TNC 33

59 6 1
                                    

Zekeile Bandete's Pov

"Ang hina hina mo!" Sigaw niya sakin.

"Pasensiya naman! Pwede bang magpahinga muna?" Pagod na pagod na talaga ako. Kanina pa akong tumatakbo habang nakataas yung kamay dito sa field. Mga 2 oras na rin at hindi pa ako umiinom ng tubig.

"Makakapaghinga ka lang, pagnatapos mo!" Nakangising sabi niya. Inaasar ba ako nito? Sabi nga eh demonyo to. Nangangalawit na yung mga kamay ko huhu.

"Fuck you! Zack!" Napamura agad ko. Hindi ko namang ugali mag mura, pero ngayon parang mapapamura natalaga ako.

Hindi kayo nagkakamali, kay Zack ang bagsak ko. Napakalupit niya talaga. Wala naman kasi akong ibang malalapitan.



Flashback........

Pumunta nalang ako sa training room, magse-self practice nalang ako. Kaya ko to!. May mga sandata naman doon nakadisplay.

Hindi ko naman alam kung paano gamitin ito eh - bulong ko.

"Ito kayang gusto kong ma-try to yey!" Maligayang sabi ko. Sa mga tv at school feast ko lang nakikita to. Mahilig naman akong manood ng action movies, yon nga lang di ko naranasan ang gumamit ng mga ganitong sandata.

Sinubukan ko munang gamitin ang ang pana, sinunod ko lang ang pose kung ano ang nakikita ko sa tv. Patira na ako........palpak!
Bakit ganon? Ayaw niyang tumira? Pagkatapos kong bitawan yung arrow ay nahulog lang siya sa pwesto ko. Hinila ko naman ang arrow kasabay na yung string ah. Ikalawa ko namang sinubukan ang arnis, madali lang to. Pampalo lang to eh, tunuruan kami nung elementary.

Nagstance na ako ng pose. At ginawa ko yung basic,

"Aray!" Napalo ko yung kamay ko at nabitawan yung stick. "Ang sakit ng kamay ko, huhu" nakalimutan ko yung mga stanzas na tinuro sakin.

"Ito kayang dagger?" Ihahagis lang naman ito diba? Sinubukan ko rin ito. Tagahagis ko ay palagi itong nakatalilid, myghad kailan to tutulin??

May dalawa nalang pagpipilian and sword at boomerang. Ayaw ko ng Sword baka masaksak ko yung sarili ko. At mukhang madali naman gamitin ang boomerang, kagaya ng dagger ay ihahagis ko lang rin ito.

Ginawa ko na naman ang pose ko na nakikita ko sa tv. Handa ko nang ihagis. 1, 2, 3.... Go...
Nang naihagis ko, successful itong lumipad ng matulin.

"Diba, bumabalik ang boomerang" napaisip ako. Napatingin naman agad ako sa boomerang, patungo ito sakin!!

"Waaaahhhhhhh!!" Napatakbo ako palayo sa boomerang. Hanggang sa nabangga ako.

"Wala ka bang ibang gawin kundi kalokohan lang!?" Napa angat ako ng tingin. Si Zack ito at nasa kamay na niya ang boomerang.

"Hindi ito kalokohan! Nagprapractice ako! Practice tawag dito!" Defensive kong sagot. Totoo naman eh.

"May nagprapractice bang tumatakbo lang kahit saan?" Nakataas kilay niyang tanong.

"Exercise yan! Bago mag practice dapat mag-exercise muna! Hindi ka ba tinuruan ha?" Sabi ko.

"Tsk. Mga alibi mo, umalis ka na kung naglalaro ka lang. Magprapractice na ako" sabi niya. Walang modo! Hindi na ako nagsalita at umupo nalang sa gilid. Pinanuod ko siya "Ang galing niya" yan ang masasabi ko. Mukhang tama sina Yealle.

"Hindi ka pa ba aalis dito? O susunugin kita" nasindak naman ako sa sinabi niya. Talaga tong lalaking to! Suplado!

"Hindi! Kasi may gagawin ka pa sakin!" Sabi ko.

"Huh? Anong pinagsasabi mo? Wala na tayong dapat gawin"

"Hindi! Mayron pa, kailangan mo akong turuang makipaglaban gamit ng sandata" diretsong sabi ko.

"Ano ka hibang? Ba't naman kita tuturuan? Umalis kana" madiin niyang sabi. Hindi ako magpapatalo dito, kailangan ko talaga ang tulong niya.

"Sige na...please. Zack! May libreng kahilingan ka galing sakin, please" desperadang sabi ko. Nagbago naman ang kanyang mukha nung narinig niya ang salitang kahilingan.

"Ilang kahilingan?" Sabi niya. Napaisip naman ako, isa? Oo dapat isa lang baka kung ano pa ang ihihiling niya.

"Syempre, isa lang!" Sabi ko.

"Gusto ko tatlo, tatlong kahilingan" ano to? Mala-genie lang ang peg!

"Hindi! Isa lang" sagot ko agad.

"Edi wag, maaari ka nang umalis" walang emosyong sabi niya. Huhu paano yan? Pagbibigyan ko ba? Tatlo lang naman yon, pero baka kung ano ang ihihiling niya. Mabait naman siguro si Zack diba? Marunong tong maawa. Hmmm

"Fine! Oo na, basta....basta turuan mo lanh ako!"

"Sige simulan na natin"

End of Flashback.....

Yan, nakakaawa ako. Pati sa training pinahihirapan ako.




The New Creation [ UNDER CONSTRUCTION ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon