Queen Elle's Pov
"Zella! Kapatid ko" agad na sabi ni Zanne sa kanyang pagkapasok.
Lumingon naman kaagad si Zeke na may naluluhang mata.
"Ate....." Sabi in Zeke.
Nagyakapan ang magkapatid. Kay tagal nilang hindi nagkasama.
"Bumalik ka, tinupad mo ang pangako mo.....bumalik ka kapatid ko"
"Ate...babalik naman talaga ako"
"Ngayon Elle, ipaliwanag mo sa lahat. Kung bakit mo ito itinago?" Madiin na sabi ni Zanne sakin.
Napatingin ako sa kanilang lahat. Natatakot ako, baka hindi ako matanggap muli ni Zeke. Kahit papaano parang anak na rin ang turing ko sa kanya.
"Kahit anong dahilan mo Elle tatangapin ko, pangako" nakangiting sabi ni Zeke. "Ikaw yung nagpalaki sakin, tinuring akong anak at higit sa lahat. Alam kong para sa kapakanan ko, kaya ginawa mo ito"
Himinga ako ng malalim. "Sige, sasabihin ko na"
Flashback........
Queen Elle's Pov
Ngayon kami'y nagluluksa sa libing ng aking pinakamamahal na kaibigan. Kay bata pa niya, para mangyari sa kanya ito.
Zella, napakabuti mo. Mamimiss kita kaibigan ko.
Maraming dumalo sa burol ng Mahal na Prinsesa. Hindi alam ng iba ay walang katawan sa nilalagyan.
Umiiyak si Zanne at si Reyna Victoria. Gusto ko mang umiyak ngunit walang luha ang lumalabas sa aking mga mata.
Habang naghating gabi na, tinawag ako ni Reyna Victoria. Hindi ko alam kong ano ang kanyang dahilan.
"Mahal na Reyna, ano po ang iyong sadya?"
"Salamat sa pagdalo Elle. Kailangan ko lang ng makakasama. Pupunta ako kay Xiana Govle." Malungkot na wika ni Reynang Victoria.
"Yung manghuhula ba, Reyna? Ngunit hating gabi na Mahal na Reyna" alalang tanong ko.
"Hindi ako makapalagay, Elle. Papaging tumatawag si Xiana sa aking panaginip. Baka may importanting sasabihin ito." May pagtataka na gumuhit sa kanyang mukha.
"Naiintindihan ko, sige po. Sasamahan kita"
"Maraming salamat, Elle. Napakabuti mong kaibigan ni Zella" nakangiti ito at lumuluha ang kanyang mata. Mahal na mahal niya talaga ang kanyang anak.
......................................................................
Narating na namin ang forbidden garden at tinahak patungo kay Xiana.
"Buti at nakarating kayo Mahal na Reyna" magalang na pagbati ni Xiana.
"Ano ang iyong dahilan at pinatawag mo ako sa aking panaginip" tugon ni Reyna Victoria.
Nasa tabi lang ako ng Inang Reyna, tahimik at nanonood sa kanila.
Nagmamadaling pumunta si Xiana sa kanyang bolang crystal. Sinundan naman namin si Xiana. Umupo kami sa harapan ng kanyang bolang crystal. May nakikita kaming imahe, isa itong dalagang babae na tumatakbo sa kagubatan. Habang may....digmaan? Ano ba ang nangyayare? Bakit ganito to?
"Ito ang nangyare sa aking anak na si Zella" malungkot na sabi ng Reyna. "Ngunit, sino tong binibining ito? Xiana?" Naguguluhang dagdag ng Reyna
Tumingin ng matalim samin si Xiana. Namumuti ang kanyang mata at nakikita ko ang mga ugat na nalalatay sa kanyang mukha.
"Ang prinsesa ay muling isisilang sa puno ng Golavae" Golavae? Yung malaking puno dito sa forbidden garden? "Tatapusin niya ang dapat niyang tapusin....ang baguhin ang mundo. Ngunit, pag hindi niya ito nagampanan ay katapusan na ng lahat." Sabi niya. "Ngunit!!, mauulit ang mga pangyayari na siya'y ulit maging ganap na dalaga" dagdag na sabi niya.
Ibig sabihin ba nito?
"Oo, tama ang inyong naiisip. Ang dalagang yan, ay nalalaytay sa kanya ang dugo at kaluluwa ni Zella, na iyong anak Mahal na Reyna." Sambit ni Xiana.
"Bakit ba nangyayare ito? Kailan ba tatahimik ang buhay ng pamilya ko? Oh, anak ko. Pagod na pagod kana siguro" naluluhang sabi ni Reyna Victoria.
Hinihimasmasan ko ang likod ni Reyna Victoria. Zella....ano ba binabalak mo? Alam kong nanonood ka lang saamin.
Prinsesa ako ng Hangin, nararamdaman kita. Ngunit, wala ka dito kundi nasa kabilang buhay at naghihintay...
Konnichiwa~~
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...