Zekeile Bandete's PovNagising ako bigla nang may parang gumagapang sa paa ko. Inangat ko ang aking ulo at tinignan ito. O_O Natatakot ang aking nakita, isa itong ahas. Napakalaki! Takot ako sa reptiles kagaya ng Ahas sa kadahilanan na may lason ito.
"Aaaaahhhhhhhhh....haaaasss" sigaw ko. Nangiyak ngiyak na ako sa takot.
Tugsh..
Na may kung anong bumagsak sa likuran ng puno. Don't tell me? Ahas rin yon!? Huhu, nako! Ano ang gagawin ko?
"Napaka-ingay mo" may biglang sumulpot na lalaki. Saan siya galing? Sa taas ng puno?
"Tulong, tulungan mo ako please...." Kinapalan ko na ang mukha ko kahit hindi ko kilala ito. Sa ganitong sitwasyon, wala akong magagawa. Takot na takot talaga ako sa mga ganito.
"Tsk. Ahas lang di mo pa kaya." Supladong sagot niya. Bigla nalang umapoy yung ahas na nasa paa ko.
"Waaaahhh! Nasusunog ako! Papatayin mo ba ako?" Tarantang sabi ko.
"Stupid. Hindi masusunog at masasaktan yung paa mo, yung ahas lamang ang masusunog. Kaya wag kang parang tanga diyan" Umalis na siya.
"So-sorry" Nako! Kung hindi niya lang ako tinulungan, papatulan ko talaga yon. Ang talas ng dila, kay lalaking tao, suplado!.
Pagkawala ng apoy ay nawala na rin yung ahas. Umalis na kaagad ako don baka may mga ahas pa diyan, lagot ako.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad sumalubong sakin si Inay na nagwawalis sa labas.
"Inay!" Maligayang tawag ko.
"Oh!, iha nakauwi ka na pala. Kamusta yung pasulit?"
"Ang dali lang po Inay, salamat nga po."
"Wala lang yon, iha. Basta may kailangan ka sabihin mo lang sakin" ang bait talaga nila. Iniisip ko nalang kung malulungkot ba sila pagmawala ako. I mean, baka mapili ako at dorm yung nasa Akademya. Feel ko kasing mapili, mamimiss ko talaga sila.
"Wag na ho Inay, ang laki laki na ng utang ko sainyo. Paano ko ba to babayaran? Haha"
"Ano ba!, itong batang to. Oh ika'y dumayo na sa iyong silid at magbihis"
"Haha, Inay seryoso po ako. Sige, sa kwarto po muna ako" umakyat na ako at pumasok sa aking silid. Napahiga nalang ako sa kama ko, nakakapagod talagang magbyahe. Ang layo kasi ng bahay sa Akademya.
May biglang pumasok sa kwarto ko at dumaan ito sa bintana.
"Si-sino k-ka?" Di ko makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ito ng kanyang buhok at pati napupuno ito ng pasa.
"Poging asawa mo" birong sabi niya. Kilala ko ang boses na yon ahh..
"A..Axl! Anong nangyare sayo!?"
"Ang ingay mo, baka pumunta pa sina Nanay at mag-alala"
Uhuh, ngayon ko lang alam na may ganito palang pag-uugali siya.
"Sorry, ano bang nangyare sayo? Ang dami mong sugat, napaaway ka yata" alalang sabi ko. Nilapitan ko siya at umupo sa harapan niya. Hinawakan ko yung mukha niya para gamutin. Pero hinawi niya ito.
"A-ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!?"
"Ang arte mo naman, ginagamot ka na nga ayaw mo pa"
"No need, kaya kong gamutin ang sarili ko. Hihilom lang to na mag-isa. Paki-tingin nalang sa labas kung may tao ba at pupunta na ako sa aking silid." Utos niya sakin. Kung hindi lang to kawawa di ko talaga gagawin. Lumabas na ako at tinignan kung may tao, nakita ko si Inay nakikinig ng radio.
"Mayron, Si Inay nakikinig ng radio" sabi ko
"Salamat, dito muna ako. Wag mo nalang akong pansinin"
Hmmp! Humiga nalang ako at pinilit na matulog. Pero di ko magawa, ano kaya ang nangyare sa kanya?
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...