TNC 8

63 6 0
                                    


Zekeile Bandete's Pov

Ma, pa sana wag niyo akong pababayaan.

Saglit na kuminang yung kwintas ko, o nagmamalikmata lang ako. Heh! Napaparanoid lang siguro ako.

Wala na kong naiintindihan sa mga pangyayare. Paniguradong hinahanap na ako nina Yealle don. Wala naman akong paki-alam sa Auntie ko, kaya bahala sila.

Napatingin ako don sa lalaki. Nakakunot siya na parang nag-iba bigla ang mood niya.

"Bakit di na kita mabasa?" Bigla niyang tanong.

Huh?

Ano nanaman ba ang pinagsasabi nito? Mabasa? Mind Reader ba siya? Lumingo-lingo lang ako na nagsasabi na hindi ko alam.

Kring kring

May tawag? Iba ang ringtone ng phone ko.

May kinuha ang lalaki sa bulsa niya. Sa hitsura palang ay masasabi ko talagang Walkie-Talkie ito,pffft. Masyado silang makaluma pati desinyo at gamit ng bahay ay luma. Hindi ba sila nag-upgrade? Maging modern lang kumbaga.

"Anong pingsasabi mo!?" Mukhang may masamang balita siyang natangap. "Nandito sakin ng Prinsesa! Impossibleng nakauwi siya diyan sa tahanan niya!, Sino naman ang nadukot ko?" Napatingin kaagad siya sakin. Ang talim at puno ng galit ang nasa mga mata niya. Napa atras ako bigla, naging kulay pula yung mata niya. Pa-paano nangyare yon?

"Bumalik ka dito, humanda ka sa pagiging parusa mo" madiin ang bawat na salitang sinabi niya.

Kinakabahan ako sa kanya. Papalapit ng palapit siya sakin. Nang may biglang kumatok sa pinto.

"Pumasok ka!" Maotoridad na utos niya.

"Paumanhin boss, patawarin niyo ako at di ko gaano nabantayan ang prinsesa" lumuhod yung manong, halatang takot na takot siya. Nanginginig ang buo niyang katawan.

Napatingin ako kay Axl, may pangil siya! Ba-bampira...? Ba-bakit? Lumapit si Axl sa mamang nakaluhod "Your sorry is not worthy enough, you have to earn more by paying worth of your life" bigla niyang sinakal si manong at napa-angat ito sa lupa. Yung mga ugat niya ay kitang kita, kumukunot yung balat niya at parang nawawalan ng laman. Binitawan niya ito ay naging buto-buto hanggang sa naging abo ang mga ito.

"Who are you?"

Hindi ako makakapagsalita at makakapaniwala sa mga pangyayare. May pi-na..tay si-siya! A-anong uring ni-nilalang siya?

"Sabi ko, Sino ka!" Nag-iba yung boses niya, mas nakakatakot ito. "Wala kang silbi dito! Pakialamera ka! Nagpapangap ka bilang si Yealle Aifer, anong makukuha mo diyan? Nang dahil sa ginawa mo magiging malamig na bangkay ka ngayon!"

Ilang segundo ay nandito na siya sa harapan ko at sinasakal. Ang init init ng nararamdaman ko, para akong napapaso at nanghihina. Hindi ako makagalaw sa bigat ng nararamdaman ko. Ang nakakainis lang ay, ang hina-hina ko at ayaw tumigil ng mga luha ko.

Saklolo tulungan niyo ako- yan ang tanging nasa isip ko.

"Sayang ang ganda mo pa naman, sana tinikman muna kita pero naunahan ako sa galit ko. Naghihinayang tuloy ako" Sarkastikong sabi niya. Lumapit yung mukha niya sa aking leeg at nararamdaman ko na may kung anong bagay na matulis ang bumaon sa aking leeg.

Mas lalo tuloy akong nanghihina at unting-unting kumukunot ang aking mga balat at pumuputi na rin yung buhok ko.

"Kaysarap ng iyong dugo" sambit niya. Nasasaktan ako.

Katapusan ko na

Nakapikit nalang ako dahil wala na talaga akong magawa at sa hinang hina na ako. Sana man lang nakita ko yung totoong magulang ko bago ako mawala.


Third Person Pov

"Reyna Zanne, bakit ho kayo umiiyak?" Tugon ng katulong nila.

"Huh? Umiiyak ba ako? Hindi ko alam, manang, pero ang bigat bigat ng aking nararamdaman"

Sa walang kadahilanan ay nagtataka ang mga kasambahay at kawal kung bakit umiiyak ang kanilang Reyna. Kitang kita kasi nito na nakatulala lang ang kanilang Mahal na Reyna at umaagos ang mga luha nito.




The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon