TNC 5

84 6 0
                                    

Zekeile Bandete's Pov

Ang lambot ng kama, ang bango pa ng paligid. Hmmmm, napamulat ako bigla. Hindi ito ang kwarto ko. Aray! Ang sakit ng ulo ko. Anong nangyare? Nasaan ako? Black and White ang kulay ng kwarto. Monochrome style siya. May mga mamahaling gamit, mukhang mga antique ang mga gamit dito.

Kung nakawin ko kaya to para magkapera? 17 palang ako, di ako makukulong haha /evil laugh/ haaysh nakidnap na nga ako at ganito pa ang iniisip ko. Paano ba makatakas dito? Sina Relyn at Yealle baka nag-alala na yon sakin.

"Ano kaya ang kailangan nila kay Yealle?" Napaisip ako bigla, kahit matagal ko nang nakasama sina Mama at Papa at pati si Yealle, napag-alaman ko na di ko pa talaga sila lubusang kilala. Pati narin ang sarili ko.

Mahina akong naglalakad papuntang pinto at dinikit yung tenga para malaman kung may nagbabantay ba sa labas. Pinihit ko yung door knob. Lock! Damn nakalock!. Paano na to?

Hairpin! May hairpin ba dito? O kahit anong maliliit na bagay?

Naghanap hanap ako sa paligid, ano ba to? Bakit wala huhu. Itong kwintas! Baka pwede to. May binigay na kwintas sakin si Mama nung 10 yrs old pa ako. Sabi niya raw, alagaan ko to at wag na wag huhubarin o ibibigay kahit kanino. Dahil para sakin lang talaga to at wala ng iba.

Ang hugis ng kwintas ko parang cross na sword. Cross style siya na may mahaba at matulis yung ibaba,weird right? May nakasulat pa itong Centria.


Yealle Aifer's Pov

Nang nakapunta kami sa puntod, wala don si Zeke pero nandon ang mga gamit niya. Anong nangyare?

"Goleems..." Sabi ni Relyn

"Huh? Anong Goleems? Ano ba ang pinagsasabi mo Relyn?" Naguguluhan ako.

"Hindi pwede to, bakit naman nila kukunin si Zeke? At pano sila nakapasok dito sa Mundo ng mga Tao?" Palakad-lakad si Relyn na kamo'y nag-iisip.

"Tigilin mo nga yan! Nahihilo ako sa iyo eh"

"Sorry, Uhmm hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako o hindi pero..." Pabitin niyang sabi.

"Ano ba!? Wag kang pasuspense diyan, sabihin mo na!" Kinakabahan ako sa mga pangyayari. Bakit? Di ba kapani-paniwala ang sasabihin niya?

"Ito na, Ang Goleems ay isang uri ng nilalang na parang Goblins ang nakakaiba lang sa kanila ay kulay pula ang Goleems-" pinutol ko siya, ano bang drama to? Like wtf! Fairytales? Ha.ha.ha funny /please insert the sarcasm/.

"Relyn, I think napasobra ka sa panonood ng fantasy and fairytales na movie"

"No! I'm being serious here! Alam kong napaka imposible ng mga sasabihin ko! Pero ano ang magagawa ko? Totoo to! Posible to!, Totoo kami, totoo ka!" Sigaw niya sakin. Seryoso nga siya, anong totoo? "Yealle, maniwala ka man o dapat maniwala. May ibang dimension ang mundo na ito at tinatawag iyon na Enchanted. Don ako nangaling, don ka nangaling! Yealle! Di mo man matandaan pero ako,tandang tanda ko! Kinalimutan mo ako! Tumakas ako samin para makita ang kalagayan mo at ang Reyna at Hari. Namimiss ko kasi yung bestfriend ko /ngumiti ng mahina/ yung childhood friend ko." Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya. Like what? Magkilala pa kami nung bata pa? Reyna at Hari? Sino? Kaya siguro ang gaan-gaan ng nararamdaman ko nung unang kita ko palang sa kanya.

"Sana ma-alala mo ako Ella, Mahal na Prinsesa ng Aife" lumapit siya sakin at niyakap ng mahigpit.

Biglang pumasok sa utak ko ang mga ala-alang nawala ko nung bata pa ako. Sina Mom, Dad at si Relyn. Ang magandang kaharian namin. Yung kuya ni Relyn na masungit at siya.

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon