Queen Elle's Pov
[ cont. Of flashback ]
Gumawa kami ng paraan upang hindi malaman ito ng lahat at lalo na kay Haring Revo. Hindi namin ito sinabi kay Zanne upang hindi na siya mag-alala sa kanyang kapatid. Naghihintay lang kami ni Reyna Victoria na isilang muli si Zella.
.......................................................................
Mga ilang taon na ang lumipas kinasal na ako kay prinsipe Yuan. Kaibigan ko rin siya mula pagkabata. Namatay ang aking Ina kasabay si Reyna Victoria. Nagluluksa na naman si Zanne dahil siya'y nag-iisa na naman. Matagal-tagal tinangap ni Zanne ang pagiging Reyna nito. Pero sa huli naman ay tinanggap na niya ang kanyang responsibilidad at pinakasal sa Prinsipe ng Hara na si Evo. Kapatid ni Saph Vahara na siya'y namumuno sa Hara ngayon.
Wala na si Reyna Victoria at nag-iisa lang ako ngayon, ano ba ang gagawin ko? Sinabi ko na rin ito sa asawa ko. Ngayon ay parati akong pumupunta sa puno ng Golavae para makita kung isinilang na ito.
Ngayon nandito ako sa Puno, naghihintay pa rin....... Biglang lumindol ang lupa. Napakalakas ito, nakakapit ang ako sa ugat ng puno. Bigla na namang lumiwanag, napapikit ako.
"Uwaauhh uwaauuhh" tinig ito ng isang sanggol.
Mayamaya ay tumigil na ang lindol. Hinanap ko kaagad kung nasaan yung sanggol. Nasa ibabaw ito ng punuan.
Seriously? Bakit sa ibabaw ito? Pwede naman sa mga ugat nalang para nadaling kunin. - reklamo sa isipan ko.
Napakabigat pa naman itong aking suot.
Pinutol ko ang laylayan sa aking suot. Maiksi nalang ang aking saya at nakikita ang aking makinis at maputi na hita. Sinimulan ko nang umakyat, hindi ako mahilig sa ganito. Kaya nahihirapan ako. Pagdating ko sa sangga kung nasaan ang sanggol ay agad akong umupo. Hinahangos at pagod ang katawan.
Nakita ko ang sanggol, napakaganda nito. Namumula ang kanyang pisngi, ang puti at kay ganda ng kanyang mga mata. Gumaan kaagad ang aking kalooban.
Kinuha ko ito at kinarga
"Uwuaaahh uwuaahhh" umiiyak ang bata nang hinawakan ko ito.
"Shhhh tahan na aking munting sanggol" mahina kong wika. "Kay ganda mo. Kamukha mo si Zella na aking kaibigan" dagdag ko.
Umiiyak pa rin ito. "Ano ba ang pwede kong itawag sayo? Zella?" Hindi kasi pwedeng Zella nalang ang ipapangalan ko sayo. Kasi bawal gayahin ang mga pangalan ng dugong bughaw, at magtataka rin sila.
"Zekeile!! Oo yon nga, kay gandang pangalan. Bagay na bagay sa iyo" natutuwa kong sabi.
Paano ba ako makababa dito? Ayy! Nakalimutan kong isa pala akong Reyna. Makakateleport naman ako, haaaysh. Ba't di ko naisip yon? Sa simula pa lang?
Nakauwi na ako saamin ang ikinagulat ni Yuan ang dala kong sanggol. Sumenyas ako ng tahimik sa kanya, dahil natutulog si Baby Zekeile.
"Love, ano na ang gagawin natin?" Sabi ng asawa ko.
"Matagal ko nang na-iisip to, kung dalhin natin siya sa mundo ng mga mortal? Mas palagay siya don" sabi ko.
"Paano ang ating kaharian, Love" nag-alalang sabi ni Yuan.
"Pwede naman nating dalaw-dalawin ang kaharian. At para na rin hindi magtaka ang lahat, kung nasaan galing ang sangol na iyan. Dapat rin makakasalamuha ni Zekeile ang mga tao don, para hindi kaduda-duda." Paliwanag ko sa kanya
"Zekeile?" Takang tanong ni Yuan.
"Oo, ang ganda diba? Yan ang pinangalan ko sa kanya" nakangiting sagot ko.
"Parang lalaki" sambit ni Yuan.
"Aba, mas maganda yon asawa ko."
"Sige nalang, ngunit paano na ang anak natin?"
Buntis ako ngayon, mga ilang buwan nalang at manganganak na ako. Hindi ko naisip yon ah.
"Ipadala rin natin siya sa mundo ng mga tao" sabi ko. "Ngunit, para hindi kataka-taka ay dapat nating ilihim ang tungkol sa kanya. Kahit masakit para sakin" malungkot na sabi ko.
"Patawarin mo ako anak, kami ng Itay mo. Ngunit, dapat namin tong gawin" niyakap ako ni Yuan.
"Magiging okay lang naman ang lahat diba?" Alalang tanong ko.
"Hindi ko alam, Love"
End of Flashback........
BINABASA MO ANG
The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]
FantasyA world that where your dream come true. A world that you wish for. A magical world that everything is possible. But..Also.. A world that can destroy and can be a hell for you. UNIQUE ITO!! PRAMIS MAGUGUSTUHAN NIYO. WELL, KUNG YUNG GENRE NIYO TALAG...