TNC 34

51 6 0
                                    

Yealle Aifer's Pov

"Daniel! Sabihan mo naman si Zack, kawawa ang bessy ko" nasa field rin kami ngayon. Naka-upo sa bench, at nanonood kay Zeke.

"Hayaan mo na sila Yealle, nag -eenjoy si Zack eh. First time kong nakitang ganito siya" nakangiting sabi niya. Mabuti nalang nandito si Daniel para kay Zack.

Napatingin naman ako kay Zack, oo nga no? Haaysh mukhang kaya naman siguro ni Bessy ang sarili niya.



Zekeile Bandete's Pov

Ayaw ko na talaga, gusto ko nang magpahinga. Humiga agad ako sa lupa, grassy naman ito kaya hindi gaano madumi.

"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya, nasa malayo kasi siya.

Hindi ko siya pinakingan. Pumikit ako, ang ganda ng panahon ngayon. Hindi gaano mainit, sakto lamang. Pagbukas ko ng aking mata ay nakita kung nakatayo si Zack at kita-kita  ko ang kanyang mukha sa harapan ko. Nasilayan ito ng konting ilaw, ang gwapo niya pala no? Bakit kaya ganito ugali niya?. Napangiti nalang ako sa aking iniisip.

"Anong nangyare sayo?" Bago to ha? Hindi siya nakasigaw, galit o mapang-asar na tono. Mahinahon lang ito, napakagandang pakinggan.

"Wala naman, dali! Samahan mo ako dito. Sandali lang naman ito, mamaya na natin ipagpatuloy yung practice" hinili ko kaagad siya para mahiga, hindi naman rin ito nanlaban at hinayaan lang ako. Tahimik lang kaming nakahiga.

Hindi nila alam na nasa kabilang gilid si Axl na nakatingin sa kanila ng saglit at agad naman itong umalis.

Naglalaro ako sa aking kamay. Nang biglang naging apoy ang mga daliri ko. Napatayo ako bigla na ikinagugulat ni Zack.

"Ahhhhhhhhh, yung daliri ko!!! Nasusunog, waaaahhh" sigaw ko. Winagayway ko pa ito para mamatay yung apoy. Pero hindi eh.

"Ikaw! Ang may gagawan nito no!?" Tinuro ko pa si Zack.

Nalito na si Zack sa panyayare, hindi naman niya ginamit ang kanyang kapangyarihan.

"Wala akong ginawa, hindi ko alam yan" sabi ni Zack. "Huminahon ka nga!" Dagdag niya. Kinuha niya ang aking kamay.

"Napapaso ka ba?" Nag- alalang tanong niya. Oo nga no? Ngayon ko lang napansin, hindi ito masalit. Naging mahinahon narin ang kalooban ko, nang na-isip ko yon.

Ngayon hawak ni Zack ang aking kamay na parang sinusuri ito. Nakatingin lang ako sakanya habang ginagawa pa niya ito.

"Mukhang taga Vahara ka ah" natauhan naman ako bigla. Huh?

"Ang apoy, mukhang yan ang kapangyarihan mo. Hindi ka mortal" paliwanag niya.

Ako? May kapangyarihan? Pero.... Ang pagkaka-alam ko talaga ay isa akong tao. Ano ba talaga Mama? Wala naman ibang nakaka-alam kundi si Mama lamang.

"Ewan" binawi ko kaagad ang aking kamay at dahil nalilito pa rin ako.

"Ano ka ba talaga?" Tanging sabi ni Zack.

"Hindi ko alam, walang binangit sakin si Mama" sabi ko. Tahimik lang siya, maya maya ay napatingin siya sakin.

"So, dahil may kapangyarihan ka na. Maaari mo yang gamitin sa Legend"

"Ngunit hindi ko alam kung papaano?"

"Ano pala ang saysay ko dito?" Nakataas kilay niyang tanong. "Isipin mo na mawala yung apoy sa daliri mo"

Ginawa ko ang sinabi niya pero hindi parin ito nawala.

"Hindi naman namatay eh!" Sabi ko.

"Kumalma ka nga! Dapat nakatuon ka lang sa apoy, dapat yung apoy mo lang ang isipin mo!" Sigaw niya. So sigawan na kami ngayon? Kahit magkatabi lang kami.

Ginawa ko na naman ang sinasabi niya. Hmmmmmm......... Unti-unti kong binuksan ang aking mata at tinignan ang aking mga daliri. Nawala ito! Ang galing!

"Yes!! Nawala ito, napakahusay mong instructor Zack!" Maligaya kong sabi. Tinignan ko nang mabuti ang kamay ko, sinisiguro na wala na yung apoy or may mga paso ba. Pero wala na haha.

"Tapos ka na ba sa iyong pagsasaya? Magmamadali tayo sa pag practice, hindi lang ikaw ang magprapractice. Pati na rin ako." Bumalik na siya sa kanyang dating, pagiging suplado. Tsk bakit ganyan ang mga lalaki? Si Axl rin ganyan paminsan minsan. Haysh....

The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon