Zekeile Bandete's Pov
Napakahimbing ng tulog ko. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng ganitong kahimbing. Mula nung namatay sina Mama at Papa palagi nalang akong stress, nakakadagdag ng wrinkles enebey!. Dapat siguro akong magpasalamat kay Axl, nakatulong kasi yung pagkwekwento niya. Mamaya nalang pag nakita ko.
Naghahanda na ako para pumunta ng Majonian Academy, Excited pa nga!. Ano kayang itsura ng paaralan? Maganda kaya? Malaki? Marami kayang pogi don? Haaysh nako! Ano ba itong pinag-iisip ko, tigil na nga to.
"Iha! Hali ka dito at kumain kana. Ang napakaganda mo iha lalo na sa iyong suot, bagay na bagay sayo" puri ni Inay sakin.
"Nako! Inay, nakakahiya po. Di naman sa ganon/pa humble/."
Nasaan kaya si Axl?, napalingon-lingon ako kahit saan.
"Kung hinahanap mo si Axl, iha. Maaga siyang umalis sa bahay." Sabi ni Inay.
"Inay naman! Hindi ko ho hinahanap si Axl, bakit niyo naman sinabi yan." Pagtatangi ko. Palagi nalang nila binabasa yung iniisip ko, napaka-unfair!. Hindi ko kasi mabasa yung sa kanila kahit binigyan na ako ng kapangyarihan. Siguro nga sa dahilang tao lamang ako, kaya di ako makakabasa.
"Haha Iha, kung gusto mong di ka mababasa ng kahit kanino ay madali lang. Kailangan mo lang ikalma yung sarili mo at isipin mong may isang barrier sa iyong utak na pinoprotekta ito." Paliwanag niya sakin.
Kaya ginawa ko ang mga sinasabi niya. Napatingin lang ako kay Inay, nakangiti siya sakin.
"Magaling! Andali mong matuto. Nagawa mo,Iha"
"Nako! Inay naman masyado niyo na akong pinupuri ngayong araw. Di muna ako kakain Inay, late na kasi ako" agad agad akong lumabas sa bahay at sumakay ng Librea *mga kabayong walang pakpak at hindi nakakalipad*
Kung ang Dibrea ay mga kabayong lumilipad, ang Librea naman yung nasa Lupa lang.
Napakaganda talaga dito. Yung mga tanawin parang kumikintab lahat. Mga taong nandito, oh kay saya nilang pagmasdan. Yung palasyo dito kitang kita, kay laki at ganda nito.
Pero syempre hindi ito perpekto. May mga nakawan, pangtutulis at iba pa ang nangyayari dito. Kahit yang mga ganyang tao ay dapat na nasa Dark World ay dito sila nakatira, naks! Ang galing magtago kagaya lang ni....A-Axl, oo siya!.
"Binibini nandito na po tayo" sabi nung Manong.
"Salamat po Manong, ito po bayad ko." Binigyan ko siya ng limang gintong bato. Dapat tatlong gintong bato lang yan, pero dahil sa good mood ako ngayon sinobrahan ko, tip lang kumbaga.
Kay ganda at bait niya-sabi nung kabayo.
"Salamat sa papuri, Librea" Tinapik ko yung ulo ng Librea. At tuluyan ng umalis.
Oo, naiintindihan ko yung mga hayop dito. Nakakatawang isipin diba? Minsan kung nag-iisa ako ay kinakausap ko yung mga hayop dito, pati na yung mga langgam!.Natatakot akong sabihin ito nina Inay at Itay, baka pagkamalan pa akong baliw at patalsikin sa bahay.
Nandito na ako sa gate, nakakamangha! Ang ganda! Napanganga nalang ako,para itong palasyo. Ang puti ng mga dingding, ibat-ibang kulay at klase ng bulaklak sa bawat hakbang na madadaraanan mo. Nako! Late na ako! Kailangan ko ng magmamadali.
Tumakbo na ako patungong gate hanggang sa nabundol ako sa isang tao. Hindi ko na itong tinignan at humingi lamang ng paumanhin. Kailangan ko na talagang umabot 5 minutes nalang at magsisimula na yung test.
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...