Queen Elle of Aife's Pov
Pa...paano? Paano niya nalaman?
"Ano ba ang pinagsasabi mo Zanne? Mga bata sa labas muna kayo" sabi ko habang nakatingin pa rin kay Zanne.
"P-pero?" Sabi nila.
"No buts, labas na kayo"
Matatalino ang mga bata, alam kong gusto nila malaman ang tungkol kay Zeke. Pero sa ngayon...hindi ko na alam
"Hindi ko alam kung ano ang iyong binabangit Zanne, tigilin mo na yan. Dahil hindi ito nakakatuwa." Matalim na sabi ko sa kanya. "Paano mo siya naging kapatid? Sabihin mo nga. Matagal nang patay ang iyong kakambal Zane!. At inaanak ko ang sinasabihan mo" dagdag ko. "Zane, move on!"
Hindi niya dapat malaman to. Hindi muna ngayon.
Tumingin lang siya nang matalim sakin. Mukhang hindi ito naniniwala.
"Saan mo ba nakuha ang impormasyon na yan? Napakatalas ng dila"
"Walang nagsabi sakin" malungkot na wika niya. "Lagi ko itong napapanigipan, wag mo akong linlangin Elle. Alam mo kong ano ako magalit" madiin na sabi niya. "Alam mong konektado ang buhay namin Elle, kahit anong gawing pagtanggi ko ay nararamdaman ko ito."
Napatahimik agad ako. Nakakakot si Zanne pag siya'y galit. Walang makakatakas sa kanyang galit kundi damay ang lahat.
Ano ang gagawin ko?
Ngayon na ba ang tamang panahon? Para sabihin ko ang lahat. Ngunit, natatakot akong maulit ang nangyare noon.
Flashback.......
Noong mga dalaga at binata pa ang lahat ng mga Hari at Reyna.
Third Person's Pov
Masayang nakikipagkwentuhan ang magkakaibigan na sina Elle at ang magkambal na sina Zanne at Zella.
Si Zanne at Zella ang prinsesa ng Centria. Anak ni Reyna Victoria.
Magkaiba ang ugali ng magkambal.Si Zanne ay yung matapang at walang inaatrasan para lang sa kakambal niya. Siya ang palaging nag-aalaga nito at mas matalino kay Zella. Ngunit kabaliktaran naman kay Zella. Mangmang si Zella sa kanyang kapaligiran. Ayaw niyang makakita ng labanan, palaiyakin at mahina rin ang katawan nito. Ngunit, si Zella ay nagtataglay ng isang kapangyarihan na wala sa lahat. Isa itong light powers, walang nakakasabi kung ano ito at gaano ito kalakas. Kaya siya ang kina-iingatan sa buong Enchanted.
Kaarawan ngayon ni Zella at Engrande ang kanyang pagsasaya't. Lahat ng Hari at Reyna, mga dugong bughaw ay dadalo sa kanyang kaarawan. At ihahanda na ang kanyang pagpipili ng mapapangasawa.
Napakasaya ng dalaga, ngunit nakarandam rin ito ng kaba. Hindi mapakali ang dalaga sa kanyang nararamdaman ngayon. Para bang ito na ang huli niyang kahantungan.
Princess Zella of Centria's Pov
"Zella, handa ka na ba?" Pumasok si Ate Zanne sa aking silid. Napakaganda talaga ng ate ko. Kambal nga kami ngunit magkaiba ang ibang estraktura ng aming mukha. Si ate ay may malaking mata, manipis na labi at matangos na ilong. Sakin naman ay singkit ito, manipis rin ang labi at matangos ang ilong. Magkaiba ang kulay nang buhok namin ni Ate. Puti at may konting iba't ibang kulay, sapagkat ako naman ay halos matabunan ang puting buhok sa iba't ibang kulay. Pareho kaming maputi ni ate, ngunit mas mataas lang siya kaysa sakin.
"Opo Ate" nakangiting tugon ko, kahit hindi ako makapalagay. "Magiging maayos naman ang araw na to Ate, diba?" Nag-alalang sabi ko.
"Bakit Zella? May nangyare bang masama sayo?"
"Wala naman po Ate" ayaw ko nang mag-alala sila nang dahil sakin.
"Malapit nang mag alas-dose, kaya mag-ayos ka ng todo kapatid ko. Mahal na mahal kita, maligayang kaarawan sayo. Wag mong iiwan si Ate ha?" Hinalikan niya ang aking noo. Ate ko, hinding hindi kita iiwan. Pangako ko yan /isip ko/. At tuluyan nang lumabas si Ate.
Nag-iisa nalang ako dito sa silid. Nawiwili ako sa mga regalo na binigay nila. Ang gaganda nito haha. Nang may biglang kumatok sa pinto.
Baka naman si Ina na yan? O si Ate?
Maligaya akong tumungo sa pinto upang buksan ito. Nang nabuksam ko ang pinto ay hindi ko kilala ang tao na nasa harapan ko. Nakaroba ito ng maitim at natatakpan ang kanyang mukha.
"Mahal na Prinsesa" sabi nito. Nakakatakot ang kanyang tinig, na kumilabot ang aking pakiramdam.
"S-sino k-ka?"
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...