donald, mukhang natamaan ito. Napaluhod siya ngunit hindi pa sumuko si Donald. Tinapat ni Donald ang kanyang kamay sa sahig upang umapoy ito, patungo kay Blake. Lumipad naman si Blake.
Napapakpak agad ako, ang galing niya! Lumipad siya. Ginamit siguro niya ang hangin. Gumawa ng malaking bola si Blake gamit ang apoy at tubig na pinaghalo. Napakalaki nito, pinatama niya agad kay Donald.
Umuusok at hindi gaano kami nakakita. Unti-unting nawala yung usok dahil sinisipsip ito ng bilog. Nakita namin na nakahiga si Donald, puro ito sugat at duguan.
Nagsigawan ang lahat ng taong nanonood.
"Ang nanalo sa labanan ay si Blake Convious" sigaw ng MC. Napatingin naman ako ni Blake, nakangiti ito pero nakatingin ni.......Relyn? Anong mayron? Ba't naglilihim sila sakin. Parang ang layo na nila.
Sumunod naman si Daniel kalaban niya si Jack sa class Aife. Hangin at Lupa?
Sinimulan na nila ang laban. Kita ko sa mukha ni Daniel na parang naglalaro lang ito. Parang inaasar niya si Jack, nako! Wala talaga tong magawang matino. Mukha namang naasar si Jack dahil namumula ng kanyang mukha, pikon. May parang kinast na spell si Daniel, dugong bughaw si Daniel kaya pwede na itong Caster. Yumayanig ang lupa, yung mga halaman ay mahigpit na nakahawak ni Jack para hindi ito makagalaw. May biglang lumutang na mga bato, ang lalaki nito. Binato ito patungo kay Jack, dahil sa hindi makagalaw si Jack ay natamaan siya sa mga bato ng paulit-ulit. Nang binitawan ito ng mga halaman. Unti-unting bumagsak si Jack. Nagsigawan na naman sila, pati na run tong si Yealle. Para siyang tanga at sumasayaw pa ito habang sumisigaw. Sila na ba?
Sumunod naman ang iba, hindi ko ito kilala. Mukhang taga ibang section sila. Ang gagaling rin nila, nag-alala na ako sa aking sarili. Natatakot akong masaktan o makasakit.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...